Chapter 21- THE TWIST I NEVER EXPECT

1 0 0
                                    

Tapos na ang klase at hindi pa rin maintindihan ni Tepi kung bakit s'ya nagmamadali. May kaba na parang saya sa kanya puso na malabo pa rin hanggang ngayon.

"Malalaman natin mamaya. Nagsusumamo ako sa mga Diyos nang kagandahan na pangalagaan ninyo ang inyong anak!" sabi ni Tepi.

Hindi na nagpaalam pa si Tepi sa mga kasama n'ya at agad na lumabas ng classroom para dumiretso sa lab. Bago s'ya umalis ay chineck n'ya muna kung nandoon pa ba si Carlo na mukhang nauna na.

"Bawal malate! Bawal malate!" sabi nito.

Pagdating ni Tepi ay nakita na n'ya kaagad mula sa pintuan na gawa sa salamin ang nakaupong si Carlo na may earphones sa dalawang tainga at mapagpasensyang nag-aantay.

"Ay! Kaloka! Hindi ko s'ya napansin ha! Pero. ." biglang bumilis ang tumibok ang puso ni Tepi na mula sa pagkakatayo sa pintuan ay nakatitig sa binatang kanyang makaka-partner sa isang lab experiment.

"Oh! Ms. Lokaday! Andyan ka na pala! Pinabibilib mo ako ha! Ang aga aga mo na! Oh baka naman. . "

"baka naman gusto ko lang pong maging responsableng estudyante" sabat ni Tepi.

"Okay, if that's what you want. Pero wag mo paring kakalimutan na I'm rooting for you. Go girl! Ibandera ang gandang hindi nila inakala!" sagot ni Mrs. Waka waka.

At pumasok na ang dalawa. Parang may sariling mundong nakaupo pa rin si Carlo habang marahan namang tumabi si Tepi sa kanya.

"Okay, kaya kayong dalawa ang nandito ay dahil mayroon akong isang anunsyo!"

Mula sa pagkakasuot ng kanyang earphones ay tinangggal ito ni Carlo.

"Kayong dalawa ang nakikita kong may malaking potensyal! Potensyan na hindi ko nakita sa iba n'yong mga kaklase. Ngayong darating na November ay gaganapin ang isang science fair." paliwanag ni Mrs. Waka waka.

Tahimik pa ring nakikinig ang dalawa.

"Dahil kayong dalawa ang nakakuha ng pinakamataas na score sa test ay kayo ang napili ko para ilaban sa. . "

Parang isang lumang orasan na kumakabog ang dibdib ni Tepi habang nag-aantay sa mga susunod na sasabihin ni Mrs. Waka waka.

Ngumiti muna ang teacher nila na parang may maitim na balak.

"sa Mr. and Ms. Science Fair!"

Nanlaki nalang ang mata ng dalawa sa di inaasahang sinabi ng guro.

"Ma'am? Akala ko po ba lab experiment? Bakit po tayo nandito? Ano pong. . " tanong ni Tepi.

"Ah ah ah! Bakit may sinabi ba akong may gagawin talagang experiment. Saka alam kong aayaw kayo kayo kapag sinabi kong pageant ang sasalihan n'yo, lalo ka na Mr. Amapulo!" sagot ni Mrs. Waka waka.

"Pero. . Ma'am, what's the connection of score sa pageant?" tanong ni Carlo.

"Well, sa aking paniniwala. Dahil mataas ang nakuha n'yong score ay makakasagot kayo sa Q and A. Diba ang galing ng adviser n'yo?" dagdag ni Mrs. Waka waka.

Hindi na nakapagsalita pa ang dalawa dahil mukhang planadong planado na ng guro ang lahat.

"Mabuti nalang at si Mr. Amapulo ang nakakuha ng pinakamataas na score, panigurado na ang pagkapanalo mo. For you, Ms. Lokaday! Kailangan mo ng extra effort. Medyo konting ayos lang sa'yo ay pwede ka nang makipagsabayan sa ibang kasali. Medyo nag-expect lang ako na si Ms. Martinez ang nakakuha ng mataas na score, pero kung ikaw lang din naman Ms. Lokaday, not bad na din!" paliwanag ni Mrs. Waka waka.

Ang nasa isip ni Tepi "Ay! So wala ka na palang choice! Ako? Ang beauty kong ito! Intense 'to 'no! Sa sobrang intense sure ako na ako na agad ang mapipili. Anong pinagsasabi mo dyan na si Dappy ang mas deserving. E ni hindi nga makapagsalita yun sa harap ng maraming tao. Extra effort? No way!"

"Miss Lokaday, Miss Lokaday! Are you still with us? Oh lumipad na ang isip mo sa tuwa na si Mr. Amapulo ang makakapartner mo?" tanong ni Mrs. Waka waka.

Palaging ibinobotong muse si Tepi noong high school pa s'ya dahil na rin binabayaran n'ya ang mga kaklase n'ya at binibigyan ng death threat kapag hindi nagtaas ng kamay kapag s'ya na ang tinawag. Pero kahit na ganon. Mayroong stage fright si Tepi. Sa Apat na taon na palaging s'ya ang ibinobotong muse ay hindi pa kailanman s'ya inilaban sa kahit anomang pageant sa kanilang school dahil kapag isang linggo na lamang bago ang contest ay bigla itong umaabsent ng isang linggo.

"Pero, Ma'am! Kaya po kami nandito ay dahil akala namin na may experiment kaming gagawin. Saka bakit po ba kailangang dito pa tayo mag-usap usap?" tanong ni Tepi.

"Well, Miss Lokaday! First, bawal ang estudyante sa Faculty room and second mas kapani-paniwala kung sa lab tayo mag-uusap. And, this is final! Bawal na kayong umatras!"

"Pero, Ma'am!"

"Wala nang pero pero! The ship has been sailed!"

"Uy, Carlo, wala ka bang sasabihin d'yan?" tanong ni Tepi.

"Uhm, Ma'am, do we get additional points by joining this contest?" tanong ni Carlo.

"Afcors! Ako pa ba! Galante ako sa plus points, name it!" sagot ni Mrs. Waka waka.

"Then, I'm in!" sagot ni Carlo.

"Good boy! How bout you, Ms. Lokaday?"

"Uhm, Ma'am, may choice po ba na hindi tumuloy? tanong ni Tepi.

"Actually, wala na, Miss Lokaday. Kasi naipasa ko na ang pangalan n'yo kahapon. Nagpapa-print na rin ako ng tarpaulin!" sagot ni Mrs. Waka waka.

Hindi na nakasagot pa si Tepi dahil mukhang katulad ng dati ay wala na rin namang sense na magsalita pa s'ya. Pero halos mahulog na ang puso n'ya sa kaba.

"Okay, since I believe okay na naman sa inyong dalawa and wala na rin naman kayong choice dahil final na ang aking desisyon! Narito ang mechanics ng competition: Una, kinakailangan ninyong maghanda ng mga sumusunod na kasuotan, school uniform, casual attire, at recycled na costume. Pangalawa, kailangan n'yong maghanda para sa talent portion nang magkasama, sampung minuto kahit talent, bahala na kayo sa buhay n'yo. Pangatlo, gusto ko ay mag-review kayong dalawa para sa question and answer portion. Ang mga tanong ay current events, intyendes?"

Nasa isip ni Tepi "Talent competition? Kami magkasama? Mag-review sa Q and A, kami ulit magkasama? Seryoso ka ba, Ma'am? Eh ayaw nga akong kausapin n'yan noong sabado pa. Lupa! Lamunin mo na ako!"

"Okay, gusto ko simula bukas ay pag-usapan na ninyong dalawa ang mga plano n'yo sa contest. Ayoko na may matalo sa inyo dahil last year, ang mga estudyante ko ang title holder. Baka mahimatay ako kapag may isa man sa inyo na matalo! Intyendes? Saka, baka naman may pag-asang may mabuong love team sa klase ko! Hahahaha! Bagay na bagay kayong dalawa! O s'ya sige na! Mauna na ako at baka kung ano-ano pang maisip ko! Babu!" paliwanag ni Mrs. Waka waka na wala na namang tabil ang bibig.

Tumayo si Carlo, kinuha ang kanyang bag at aaktong aalis.

"Wait! We have to talk, kailangan nating mag-usap!" sambit ni Tepi.

"I have nothing to tell you. At the end of the day, it's an individual contest, do your best para manalo ka!" sagot ni Carlo.

"Pero paano ang talent portion? Ang Q and A?" tanong ni Tepi.

Di na sumagot si Carlo at dire-diretso na lamang lumabas.

"Gosh! Parusa n'yo pa rin po ba ito? Kami magka-partner? Paano? Ayoko nang mabuhay! Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari! Sana panaginip nalang ang lahat ng ito! Ahhhhh!" 

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon