TEPI POV
"Bakit may ipis!"
Ang sigaw ko na akala mo naman ay ikamamatay ko ang pagkakakita sa isang ipis.
"Saan? Saan?" sabay sabay na tanong.
"Ayan oh! Ipis!"
Sa dinami-daming araw na minalas ako mukhang sinuwerte ako ngayong araw. Sakto kasing may nakita akong ipis sa gilid ng upuan ni Kino at dahil nanggigigil na talaga akong makabawi sa lalaking 'yun. Eto na! Ang paghihiganti!
"Waiter!", tawag ni Charles.
Mabilis naman na lumapit ang loko sa amin at tinanong,
"Yes, sir! What can I help you?",
"May ipis ang inorder namin, ano ba naman 'yan? Hindi ba kayo naglilinis dito? Papatayin n'yo ba kami?", sagot ni Charles.
"Ah sorry but I can't remember seeing that cockroach in the coffee that I served you, I checked it before dalhin dito!" sagot n'ya.
"Pare, hindi porke classmate ka namin e palalampasin na namin 'to, we want to talk to the manager!" galit na sabi ni Charles.
"Yes, Sir! What happened?", mabilis naman na sumagot yung manager na saktong lumabas sa isang room.
"Ma'am, may ipis 'yung sinerve ng waiter n'yo, saka waiter s'ya, bakit s'ya din ang gumagawa ng order?" tanong ni Charles.
"Ah, we just opened our café and as usual pag simula sir, medyo cost cutting muna kami that's why we need someone na kayang gawin pareho." sagot ng manager.
"Ah, wala na kaming pakialam! Kung hindi n'yo magawa nang maayos 'yang trabaho n'yo, magsara nalang kayo! Tara na! Nabadtrip na ako!"
"Ah sorry sir, we. . "
Wala nang nagawa yung manager dahil lumabas na nang kusa si Charles. Ako naman ay natulala sa mga nangyari, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung mga oras na 'yun.
Habang papaalis ang grupo, nakita ko s'ya na nakayuko lang at tulala. May bumabagabag sa'kin pero parang may saya kasi sa wakas ay nakabawi na ako sa kanya. Panigurado na masesermunan 'to mamaya. Pero bakit ganun, parang may pumipigil sa aking lumabas at lapitan s'ya.
Pagkalipas ng ilang oras. .
Tahimik ang lahat habang si Charles, nagmamaneho ng sasakyan. Walang nagsasalita bukod sa pagpindot ni Dappy ng cellphone n'ya na ang lakas ng tunog ng keypad.
"Pasensya na kayo, guys! Dinala ko kayo sa lugar na 'yon! Ako ang may kasalanan, sorry!", sambit ni Charles.
"No! Charles. Hindi mo kasalanan. Sadyang hindi lang talaga maganda ang araw na'to." sagot ni Kino.
Mga ilang minuto pa at nakikita kong lumuluha na si Charles.
"Uy, papi! Anong problema, bakit ka umiiyak?" tanong ko.
"Wala, Tepi! Sa tanang buhay ko kasi ngayon lang ako nakapagtaas ng boses ng ganun. Alam ko, napatalsik ako sa dati kong pinapasukang school pero bakit parang hindi tumitigil ang kamalasan sa buhay ko." sagot ni Charles.
Nang mga oras na 'yun, inakala ko na may maisasagot ako tulad ng palagi kong ginagawa, pero iba pala kapag yung kaibigan mo na madalas na palabiro at akala mo ay walang problema sa buhay ay biglang dadating sa ganitong punto. Sa mga oras na 'to, hindi bumubuka ang bibig ko. Tila pinipigilan.
Hindi ko alam kung aamin ba ako na ako ang may gawa o magpapanggap nalang ako na wala akong kinalaman sa nangyari. Ay Kaloka! These days nagiging seryoso na ako. Ganito na ba talaga kapag college ka na?
Oh ano, masaya ka na Tepi? Masaya ka na sa mga pinaggagagawa mo?
Dumating kami sa kanya-kanyang bahay ng walang umiimik, walang nagsasalita. Nakakapanibago. Ako naman na tila nakokonsensya kasi papasok pa ang bahay namin, bumaba na ako sa kanto. Gabi na rin, mga alas otso.
Hindi ko maimagine kung papano kami nito bukas pagpasok sa school.
Lumilipad ang isip ko habang naglalakad pauwi. Isip ako ng isip kung aamin ba ako o itatago ko nalang ang lahat, nang. .
"Holdap 'to!"
"Ibigay mo sakin lahat ng meron ka kundi ipuputok ko 'to!"
"Ah Kuya, wala po akong pera! Parang awa n'yo na!
"Tumigil ka! Alam kong meron ka! Ilabas mo kundi papatayin kita! Bilisan mo!"
"Kuya parang awa mo na! Wag po! Gusto ko na pong umuwi!"
Nang mga oras na 'to. Unti-unti nang tumutulo ang luha sa mga mata ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang 'to naranasan. Unti-unti ring nagdidilim ang paningin ko. Humihina ang pagsusumamo ko na palayain ako. Nawawalan na rin ako nang hininga na parang hinahabol ko. May matinis na tunog akong narining nang. .
"Stop!"
At ang naaninag ko nalang ay isang lalaking inihampas ang bag n'ya sa lalaking nangholdap sakin. Unti-unting humihina ang aking naririnig at pumikit ang aking mga mata nang makita kong umalis na ang lalaking matatawag kong karma.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?