Chapter 9 - THERE'S ALWAYS A FIRST TIME

3 0 0
                                    

TEPI POV

Yung pakiramdam na pagkatapos banggitin ni Manong na may nagbayad na ng pamasahe ng isang aping katulad ko at nakaramdam ako ng kakaibang saya. At napatanong sa sarili ko,

"Lord, ito na ba 'yun?"

First time, nangyari 'to at sadya namang hindi ko malilimutan.

Pagkarating sa school.

Bumaba sa jeep na akala mo ako ang may-ari. Hinahawi ng hangin ang aking buhok.

Ganito ang pakiramdam kapag mag-isa ka nalang na bababa sa jeep. Arkila mo girl? Parang kanina lang wala kang pangbayad ng pamasahe ha?

"EyoW Tepi! Akouw Nga FaLah si Ken! FuweDeh BanG ManLiGawwh?", bumungad sa akin pagbaba ng jeep.

"Ah ah. May klase ako. Byee!"

Naalala ko magkaklase nga pala kami. Sana naman ay maliwanag na sa kanya na hindi ako mahilig sa mga pa-cool na jejemon. Paano na ang dignidad kung papatol ako dun. Hindi pa huli ang lahat, Tepi! Hindi pa.

As usual, late na naman ako. Mukhang mapapatalsik na ata ako sa school na'to dahil sa pagiging laging late.

Kinakabang binuksan ang pinto ng classroom.

Dumungaw sa akin ang mga kaklase kong nagkukwentuhan at ang nanlilisik na mata nung maputlang babaeng nakaaway ko nung isang araw. But the good thing is, HINDI AKO LATE!

"Ey, Hamber bakit wala pa si Mrs. Waka waka?", tanong ko.

"Medyo malalate daw. Tumaas daw ang blood presyur nung isang araw, nung nag-away kayo ni Shaine"

"Ah, may maganda naman palang naidulot ang kaartehan nung babaeng maputla na 'yun".

"Okay, class! Sorry, I'm late. This will never happen again. Hindi lang talaga kinaya ng dugo ko ang mga pinaggagawa ninyo! Hindi na ba kayo naawa sa akin? Aba! Huwag na kayong dumagdag sa kunsomisyon ko!", sigaw ni Ma'am Waka waka.

Napatingin sa mga estudyante.

"Ay shit! Maling classroom. "

Nagtawanan na lang ang lahat. 

Oo, inulit n'ya sa amin yung mga sinabi n'ya sa kabilang classroom. 

"Ma'am, sorry I'm late."

Isang pamilyar na boses na naman. 

"It's okay, Mr. Amapulo. Late din naman ako. Make sure lang na hindi na ito mauulit".

So s'ya yung nakatilapid sa akin nung isang araw. Gwapo ka lang pero sobrang nanggigigil ako sa'yo. Mukhang pawis na pawis s'ya. Saan kaya 'to galing?

Saka, ba't parang bumait si Ma'am nung s'ya na ang nagsalita. Kung ako siguro naabutan na late, baka naisugod na ako sa ospital.

"Ah Ma'Am, Em Sowri, Em LeyTH!"

"At saan ka galing? Shut up, upo!", galit na sagot ni Ma'am.

Natulala na lang ako nung maalala ko na nakasalubong ko nga pala 'to kanina.

Pagkatapos ng klase sa Chemistry ay mayroon kaming isang oras na bakante. Oras kung saan pwede kong palitadahan ulit ang mukha kong naaagnas na ang bagong biling foundation sa init.

Lahat ng mga kaklase ko may kanya-kanya ng pinuntahan. Isang oras na walang bibig ng teacher na walang tigil sa pagputak. Ito na ba ng kapayapaan? Kapayapaan para sa Pilipinas kong mahal?

"Tepi, tara sa canteen! Nagugutom ako!" pagyayaya ni Hamber.

"Oh okay, girl! Kamusta pala ang make-up ko? Fresh pa ba? Kapit na kapit pa ba?" tanong ko.

"Ah e e, kain nalang tayo girl! Mas masarap mabusog sa pagkain kaysa sa make-up!"

Malawak naman ang school na 'to. Mukhang kahit kakatawa ang pangalan e napangalagaan naman ang mga building.

Ha! Library?

Ang lugar na kahit kailan hindi ko pupuntahan unless required. Lugar ng mga mukhang libro. Saka talaga bang lahat ng pumupunta d'yan nagbabasa? Ginagawa lang naman yatang tulugan tapos kapag tumulo ang laway. Gagamitin ng iba! Eeeeew! I can't.

Malaki din pala ang canteen. Infair! Saka maraming choices ng pagkain. Champorado, lugaw na may luya, ispageti! 

Wait, ano 'to feeding program?

"Ah ate! Wala na ba kayong ibang tinitinda dito?" tanong ko.

"Ah day kung may nakikita ka day na iba ay orderin mo na lamang! Ay kung ano lang ang nakahain ay s'ya mong kainin. Ano oorder ka ba?", tanong ni ateng hindi magkapantay ang pagkakaguhit ng kilay. 

Napalunok na lang ako. Magbabaon na lang ba ako sa susunod?

"Ah sige ate, yung ispageti nalang, mukhang masarap, he he he"

Hindi ko maintindihan kung ispageti ba 'to o pastang nilagyan lang ng food color at  konting budbod ng corned beef.

"Tepi, kamusta ka naman? May naharbat ka na ba? Dapat meron, hayaan mo iboboto ulit kitang muse! Por sure mananalo ka!" sambit ni Hamber.

"Oo naman, Hamber! Ikaw lang naman ang hindi ko ma-imagine na ibobotong muse. Pasensya ka na ha, ganyan talaga ang mundo. Unfair!"

"Aray ko naman! Grabe ka sa'kin! Parang sinuhulan mo lang naman kaming lahat nung high school kaya ka nanalong muse!"

"Ano? May sinasabi ka?" galit na sagot ko.

"A ah , wala sabi ko ang ganda mo! He he. Nga pala, na-sight mo na ba yung gwapo sa classroom. Ang hot n'ya grabe! Para akong hinuhubaran kapag tinitignan ko s'ya", tanong ni Hamber.

"Sino? Parang wala pa naman akong nakita, ikaw ha, baka nag-iilusyon ka na naman, magpatingin ka na girl!"

"Ayun oh! Ang gwapo!!"

Napalingon ako at sa paglingon ko sumambulat sa akin ang mukha ng lalaking tumilapid sa akin nung isang araw.

Mukhang makakabawi ako ngayong araw. Ano kaya kung talapidin ko din 'to. Sorry ka nalang. Pero mukhang magagasgasan ang makinis mong mukha.

Papalapit na s'ya ng papalapit. Okay, ihahanda ko na ang sapatos kong bagong shine ng floor wax ni Mama.

Ayan na s'ya.

Labas si Paa.

SKd%&392*@Wndblkjba%#@$1%&*893$.

Bigla ko nalang namalayan na unti-unting bumagsak s'ya sa akin at sabay kaming napatihaya sa sahig, mabagal ang pagbagsak, nakita ng mga mata ko ang mga mata n'ya na nakatitig sa akin. Ang mga labi n'ya na tila inienganyo akong halikan s'ya, at patuloy ang marahan na pagbagsak.

Pero bakit ganun, parang ako yata ang mapapasama rito, ako ba ng tatama sa sahig?


Nang mga oras na 'to. Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Natulala na lang ako. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko at mga paa. Parang naparalisa ako nang panandalian. 

Lahat ng mga tao ay nakatingin. Nanlalaki ang kanilang mga mata. Parang tumigil ang oras ng panandalian at bigla kong napagtanto,



"My First Kiss."

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon