"Okay, so kung sasayaw nalang tayo ano naman ang naiisip mong sayawin natin? Parang di ka naman sumasayaw." tanong ni Tepi.
"Or should we sing since sabi mo nga diba talented ka naman!" sabi ni Carlo.
Napaisip si Tepi dahil alam n'yang kayabangan lang na marami s'yang talent.
"Ah yeah! Marami akong talent aside sa pagkanta."
"Act?"
"Hindi rin!"
"So ano? Nasasayang ang oras natin. Maglalaro pa ako!" sabi ni Carlo.
"O s'ya sige na ho! Sasayaw na!" sagot ni Tepi kahit problemado kung saan kukuha ng lakas ng loob na sumayaw at baka maging tampulan na naman s'ya ng tukso ng kanyang mga kaibigan.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas. Tahimik ang dalawa na nag-iisip.
"Wala akong alam na sayaw sa ngayon bukod sa . . " at natawa si Tepi sa kanyang naalala.
"What?"
Hindi mapigilan ni Tepi ang kanyang pagtawa habang naiisip ang hubad pa ring katawan ni Carlo.
"Yung. . yung. . Aeta dance!" sabi nito.
Akala ni Tepi ay tatawa rin ang binata.
"Then what's funny? Pwede naman." sagot nito.
At parang natameme siya "Ah okay. Sige. Sure ka? Kasi at least yun alam na natin ang gagawin!"
"Yeah sure! I think magandang idea yun. May purpose naman pala ang lahat ng nangyari. Good thing!" sabi ni Carlo.
"Sigurado ka na talaga? Magbabahag ka ulit?" tanong ni Tepi.
"Yeah! I might have a better chance of winning kapag ginawa ko 'yun."
Sa isip ni Tepi, "At sarili mo lang talaga inisip mo! Ugok ka talaga! Kaya nga magka-partner tayo!"
"Okay, so deal na ha!" sabi ni Tepi.
At nagpatuloy ang araw na binalikan ng dalawa ang sayaw na kanilang natutunan sa kanilang karanasan sa mga Aeta.
"Oy! Hindi ganyan! Ganito oh!" sabi ni Tepi na tawang tawa sa ginagawa ni Carlo.
Sa isang sulok naman ay nakangiting nakasilip ang ina ni Carlo na bumaba para kumuha ng tubig.
"Wait! What? This is what I remember. Sa kanan muna!" sabi ni Carlo.
Masaya ang dalawa. Parang nawala na sa isip ng mga ito ang oras. Nagpatuloy lang sila sa pagpa-practice.
"Oh ganyan! Tapos iikot ako tapos sasaluhin mo ako!" bigla nalang ibinagsak ni Tepi ang kanyang sarili sa pag-aakalang alam na alam na ni Carlo ang sayaw.
Ngunit,
Sa kamalasan ay hindi naging matatag ang pagkakatayo ni Carlo at tumumba ang dalawa.
Nanlaki ang mga mata nito. Ang tanging nasa isip nalang ni Carlo ay ang sapuhin ang ulo ni Tepi na baka tumama sa semento.
Hanggang,
Maswerte naman n'yang nasapo ang ulo nito ngunit sa di inaasahang pagkakataon na parang naulit na naman na nangulit ang tadhana.
Tumama ang mga labi ni Carlo sa mga labi ni Tepi.
Parang tumigil na naman ang mundo. Wala na silang naririnig kundi ang akala mo ay napakalakas na tibok ng kanilang mga puso.
Nanlaki ang mga mata ni Tepi lalo na nang simula nang ipikit ni Carlo ang kanyang mga mata.
Hindi n'ya inaasahan ang mga sumunod na ginawa nito.
Para nalang s'yang isang manikang sinunggaban para halikan.
Hindi na s'ya makagalaw. Hindi na naman nakikisama ang kanyang mga kamay. Para itong naparalisa.
Hanggang sa iangat na ni Carlo ang kanyang mga ulo at sinabi ang mga salitang,
"I don't know what happened. I actually don't like you at first. Masyado kang maarte. You're so talkative. Masyado kang chismosa. Pero hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko pagtagal. I think. . I'm already inlove with you." sabi ni Carlo habang nakaibabaw pa rin kay Tepi.
Bumilis ang tibok ng puso ni Tepi. Parang nawawalan na siya ng hangin kaya malakas n'yang itinulak ang lalaki para makakawala s'ya sa mga braso nito.
Nagkaroon na naman ng isang "Awkward silence". Wala nang nakapagsalita.
Hanggang sa tumunog nalang ang telepono ni Tepi.
(Momi calling. . . . . . )
"Yes Ma!"
"Nasaan ka na ba anak?"
"Nandito pa rin po sa bahay ng classmate ko pero pauwi na po!"
"Pero sabi mo kanina hanggang alas tres ka lang d'yan!"
"Opo, Momi! Eto nga po oh maa. . "natigilan si Tepi nang pagtingin n'ya sa kanyang relo ay alas syete na ng gabi.
"Shocks! Oo nga, Ma! Sige po. Uuwi na po ako!"
"Sige anak! Mag-iingat ka! Siguruhin mong ligtas yung sasakyan mo pauwi!"
Dito na naman s'ya natigilan. Naalala n'yang singkwenta na nga lang pala ang laman ng kanyang wallet.
"Sige anak! At mauubos na rin ang load ko. Basta aantayin ka namin. Lumalamig na ang hapunan."
"Ma! Wait ma!"
"Tut tut tut"
Bumagsak na ang mga balikat ni Tepi. Hindi na n'ya alam kung paano s'ya uuwi ngayon. Masyado nang gabi para maglakad pa. Malinaw rin sa kanyang isip na walang maghahatid sa kanya pauwi ng singkwenta lang ang bayad.
"Tepi, Iha! Sino 'yun? Mom mo? Dapat sinabi mo na dito ka nalang matutulog. Ako nalang ang maghahatid sa'yo bukas!" sabi ng mommy ni Carlo.
"Ah. . Ah Ma'am wag na po. Nakakahiya na po. Uuwi nalang po ako!"
"Pero late na kasi iha. Nakakatakot naman na pag-komyutin ka pa dahil hindi na mapagkakatiwalaan ang mga tao ngayon lalo na paggabi. Dito ka na matulog. Ako na lang ang kakausap sa Mom mo!" sabi pa nito.
"Pero. . "
Tumingin na lang ang ginang sa kanya na may pagngiti na tila sinasabi nito na huwag siyang tumanggi sa inaalok nito.
Dahil hindi na rin naman alam ni Tepi ang kanyang gagawin pauwi.
"Pasensya na po talaga kayo sa abala ko! Pero sige po. Salamat po talaga!"
"Oo naman. Sabi ko nga sa'yo kaklase ka ng anak ko. Welcome ka sa bahay ko! Hayaan mo at bukas na bukas din ay ako ang maghahatid sa iyo sa inyo!" sabi nito.
Nagtataka s'ya na parang walang reaksyon na nakikinig lang si Carlo.
"Sige po! Pero saan po ako matutulog?"
Nasa isip ni Tepi, "Wag n'yong sabihing itatabi n'yo ako sa ugok na ito na hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba ako o talagang umamin na! Haay! Tepi! Ang hirap talaga maging maganda. Sana may nakakaintindi sa akin!"
"Don't worry! Syempre babae ka. Hindi kayo pwede magtabi ni Carlo. Unless. . "
"Ah hehe. Okay po! Sige po! Salamat po talaga! Nakakahiya man po pero kahit saan nalang po ako!"
"Okay, good! Give me the number of your mom at ako na ang magpapaliwanag sa kanya!" sabi ng mommy ni Carlo.
Pangiti-ngiti nalang si Tepi pero sobrang lakas na ng kabog ng kanyang puso sa kaba at sa pag-iisip kung paano s'ya magpapanggap kinabukasan na wala s'yang narinig na pagtatapat mula kay Carlo.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?