TEPI POV
"Ano sasakay ka ba? Kasi if not, aalis na ako!"
So, what does he mean by that? Ihahatid n'ya ako samin kahit na halos sinira ko ang mga plano n'ya sa buhay?
"Okay, okay! Fine! Sasakay na! Grabe makasigaw 'to!" sagot ko.
Kahit na hindi ko alam kung anong mangyayari e sumakay nalang din ako. Bakit ba? Wala akong choice kaysa maglakad ako ng sobrang tagal. Baka ang paa ko ay hindi na paa, kalyo nalang.
Teka, diba dapat pagbubuksan n'ya ako ng pinto, papilay-pilay na ako maglakad oh!
Pagbukas ko ng pinto ay nalanghap ko ang air freshener ng sasakyan na nagpagaan sa pagod na pagod kong katawan.
Sumakay ako na akala mo ay responsibilidad n'ya talaga akong isakay. Pa-bida si ate n'yo.
"Are you okay na? Don't forget your seatbelt" sabi n'ya.
"Ah. . opo. . Senyor! Masusunod po!" sagot ko.
After kong inayos ang seatbelt ay bigla nalang n'yang pinaandar ang sasakyan kahit di pa ako nakakaupo nang maayos. Kaloka! Racing ba 'to!?
"Ahhhhhhhhh!"
Pagkatapos, bigla 'tong bumagal hanggang sa pumreno.
"Ano ba? What's wrong with you?!" sigaw nito.
Natulala nalang ako dahil hindi ko inexpect na may side pala s'yang ganito at bukod dun parang lalo s'yang naging hot nung nagalit s'ya.
"What?! Wala ka bang sasabihin?"
"Okay, Fine! Kung wala ka nang sasabihin, can you please just sit there and wait until makarating tayo sa inyo. Wait! What's your address?"
Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi n'ya.
"Ah, sorry, anong sabi mo?" tanong ko.
"I'm asking your address." sagot n'ya.
"Actually, ang galing mo, d'yan sa pagliko, d'yan na yung amin" sagot ko.
Sinabi ko nalang 'yun para matapos na ang usapan. Malapit nalang din naman kaya wala na ring problema.
Nagpatuloy s'ya sa pagmamaneho, ngayon mas mabagal.
"Ah. . . . Carlo? Ano. . palang. . nangyari . . sa'yo? Bakit bigla kang naging ganyan?" tanong ko.
"It's none of your business!" sagot nito.
"Okay, okay! Sorry! My business is my business, luging lugi na!"
"Ano? Are we near na ba?" tanong nito.
"Ha? E nakalampas na tayo."
"Are you kidding me? How would I know?"
"E ikaw kasi! Sinungitan mo ako, ayan tuloy nawala ako sa katinuan."
"Then, where? Just tell me okay?"
"Babalik tayo"
"Please! Sabihin mo kung saan na!"
"Okay! Galit na galit ka naman kasi masyado."
Hindi na s'ya nagsalita pagkatapos nun pero kitang kita sa nakakunot n'yang noo na galit s'ya.
"Okay, liko ka." sabi ko.
Mula noong sumakay ako hanggang sa mga oras na ito ay hindi s'ya tumitingin. Ako namang super conscious sa beauty ay tingin nang tingin sa side mirror baka kasi may muta pa pala ako kaya parang nandidiri s'ya sakin.
"Ah, Carlo! Question. . lang. Bakit. . ka nga pala nagtatrabaho sa café e mukhang ang yaman yaman n'yo naman?
At nagpatuloy ang tila bomba kong bibig. .
"Mayaman kayo, grabe nga ang laki ng bahay n'yo, tapos 'yung C.R kasing laki na ng bahay namin, yung mga products na ginagamit ng Mom mo halos hindi ko mabasa, tapos sosyal may bathtub kayo, dalawa pa, tig-isa ba kayo? Grabe, pag labas ko, nakita ko yung mga shendelir n'yo na ang ganda-ganda talaga, bagay sa kwarto ko, grabe yung hagdananan n'yo, may red carpet para akong nasa Hollywood kanina tapos pagbaba ang mamahal ng mga appliances n'yo, nalula ako grabe tapos pagpunta sa kusina n'yo ginulat ako ng Mom mo na ang daming nakahanda, may steak, crispy pata na grabe ang sarap talaga sayang lang talaga at hindi ko natikman. . . "
"Please! Shut Up!" sigaw n'ya.
"Oppsie!" sagot ko.
"Are we near na ba?"
"Ah, wait did you ask me the direction ba? Ah mga limang liko pa. Malapit sa istasyon ng jeep pwede na akong bumaba dun, dun nalang ako sasakay kasi malayo pa, baka mahigh-blood ka na!"
At nagpatuloy na lang s'ya sa pagdadrive n'ya. Diretso lang talaga ang tingin n'ya. Naloloka na ako. Ang pangit ko na ba? Kailangan ko na ba ulit pumunta sa derma para magpabanat ng mukha. Kagagaling ko lang dun last Sunday, every 2 weeks lang daw pwede, so paano? Magtitiis nalang ako na pangit ako hanggang sa susunod na linggo? Hindi ko matanggap.
"Okay, nandito na tayo, pwede ka nang bumaba!"
'Wait, diba dapat bababa ka, tapos pagbubuksan mo ako ng pinto?" tanong ko.
At tinignan na n'ya ako. Grabe, tumindig ang balahibo ko sa takot.
"Okay po! Sorry po. Bababa na po! Eto na nga po oh! Tinatanggal ko na po yung seatbelt, bubuksan ko na po ang pinto, ihahakbang ko na po ang kanan kong paa. Tapos yung isa pa po, and vwollah, nakababa na ako! Isasara ko na po ba ng pinto?" paliwanag ko na grabe ang kaba.
"Wait lang!"
"Yes po, senyor! Ano po ang maipaglilingkod ng inyong tagapaglingkod?" tanong ko.
Kinabahan naman ako sa "Wait lang" n'ya. Tapos ang tingin, grabe, para akong natutunaw.
At ang sabi n'ya.
"Sorry pero It's Chandelier, not shendelir."
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?