TEPI POV
Nanlaki ang mga mata ko. Pero baka naman nagkakamali lang ako at kamukha lang ng lalaking ito ang nasa isip ko. Kaloka. Nananaginip ba ako? Pakitapik nga ako!
Ewan ko ba pero parang nag-slow mo ang lahat at ang tanging salita na nasabi ko ay,
"Ikaw!?"
Parang bumagal ang mundo bes at sobrang lakas ng kabog ng puso ko. S'ya ba talaga 'to?
Nakasuot s'ya ng puting t-shirt at maong na jacket, fitted na black jeans at wait! Nagmukha s'yang K-pop Idol bes! Maputi kasi s'ya at may mapungay na mata.
Natulala na lang talaga ako habang mga limang minuto ko nang hawak ang tinidor na may steak na nakatusok. Realtalk na nganga.
Bigla kong naalala yung mga kasalanan ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ang yumuko.
"Wait! So pumunta ka dun para magpagwapo nang ganyan son? Bakit anong meron? Do you have a party in school? Sandali, I should know para naman naipaghanda kita ng isusuot mo" tanong ni Mommy Pretty.
"Ah, no, Mom! It's just that I wanted to look better."
"Better? You're my son! Kahit hindi mo na gawin 'yan, mukhang marami nang nagpapantasya sa'yo?"
"Tama, oo nga!" sagot ko na nakatulala at nganga pa rin.
Wait. Tama ba yung sinabi ko? Shocks! Lutang ka girl?
Napangiti nalang si Mommy Pretty sa mga sinabi ko.
"Pero grabe anak, hindi kita nakilala. Konting ayos lang pala sa buhok mo ibang-iba na itsura mo." dagdag ni Mommy Pretty.
"Mom, stop it! Let's not talk about it anymore! I'm hungry, let's eat!" sagot nito.
Kahit na ganon ay hindi n'ya ako makuhang tignan. Nakakadiri ba yung itsura ko?
Wait! Bakit nga pala ako naka-tshirt? Saka kanino 'to? Ano na bang nagyayari? Pakipaliwanag please!
"So, magkakilala pala talaga kayo son?" tanong ni Mommy Pretty.
"Sort of, not really, Mom! But we're classmates" sagot nito.
"Oh magkaklase pala kayo! I see. Bihira kasi magkwento 'tong si Carlo pag tungkol sa school. Pasensya na." paliwanag sa akin.
At nagpatuloy nalang kami sa pagkain.
"By the way, oh sorry, what's your name?" tanong ni Mommy Pretty.
"Tepi, Ma'am. Tepi. Short for Tepifania"
Halos parang nabulunan ang lalaking 'to noong oras na 'yun.
"Oh, son! Dahan-dahan sa pagkain, mabubulunan ka!"
"I'm okay, I'm okay, don't worry Mom!" sagot nito.
Ang isa pa sa nakapagtataka. Bakit diretso na 'to magsalita? Parang nung nasa school lang kami ay halos kainin na nito lahat ng salita. Ngayon, parang may mali.
"Tepi, baka pala nagulat ka kung bakit 'yan ang suot mo" sambit ni Mommy Pretty.
Ang galing naman. Nabasa n'ya ang mga nasa isip ko.
"Ang nagpalit ng suot mo kagabi ay. . . "
"It's Manang!" sagot nito.
Parang gulat na gulat ang Mom n'ya na sumagot ito.
"Ah yeah! Si Manang Rosing" sagot ni Mommy pretty.
Grabe! Kanina pa ha. Nakakahalata na ako. Baka gusto mong sabihin ko sa Mommy mo ang mga ginagawa mo. Ano ako dito? Anino? Ang ganda ko namang anino.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?