"Gandang di mo inakala!"
"Gandang Kojie Xian!"
"Gandang nanlalaban pero mahinahon!"
"Gandang Pak! Aura!"
Sabi nila kapag maganda ka raw, maraming bagay ang posible at kapag pangit ka naman, parang isinara na ng mundo ang mga pagpipilian mo sa buhay.
Aray! Tinamaan ka ba? Kasi ako, parang wala akong naramdaman kahit konti.
Ako si Tepi, super excited dahil magiging isang ganap na college student na ako. Hindi ko alam kung ano ang i-eexpect ko sa magiging buhay ko pero panigurado ako na sa beauty kong ito ay pagkakaguluhan ako ng mga lalaki sa campus.
Ipinanganak ako na may kakaibang sakit,
"Ang maging maganda!"
Ito yung sakit na hindi nakakahawa. It's either you have it or don't.
My parents taught me that beauty is subjective. May kanya-kanya daw tayong ganda.
But I can't blame them, it's really hard na magpalaki ng magandang anak. Hindi ko ma-imagine ang mga pinagdaanan nila just to raise a child este goddess like me.
I'm excited to see the reactions of my classmates na alam kong magiging ultimate bashers ko.
Bumaba na nga ba sa lupa ang babaeng tatalo sa ganda ni Christine Reyes? Mas sexy pa kaysa kay Angel Locsin?
Let me tell you my story.
The story of. .
"My Intense Beauty"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?