Chapter 35 - HULI KA BALBON!

1 0 0
                                    

Kinilabutan.


'Yan ang naramdaman ni Tepi ng sabihin ng ina ni Carlo na doon na s'ya matulog. Hindi ito ang kanyang gusto dahil hindi n'yq alam kung paano pa s'ya mananatili doon sa mga nangyari.Paanong titingnan n'ya pa ang lalaking nagtapat na ng pagkagusto sa kanya. Ngunit hindi na rin s'ya makapagsalita dahil tila hindi na rin naman talaga papayag ang ina ni Carlo na siya ay umuwi pa ng oras na iyon.

"Sigurado po kayo?"

Ito na lamang ang lumabas sa kanyang bibig. Maraming katanungan pero wala na rin s'yang pagpipilian. Ibinigay na lamang n'ya ang numero ng kanyang ina at nagpaalam na pupunta sa banyo. Dito na n'ya inilabas ang lahat ng kanyang nararamdaman.


"Ano 'to? Bakit? Totoo po ba 'to Lord? Si Carlo may gusto sa akin? Hindi ba ako nananaginip?" tanong n'ya sa kanyang sarili.

Paglabas ng banyo ay agad na lumapit sa kanya ang ina nito at sinabing "Tepi, nagkausap na kami ng iyong ina at pumayag naman s'ya. Kaya iha, wag ka nang mag-alala. Welcome na welcome ka dito sa bahay ko!"


"Pero, nahihiya po akong matulog sa tabi n'yo, Ma'am." sabi ni Tepi.


"Wag kang mag-alala. Kinausap ko na si Manang. Ipinaayos ko na ang isa mga guest room namin. Doon kana matulog."


"Totoo po? Maraming salamat po, Ma'am!"


Tuwang-tuwa si Tepi sa kanyang narinig dahil sa wakas ay nabunutan na s'ya ng tinik. Makatutulog na s'ya nang mahimbing at mukhang mahaba-habang tulog na naman ito. Agad s'ya sinundo ng kasambahay at dinala sa guest room kung saan s'ya mamamalagi.


"Ma'am, ipinabibigay po ni Madam. Ito daw po muna ang isuot n'yo. Kasya naman po ito sa inyo. Pantulog po ito ni Madam." sabi ng kasambahay.


Pagtanggap ng isusuot.


"Taray! Pantulog ito? Parang pang-party ko na ito ah! Bongga! Guzzi! Gusi? Ano ba?""Haay! Makakaranas na naman ng pagtulog na parang nasa 5-start hotel! Sana nandito din sina Momi!" sabi nito.


Inaaliw-aliw n'ya ang kanyang sarili. Sa tabihan ng kwarto ay may ref na punong-puno ng mga pagkain.


"Haha! Midnight snack na ito!"


Pagbukas ng ref.


Puno ng prutas at masusustanyang pagkain na hindi naman n'ya kinakain.


"Ay! Ano 'to? Parusa?"


Pero dahil kumakalam na rin ang kanyang tiyan dahil sa pagpapanggap na nahihiyang kumain kanina ay pinagtyagaan na rin n'yang kainin ang isang bungkos ng ubas na akala mo nama'y pinagkaitan pa ng pagkain.


"Mabuti na rin 'to kaysa wala."


Pinilit n'yang kalimutan ang mga nangyari kanina at ang lahat ng kanyang narinig.Sa kabilang banda.


Halos nakaubos na ng tatlong bote ng tequila ang binatang kaaamin lng ng nararamdaman sa dalagang binalak n'yabg paghigantihan. Hindi n'ya inakala na ang isang bote ng alak kanina ang magbibigay sa kanya ng lakas para umamin sa kanyang nararamdaman. Gaya ni Tepi ay paulit-ulit ring pumapasok sa kanyang isip ang mga nangyari kanina.

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon