Chapter 22 - PAKITAPIK NGA AKO!

1 0 0
                                    

Hindi pa rin lubos maisip ni Tepi kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Bakit sa dinami-dami ng mga mapagti-tripan ng pagkakataon ay s'ya pa. Alam n'yang sobrang ganda n'ya at mahirap talagang hindi mapansin 'yun. Isang malaking katanungan pa rin sa kanya ang kung paano s'ya mabubuhay kasama ang lalaking ni hindi s'ya kayang kausapin.

Kinabukasan, pagbalik sa campus ay matamlay pa rin ang pakiramdam ni Tepi. Hindi n'ya alam kung papaano n'ya sasabihin sa mga kaibigan n'ya ang mga nangyari kahapon na tiyak na gagawing katatawanan ng mga ito.

Sa isang banda ay makikita si Carlo na pinagkakaguluhan ng mga babae. Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin si Tepi sa naging pagbabago nito. Mula sa noong halos hindi nagsasalita ay bigla nalang tila naging isang crush ng campus.

Halos hindi na ito makaalis sa kinatatayuan sa dami ng babaeng gustong magbigay ng regalo sa kanya. Tila may isang artistang pilit na tumatakas sa mga tagahanga nito.

Magulo pero hindi na rin maintindihan ni Tepi ang nararamdaman n'ya. Parang noong dati ay abot-kamay lang n'ya si Carlo ay naging sobrang layo na. Binaling n'ya ang tingin sa tumutunog n'yang telepono.

Nang biglang may humigit ng kamay n'ya at natangay na lang s'ya sa gilid ng gymnasium kung saan s'ya nakatayo nang halos labinlimang minuto na rin.

Halos mawalan s'ya ng hininga ng mga oras na 'yun. Unti-unting naglaho sa kanyang paningin ang mga taong kanina pa n'ya pinanonood.

Naramdaman nalang n'ya na nasa bisig na s'ya ng isang pamilyar na lalaki. Isang lalaking alam n'yang may malaking bagay na nagampanan sa kanyang buhay.

Dahan-dahan n'yang iniangat ang kanyang ulo at kanyang namasdan ang isang mukha nito na nakatingin sa kanya. Ang mga mata nitong tila nangugusap at mapupula nitong mga labi.

Tila tumigil ang oras. Bumalik sa mga alaala ni Tepi ang panahong unang dumampi sa kanyang labi ang unang halik.

Isang lalaking iniligtas s'ya mula sa isang bolang tatama sana sa kanyang ulo. Si Carlo.

Natauhan rin kaagad si Tepi at tumayo nang maayos.

"Oh sorry! Uhm, thank you ha! Pero paanong. . ? Nevermind!" sabi ni Tepi.

Mula sa malalim na pagtitig ni Carlo ay umalis ito nang wala na namang imik.

"Ca. . Caarloo! Paano yung talent natin?" sigaw ni Tepi.

Parang walang narinig si Carlo at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Naiwan si Tepi na gulong-gulo pa rin kung papaano kakausapin si Carlo.

"Kaloka si Kuya! Akala mo naman bet ko s'ya! Hmp! Edi wag! Balakadyan!" sabi ni Tepi.

Pagpasok sa classroom. .

Masama pa rin ang tingin ni Tepi kay Carlo na parang may kung anong napakalaking kasalanan nito sa kanya.

Nagpatuloy lang ang tingin na parang ayaw n'yang maputol hanggang sa marating na n'ya ang kanyang upuan.

"Ahhhh!!" at lumagapak ito sa sahig.

Nagtawanan na lamang ang mga kaibigan n'ya na nakapaligid sa kanya. Napagtripan na naman ang kawawalang dalaga.

"Bakit ba lagi n'yo nalang akong ginaganito?" tanong ni Tepi.

"Ha? Wala kaming ginawa ha! Hahaha. Ikaw ang hindi tumitingin sa pupuntahan mo! Kanino kaba kasi nakatingin? Uyyyyy!!" pang-aasar ni Charles.

"Letse! Ikaw na naman!"

At nagpangbuno na naman ang dalawa habang nagtatawanan naman ang iba nilang mga kasama nang may biglang may nagsalita mula sa pintuan.

"Excuse me! I'm looking for Miss Lokaday and Mr. Amapulo. Pinapatawag daw kayo ni Miss Waka waka." sambit ng isang estudyanteng halatang initusang bilisan kaya tagaktak pa ang pawis.

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon