Bumalik si Tepi na bagsak ang mga balikat. Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa mga nangyayari. Wala pa rin s'yang maisip na paraan kung paano pakikisamahan ang lalaking minsan lang naman n'yang pinagtripan.
Ang tadhana nga naman. Minsan napakagulo. Hindi mo maintindihan.
Bago pumasok sa classroom ay huminga muna s'ya nang malalim dahil alam n'yang makakantyawan na naman s'ya ng mga kaibigan n'yang hindi makukumpleto ang araw kung hindi s'ya naging sentro ng usapan.
Pumikit muna ito bago binuksan ang pinto.
Isa. . dalawa. . tatlo.
Dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata n'ya.
Wala na.
Wala ng tao sa loob. Napatingin na lang muli si Tepi sa kanyang relo, at uwian na pala.
Sumampal sa kanya ang katotohanang hindi s'ya inantay ng mga kaibigan n'ya.
"So ganon na pala! Iwanan na 'to. Iwanan ba naman ang magandang kagaya ko!"
Wala na siyang nagawa kundi ang maglakad na lamang dahil nakasanayan na n'yang sumasakay sila sa sasakyan ni Charles kapag uwian na.
Kaya pala madaling-madali na rin si Mrs. Waka waka at kuntodo na ang make-up.
Hapon na hapon na at halos nag-aagaw na rin ang dilim at ang liwanag.
Habang parang pinagbagsakan ng langit at lupang naglalakad ay may pamilyar na sasakyan ang tumigil sa kanyang harapan.
Labis ang naging kaba ni Tepi dahil napabalita kumakailan lang ang mga sasakyang nanghihigit ng mga kabataan para kunin ang lamang loob upang pagkakitaan.
Parang bombang sumasabog ang tibok ng dibdib n'ya.
Nang bumukas ang pinto ay parang estatwang natigilan na lang s'ya at naghanda nang tumakbo. Paglingon n'ya ay lalo s'yang natigilan. Parang may artistang kumikinang na bumaba ng sasakyan.
Si Carlo. Na nakasuot pa rin ang uniporme at lulan ng isang BMW. Tila eksena sa pelikula.
"Let's go!"
Isang pag-aayang parang tinatawag ang kanyang kaluluwa.
Nanahimik ang paligid ng mga ilang minuto.
Naramdaman na lang ni Tepi na kusa nang gumalaw ang mga paa n'ya nang maalala n'yang malayo nga pala ang bahay nila. Ayaw na n'yang maulit ang eksenang maglalakad na naman s'ya suot ang napakataas n'yang heels.
Tumayo s'ya sa harapan ng pinto. Naghihintay na pagbuksan ng pinto.
"Uhm? What's the matter?" tanong ni Carlo.
"Ah hindi ba dapat pagbubuksan mo ako ng door gaya sa mga teleserye?" tanong rin ni Tepi.
Napangiti nalang si Carlo at pumasok na sa sasakyan at hinayaan na lang si Tepi.
(Nagsasalita sa isip) "Aba gago 'to ha! Diba dapat. . diba dapat! Hay nako! Ako na nga lang!"
Binuksan na lamang ni Tepi ang pinto at isinara na may kaunting pagdadabog. Kaunti lang. Dahil alam n'yang kapag nasira ay kulang pa na pambayad ang buhay n'ya.
Pagpasok ay namangha si Tepi sa mga nakita n'ya. Napakaganda ng sasakyan na halatang naalagaan nang maayos. Mukhang bago pa ang lahat.
Nakasanayan na n'yang si Charles ang nagsusuot sa kanya ng seat belt kaya hindi n'ya natutunan kailanman kung paano yun ginagawa.
Tumunog ang sasakyan ni Charles, hudyat na kailangang mag-seat belt.
"Uhm. Your seat belt." sabi ni Charles.
"Oh yeah yeah! Sorry. . wait!"
At hinila ni Tepi ang belt mula sa gilid. Nakangiti n'ya itong ginagawa na akala mo ay alam na alam ang gagawin n'ya.
Kaso, ipinasok n'ya ang ulo n'ya sa awang ng belt at pilit na ipinasok ito sa lock.
Buti nalang at napigilan ni Carlo ang matawa sa kanina pang pinagpapawisang nakangiting si Tepi.
Wala na s'yang nagawa kundi ang tanggalin ito muli at lumapit sa pawisang si Tepi.
Napasandig na lang si Tepi sa upuan at pinigilan ang paghinga.
Parang umaaktong hahalikan s'ya ni Carlo.
Napapikit nalang si Tepi.
"Totoo ba 'to? Hindi ako makahinga!" sabi nito sa isip.
Kumukuyom na ang mga kamay nito at tila dumidiretso ang mga paa.
Papalapit nang papalapit si Carlo sa kanya.
"Wait! Di ako reydi!" napasigaw nalang s'ya.
Natigilan sandali si Carlo at itinuloy na lang ang paghigit sa seatbelt hanggang sa maikabit nalang nang maayos. Napangiti s'ya nang maalala na baka ganito rin ang nangyari noon nung ihatid nito ang dalaga sa terminal ng jeep at hindi na lamang n'ya napansin.
At tumigil rin sa pagsigaw si Tepi. Sa wakas ay maayos na ring naikabit ang seat belt.
"Oh! Gan'to ba 'yun! Bakit last time di mo naman inayos!" tanong ni Tepi.
Hindi pa rin sumagot si Carlo.
"Uhm, ibababa nalang ulit kita dun sa terminal like last time!" biglang sagot nito.
Napaismid nalang si Tepi.
"Okay, Fine! Sige lang! Kahit saan mo na ako dalhin, bahala ka na! Thanks nalang!" sagot nito na parang siya pa ang galit.
Maayos ang pagmamaneho ni Carlo ngayon kumpara nung una silang nagkasama na sasakyan pa ng mommy n'ya. Binuksan n'ya ang radyo at unang tumugtog ang sikat na kanta ng BTS na "First Love" at parang bulateng inasinang sumabay sa awitin si Tepi.
"Nae gieogui guseok, Han kyeone jarijabeun galsaek piano
Eoril jeok jip anui guseok
Han Kyeone jarijabeun galsaek piano. . "
At biglang inilipat ni Carlo ng istasyon ang radyo. Parang bumagsak ang mundo ni Tepi na isang feeling certified army na ang alam lang naman ay magsaulo ng lyrics ng kanta at maglagay ng picture ng idolo sa telepono.
Parang namatayang tumingin kay Carlo at nag-init ang mga batok nito dahil hindi n'ya matanggap na may pumigil sa kanyang kumanta. Parang kusang gumalaw na naman ang kamay n'ya at ibinalik sa kaninang istasyon.
"Geuttae gieokhae
Chodeunghakgyo muryeop"
At muling ibinalik ni Carlo ang istasyon at para na silang mag-inang nag-aaway sa kung anong istasyon sa radyo ang papanoorin.
"Ito nga kasi!"
"No! This one, this is my car!"
"Wakompake, dito sabe!"
"I said here!"
"Sabi nang ito e!"
At nagpatuloy lang ang dalawa sa pagbabangayan hanggang sa maaninagan ni Carlo na may batang tatawid sa kalsada at sa sobrang takot ay bigla nalang n'ya ipinreno ang sasakyan.
Sa kabutihang palad ay hindi naman nila nabangga ang tumatawid na bata ngunit,
"Nasaan na tayo?"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?