Chapter 7- THE FIRST ENCOUNTER

5 0 0
                                    

TEPI POV

"Bakit kasalanan ko bang pangit ka?"

Pow! Boom! Kapow! Tugsh!

"What is hapeneng?"

At natigilan ang lahat.

Hindi ko maintindihan bakit ganito ka exaggerated si Ma'am. Saan ba n'ya kinukuha ang lakas ng boses n'ya. Isa pa, hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa sa sinabi niya.

"Ano bang problema mo?" tanong ng maputlang babaeng kaaway ko ngayon.

"Ikaw, ano ang problema mo? Sino ka ba? Kailan ka ba ipinanganak? Kahapon lang?" sagot ko.

"Eh ikaw, sa anong punenarya ka ba nagpaayos, bakit ang kapal ng mukha mo?"

"Ayy, nahiya naman ako sa putla mo, para ka ng ibuburol bukas", sagot ko.

"Ah ganon ha!"


Pow! Booom! Kapow!


SANDALEEE!!!!!


Wala na kaming nagawa kundi ang bumalik sa mga upuan namin dahil nakita na naming  bumalikwas si Ma'am sa pagkakatayo n'ya at sinalo nitong akala mo ay ngayon lang lumabas ng bahay sa talambuhay n'ya. Gusto mo confidence? Mayaman ako dyan.

Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. First day of school, pinadala na ako kaagad sa Guidance Office.

Kaloka! Ayoko na talaga dito, hindi na ba ako mahal ng mga magulang ko? Isang pagpapanggap lang ba ang lahat?

Bakit? Hindi ko deserve ang ganito. Ayokoo naa!


"Yes, Mrs. Waka waka, what can I help you?"

"Ahhh sirrr! Ikaaww na ang bahala sa dalawaang itoo haaa! Ikaw talaga! Wag mo nga akong hawakan! Istapet! Kaya naman laging nagpapaalam ang mga bata at laging gusto magpa-guidance office. Ikaw pala ang counselor. Teka, libre ka ba sa sabado? Papa-counseling sana ako, sa bahay namin. Ipagluluto kita ng ispesyalti ko na pinaupong manok! Baka gusto mo rin akong paupuin! Ihhhhhhh!"

"Ah ah, It's okay, Ma'am. I have a prior commitment on that day, sorry!" sagot ng aming counselor.

Mula sa pagtingin sa malayo at nang marinig kong nagsasalita si Ma'am, dahan-dahan kong inilingon ang aking paningin at sumambulat sa akin ang mukha ng aming counselor.

Parang dahan-dahang tumitigil ang lahat. Ganito ba sa lahat ng school? Kumukuha ng gwapong counselor para dayuhin ng mga makakating estudyanteng kailangan magpakamot.

"Ahh! Sir! Ang kati!" sambit ko sa aking isip.

Simula nun, tinawag ko na s'yang si Atom. Oo, Atom Araullo, ang kanyang mga ngiti ay talaga namang "Ahh sir, ang katii!"


"Ah sher? She pe kese eng mey keselenen eh!" sambit ng maputlang bruha.

"Eneng eke! Ikaw keye! Oh sher! Iligtas me eke!

Wait! Anong nangyayari sa akin. Alog-alog si ulo. Nagmukha akong nakadroga.

"Okay, relax! Akong bahala sa inyo! I'll help you understand that this is just a normal thing for a high school student and that you have to calm down para mas magkaintindihan tayo", sagot ni Sir Atom.

"Ekey, sher!" sambit ng bruha na akala mo sinaniban ng engkanto.

Mga isang oras din ang nakalipas at wala akong nagawa kundi ang magkunwari na napatawad ko na ang bruhang 'yon sa pangungutya sa make-up ko! Umubos ako ng isang oras para lang dito tapos kukutyain mo lang, nahiya naman ako sa putla mo na parang kulang ka sa toyo.

Well, as usual, babalik kami sa classroom at magpapanggap na may magic ang mga salita ni Sir Atom. Pero aaminin ko, baka ito na, mukhang mapapadalas ako sa Guidance Office. Nakahanap ako ng bagong tambayan.

Ang saya ko ngayong araw, kailangang isipin para hindi mabanat ang buong magdamag kong binabad sa face mask na gawa sa glue kagabi! 

La, la, la, Ahhhhhhhhhh!



"Oh sorry, Miss! Are you okay?"

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon