Chapter 32- YOUNG, DUMB, AND BROKE!

1 0 0
                                    

Kring! Kring!

Alas singko ng umaga, araw ng sabado.

Halos ibato na ni Tepi ang alarm clock.

"Ang aga-aga naman yatang manggising nito! Kaimbyerna! Teka, diba ako nag-set ng alarm? Anong meron?" pagkausap ni Tepi sa kanyang sarili.

Pagtingin nito sa cellphone "Saturday – Will go to Hinayupak's House for practice".

"Oh shocks! Sabado na ba? Pero ba't ang aga ko naman yatang nag-alarm? Nakakapagtaka na 'to ha!" sabi ni Tepi.

Hindi n'ya man maintindihan ang kanyang sarili pero agad s'yang nagmadaling kumilos. Dumiretso agad 'to sa banyo para maligo.

At lumabas na naman ang ugali ni Tepi.

"Teka, nasaan na yung Kojie Xian ko dito? Sinong nagnakaw? Nay?"

"Ay eto pala! Bunganga mo! Hahaha. Mabilis lang ang paliligo dapat dahil natural naman na tayong maganda!"

Pagkatapos ng isa't kalahating oras sa banyo.

"Ay Tepi parang may iba sa'yo. Ang bilis mo atang maligo ngayon. Ikaw ha! Anong meron? Ba't ka nagmamadali?" sabi nito sa kanyang sarili habang paulit-ulit na tinutuyo ang buhok.

"For today's make up dapat light lang, yung babaeng mahinhin at hindi nanlalaban!"

At inilabas nito sa kanyang malaking cabinet ang isang malaking kahon na lagayan ng make up.

"So light lang!"

At nagsimula na itong koloretehan ang kanyang mukha. Puro mapula ang kinuha n'yang kulay. At halos maubos na ang kabubukas lang na lipstick sa pagkakapahid n'ya sa kanyang labi.

"Ay pak! Light make up! Virgin ka girl?"

Inilabas na rin n'ya ang mga pekeng pilik mata at mga makikintab na bagay na inilagay n'ya sa kanyang mukha.

"Shining shimmering splendid!"

Nagmukhang tila binuhusan ng pulbo ang kanyang mukha.

"Dapat mapula ang pisngi! Kutis Koreana dapat!"

At ibinilog nito sa kanyang mukha ang napakapulang blush on na akala n'ya ay magandang tignan sa kanyang mukha.

"Pak! Wala na! Finish na!"

Ang light make up na sinasabi n'ya ay nagmukhang isang sinaunang geisha.

"Ting ting ting! Tenenen!"

"Ewan ko nalang kung hindi n'ya pa ako magu. . ."

At natigilan s'ya.

Nagmadali itong lumabas ng bahay at agad na tumawag ng tricycle na masasakyan.

"Manong, pwede bang 100 nalang?" tanong nito.

"Saan ka ba ineng?" tanong ng driver.

"Ay shocks! Oo nga no? Saan nga ba 'yun?" sabi nito.

"Sige, Manong! Ituturo ko nalang. Hindi ko na tanda 'yung pangalan nung lugar pero naaalala ko naman yung pasikot-sikot!"

At nagtungo na nga ito sa bahay nina Carlo.

"D'yan Manong! Liko ka dyan!" "Ay sorry! Doon pala!" "Wait parang mali!"

At kahit na hindi na magkaintindihan ang dalawa ay nakarating pa rin ito.

"Yes! Ang galing talaga ni Manong!" at agad nitong itinaas ang paldang suot n'ya para akitin sa kanyang maputlang hita ang tricycle driver.

"Ahhh manong? Megkene?" tanong nito.

Natigilan ang driver at napaisip.

"Yes! Mukhang makakatipid pa nga!" sabi ni Tepi sa kanyang isip.

"450!" sabi ng tricycle driver.

"Huwat?!" sigaw ni Tepi sa driver na nag-cocompute pa rin gamit ang mga kamay nito.

"Oo ineng! Pinaikot-ikot mo ba naman ako! Kung tinext mo nalang sana yung pupuntahan mo sa eksaktong address ay baka 100 lang ang singil ko!"

Nanlaki na lang ang mga mata ni Tepi. Natigilan s'ya na parang isang estatwa.

Dahan-dahan n'yang hinugot sa kanyang bag ang kanyang wallet na ang laman lang ay 500 pesos.

Nanginginig n'yang inabot ito sa driver na mukhang naisahan s'ya.

"Salamat miss! Magandang bwena mano 'to!"

At parang zombie na bumaba si Tepi sa sinasakyang tricycle.

Tinitigan n'ya ang hawak na singkwenta pesos na isinukli ng driver na hindi mo malaman kung saan nito hinugot.

Agad din n'yang na-realize na bakit nga ba hindi na lamang n'ya tinanong kay Carlo ang address.

Tulalang nanginginig itong pinindot ang door bell.

Bagsak na ang mga balikat nito at parang hindi mo na makakausap.

Wala paring nagbubukas ng gate. Samantalang nakatayo lamang ang guard sa labas.

Parang baliw na pinaulit-ulit n'yang pinindot ang doorbell.

Hanggang sa lumabas na pintuan ng bahay ang magandang ina ni Carlo.

Agad nitong inutusang buksan ang gate nang makita na si Tepi ang nagdo-door bell.

Pagpasok ni Tepi ay agad siyang nilapitan ng ina ni Carlo.

"Oh iha! Mabuti naman at nakarating ka na! Nabanggit nga sa akin ni Carlo na darating ka ngayon. Kamusta ka naman? Kamusta ang araw mo?" tanong ng ina ni Carlo.

Dahan-dahan nitong itinunghay ang nakayuko nitong ulo at nagsabing,


"Young, dumb and broke!"

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon