Chapter 13- BROTHERS CAFE

1 0 0
                                    

TEPI POV

I don't know pero palagi akong gutom after ng mahihirap na subject. Parang apektadong apektado ng utak ko ang tiyan ko. Hayyy!

As usual, kailangan na naman kumopya kay Kino para lang makapasa sa exam. Wala pa ring tatalo sa aming "Cheating Squad".

"Huy, Kino, anong sagot sa number 4?"

Ang uto-uto naman itataas ang kamay na akala mo nag-uunat at itataas ang tatlong daliri na ang ibig sabihin ay "Letter C".

"Hey, Mr. Adriano! Masyado ka bang inaantok at unat ka ng unat ng katawan. Gusto mo ba mag-stretching sa labas? Pasalamat ka. . . . . (pabulong: Cute ka). . ah estudyante kita kung hindi baka naipalambitin na kita dun sa field. Focus on your exam!", ang pangsesermon ni Mrs. Waka waka na obvious na obvious naman na may crush kay Kino. Papaano, bilib na bilib s'ya, ikaw ba naman yung natutulog sa klase pero kapag tinanong mo may naisasagot. Kilig ka, Ma'am? Teenager ka girl?

After that exam na 100 items sa pinakopya ni Ma'am sa walong magkatabing manila paper, nakahinga ang lahat. Kitang kita sa mukha ng lahat ang pagtanggap sa katotohanang kailangan na naman magbayad ng mga magulang nila ng tuition sa panibagong taon.

"Tara, chill tayo guys!", pagyayaya ko.

"Tinatanong pa ba 'yan bebe girl? Andito lang ako palagi sa'yo. Pero bago tayo pumunta dun, bawasan mo muna ang kapal ng lipstick mo. May connection ba 'yan sa sinagutan nating exam? May orasyon ba 'yan? Hahaha." pang-aasar ni Charles.

"Okay, okay. Payag ako na ganyan ganyanin mo ako pero may kapalit. Ikaw ang magbabayad ng lahat ng oorderin ko mamaya", sagot ko.

"Ah guys, sama ako sa inyo today ha! Gusto kong makalimot", sabi ni Dappy.

"Teka, may sakit ka ba? Charles, may sakit ata itong kaibigan natin. Saan masakit dito? (Itinuro ang flat n'yang boobs)."

"Ano ba, Boss Arden! Walang tigil ang kamanyakan? Pati ba naman ako? Tara na! Sige, fine! Sagot ko ang pangtulak! sagot ni Dappy.

Hindi kami namomroblema sa sasakyan dahil palaging sagot naman ni Charles ang lahat. Naisip ko nga kung di ba nagtataka yung mga magulang nito kung saan n'ya dinadala ang pera n'ya. Ex-PV kasi s'ya. Galing sa private school na napatalsik daw dahil sa pangongopya. Well, mukhang mauulit. Walang kadala-dala.

"Saan ba tayo pupunta?", tanong ni Kino.

"Oh were here na pala! Brothers Café!" sabi ni Charles.

Maganda yung café. Mukhang pinag-isipan. Yung ambiance n'ya para ka lang nasa garden kahit na nasa loob ka talaga ng café. At ang daming babae! Anong meron dito, akala ba nila may mga macho dancers dito kaya nandito sila, well, Brother's Café, akala siguro ng mga hitad na 'to na baka dito nila mahanap ang magpapatibok sa puso nila, puso sa taas at puso sa baba.

"Welcome to Brothers Café!"

Ay wait! Mukhang tru ang hinala ko! Ang sherep ni Koya na bumabati. Mukhang mapapadalas ang inyong lingkod.

"You may seat everywhere as long as it is available. Feel at home!"

Antaray! Ikaw kuya, Shenggel ka ba? Aveylabol ke be? Nalungkot ako bigla nung umalis s'ya.

"Hey, guys! Dun tayo sa unahan, mukhang malawak ang space!"

Maganda. Infairness, medyo natulala ako sa mga nakikita ko. Para akong ibinalik sa panahong malaya pa akong naglalaro sa batis, sa kabukiran na puno ng berdeng mga halaman at dumadampi sa aking magandang mukha ang samyo ng sariwang hangin.

"Oy! (tinulak ako), gising bebe, lasing ka na agad? Saka isa pa, dito bar!" pang-aasar ni Charles.

"Dahil mga kaibigan ko naman kayong tunay. Ako na bahala sa order natin, waiter!" sigaw ni Boss Arden.

"Ay iba! Waiter! Five star hotel bes?" sagot ni Dappy.

"Tumahimik ka, maganda ka lang!" sagot ni Boss Arden.

"Ah yes sir?"

Napalingon kaming lahat. Pamilyar ang boses n'ya. Dahan-dahan kaming lumingon para tignan kung sino ang nagsalita.

"Si Rich Boy!" sigaw ni Boss Arden.

Sa sobrang lakas, lahat ng mga babae sa café nagtinginan na sa amin.

"Ah ah, Sorry, can I take your order?"

"Teka, diba mayaman ka naman? Bakit ka nandito? So anong pinapalabas mo? Hampaslupa kami? Kayong mayayaman, nandito. Kami walang ginagawa?" sagot ni Boss Arden.

"Ah, sorry, we are not allowed to talk so much with the customers, ano order n'yo?"

Hindi ko alam pero nakatingin lang ako sa kanya habang paulit-ulit s'yang nagso-sorry. Tapos unti-unti ko nalang nararamdaman na may tumutulong dugo sa ilong ko.

"Tepi!", sigaw ni Dappy na akala mo ngayon lang nakakita ng dugo sa talambuhay n'ya.

"Ah e e, sorry. Teka, bakit nga ba dumudugo ang ilong ko. Pasensya na", sagot ko.

"Okay ka lang, beybi?", tanong ni Charles.

"Magiging okay ako kung oorder na kayo at baka dahil sa gutom lang 'to!", sagot ko.

Ang totoo, biglang bumagal na naman ang lahat. Parang bahagyang tumitigil ang oras habang nakatitig ako sa mukha n'ya. Maamo, gwapo at basta may iba. Baka nga gutom lang ako kaya kung ano-ano na naiisip ko.

Nung nakuha na n'ya ang sangdamakmak na order ng grupo, mabilis s'yang bumalik sa counter na akala mo ay may tinakbuhang holdaper.

"Tepi! Parang may naalala ako sa lalaking 'yun. Mukhang dapat hindi mo kinakalimutan! Diba s'ya yung First. . "

"He! Tumigil kundi bibigwasan na kita! sagot ko kay Boss Arden.

"Relax! Haha. Ako 'to Tepi, si Natoy ang nagmamahal sa'yo!"

"Kasuka! Tumigil ka nga!"

Haayy! Naalala ko na naman 'yung muntikan ko na ngang makalimutan. Parang biglang nag-init ang batok ko. Tapos bumilis ang tibok ng puso ko na parang sinasabi sakin na kailangan may gawin ako para makabawi sa ugok na nagnakaw ng first kiss ko.

Humanda ka! 

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon