TEPI POV
"La la la, Ahhhhhhh!"
Ah, tumama yata ang mukha ko sa sahig. Hindi ito maaari! Masisira ang aking ganda! Nagtinginan na ang lahat sa akin, tila nangungutyang mga mata at kulang na lang ay humagalpak sa tawa.
"Oh sorry, Miss! Are you okay?" tanong ng isang pamilyar ng boses.
"Okay?"
At napatitig ako sa mukha n'ya. Pamilyar ang mga mata n'ya. Parang nakita ko na 'to kalian lang. Parang sinasabi ng mga mata n'ya na ang. .
Ang. .
Ang pangit ko!
"Hey! Iniharang mo siguro ang mga paa mo d'yan para madapa ako no?"
"Sorry, Miss. Di kita nakita" paliwanag n'ya.
"Anong hindi mo nakita? Bulag ka ba? Saka bakit yuko ka ng yuko, hindi ako santo anito!"
Habang sinasabi ko 'yun, napatitig ako sa paa ko, bale, oo, ako ang tumalisod sa sarili ko dahil lumilipad na naman ang isip ko.
"I'm very sorry, I have to go back to my seat", sagot n'ya.
In all fairness, mukhang gwapo s'ya. Maputi s'ya, parang labanos na kakabunot lang sa garden ni Nanay na akala mo naman ay ikinabuhay namin ang pagtatanim n'ya ng gulay. Matangkad, mga 5'8 siguro. Mayroon s'yang maayos na pangangatawan, kasing pula ata ng lipstick ko ang labi at matangos na ilong. Mukhang pinalaki sa karangyaan at hindi pa dinapuan ng kahit isang lamok. Nahiya naman ako sa kinis ng mukha n'ya, ako kinailangan ko pang palitadahan ang mukha ko para magmukhang makinis. Pero, sinira n'ya ang araw ko at hindi ako papayag na sa ganito lang mapupunta ang lahat!
Hindi ko maintindihan pero simula nitong araw na 'to di na mawala ang tingin ko sa lalaking 'yon. Nag-iinit ang pilik mata ko kapag nakikita ko s'ya. Tandaan mo, makakabawi din ako!
Kinabukasan. .
"Maaa! Walang tubeeegg! Momii!" sigaw ko dahil biglang nawala ang tubig habang hinihilamusan ko ang mukha ko ng paborito kong sabon, ang Kojie Xian.
"Bakit ba palagi nalang nawawalan ng tubig, Ma? Di ba tayo nagbabayad?"
"Pasensya ka na anak! Hayaan mo bukas, ipag-iigib kita ng tubig para siguradong may gagamitin ka", sagot ng nanay ko na tila may bumabagabag sa isip.
"It's okay, Momi! Ang mahalaga maganda pa rin ang anak n'yo!"
Napatitig nalang si Momi. Tila naluluha.
"Bakit, Ma? May problema ba?", tanong ko.
"Wala, anak. Hindi ko lang inakala na aabot ka sa ganitong edad. Napakasaya ko."
Hindi ko masisisi ang nanay ko, pinanganak kasi akong "Miracle Baby", muntikan na akong hindi mabuhay pero sa awa ng nasa taas, ito, lumaki akong maganda. Naging mahirap din sa mga magulang ko ang pagpapalaki sa akin, naging mahina kasi ang aking resistensya noong bata palang ako. Pero dahil since birth ay palaban na talaga ang inyong lingkod. Walang nakapigil sa akin kundi ang magpamalas ng karikitan sa mundong puro nalang kanegahan.
Isang normal na araw, uubos ng tatlong oras sa pag-aayos ng sarili at mag-aabang ng masasakyang jeep. Nasanay na rin ako. Huwag n'yo akong husgahan! Hindi lang naman ako puro kagandahang panlabas, may natira naman sa panloob.
Para! Para!
At nilampasan na naman ako ng isang drayber na kung magpatugtog ay akala mo wala s'yang pasahero. Tapos kapag tinanong ang pasahero kung saan bababa, sasagot ng "Ano, saan ka bababa?" e kung hinaan mo kaya 'yang pamusiko mo para magkarinigan tayo.
Medyo mahirap talagang sumakay dito sa bahagi namin. Kasi nasa gitna kami ng istasyon ng jeep at ng kabayanan kaya naman palaging puno na.
Ang init! Mukhang nahuhulas na ang limang patong kung make-up. Wala pa ba?
Pagkalipas ng 10 minuto. .
Sana naman may bakante na 'to.
Para! Para! Pasakayin ang maganda!
Ay Perpek! Huminto! Sa wakas!
Sakto! Ang luwag ata nito. Sana palaging ganito. Sige! Lugay si buhok! Iwagayway mo 'yan girl!
Kuha si foundation, retouch! Medyo nahulas dahil sa init ng panahon.
I-quality check ang paligid kung may gwapo. Itarak ang Microscopicultravioletrays lens, open!
Sakto! May isa, ata?
At nasa unahan ko pa. Ipod nang konti.
"Ay ang sikip naman dito, ipod tayo ng konti, galaw pa!"
Ang galing mo girl! Kaso ayaw lumingon sa akin, ano ba 'to! Bading ata 'to. Ang kinis ng balat e! Naalala ko na naman yung lalaking sumira ng araw ko kahapon!
Teka, hindi pa pala ako nagbabayad! Syempre, ang magaganda, nagbabayad sa jeep!
Pa-cute habang nagbubukas ng bag kong inutang pa ni Momi sa paluwagan.
Check to the left! Check to the right!
Nasaan? Teka, diba nilagay ko 'yun dito kanina?
Hala ka! Naalala ko, inilagay ko sa bag kong pang-Wednesday. Anong araw ba ngayon?
Check si Cellphone.
Thursday?
"Ma! Ma! Para, bababa na ako!", kinakabahang sambit ko.
Hindi ko kayang mahuling nagwa- 1 2 3.
"Kuya, nawawala ang wallet ko! Hindi ko alam kung sino ang kumuha! Patawarin mo ako, hindi ko naman sinasadya e, ganito lang siguro talaga ang buhay, pinagsasamantalahan ng ibang tao ang kahinaan ng iba. Mapapatawad mo ba ang isang aping kagaya ko? Pinagkaitan ng tiwala sa mga nilalang sa daigdig?", sambit ko na tila tumutula na ang luha sa kaliwang mata.
Hindi ko na alam ang mararamdaman ko pero lahat na nang nakasakay sa jeep na ito ay nakatingin sa akin tila hinuhusgahan ang isang magandang dilag na hindi makapagbayad ng pamasahe.
"Kuyaaa!! Bababa na!!"
At sumagot si kuyang kala mo katatapos lang manood ng paborito n'yang telenobela at naghalikan yung dalawang bida.
"Okay na, Miss! Tahan ka na! May nagbayad na para sa iyo!"
Haa? Sino?
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?