Chapter 10 - BAHALA NA

1 0 0
                                    

CARLO POV

"It's another day!"

Seeing my Mom na parang wala na naman s'yang inspiration makes me sad so much. I really have to do something to help her.

"Carlo, I'm sorry but I can't drive you to school. Masama ang pakiramdam ko. Okay lang ba na mag-commute ka muna today? Heto ang 1000php, book a grab!" mom said.

"It's okay, Mom. No need for that. Kaya ko na po ang sarili ko. I'm good to go!" sagot ko.

Actually, this is the first time that my Mom will not bring me to school. But I have to. I can do this!

I really have to help my Mom. Dalawa na lang kami, and hindi ko kaya na nagkakasakit na s'ya dahil sa work.

Di ako sanay. Paano ba ako makakarating sa school?

Then suddenly, I saw an advertisement in a café.

"Wanted: Part-time Barista (With or without experience)

That ad got me. Pero hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Simpleng paghuhugas ng pinggan, di ko alam. Even pagtitimpla ng kape. How can I survive being a barista?

But I don't have any choice, I really wanted to help my Mom. By the way, it's part-time naman.

Should I tell my Mom? Baka magalit s'ya? Nevermind.

Nakita ko nalang ang sarili ko walking towards the café. Good thing, bukas na sila early this morning. Maaga pa naman, I'll just ask.

"Ah, Hi! I'm, I'm Carlo! I saw that, that you are looking for a part-time barista, can I apply?" kinakabahang sabi ko.

"Okay, pasok ka!"

"Do you know kung anong trabaho 'tong papasukin mo?" tanong ng I think, manager.

"Well, actually, Ma'am. Wala ako experience sa ganito mga bagay. This is something new to me. But I am very eager to learn. Just give me time and matututunan ko rin po ito!"

"Actually, we really need na and since ikaw na ang naunang mag-apply. I think with that mindset madali ka naming matuturuan. Don't worry, we'll teach you what to do before you actually start, okay? When can you start?"

"Next week, Ma'am. I just have to attend some errands this week. Thank you, Ma'am! Thank you!"

I don't know what to feel. Masaya ako kasi, ang bilis ng mga pangyayari. I do have a part-time job now. But the problem is, should I tell Mom about this? I suppose magagalit s'ya sa'kin.

BAHALA NA! Whatever it takes.

I still have one problem, medyo late na and I don't know pa kung paano ako makakarating sa school.

"Lasel! Atenew! Kalambridge! Sakay na!"

Oh, ito ba yung tinatawag nilang jeep?

Problem solved. Let's go!

At first, napatigil ako and I don't know kung tutuloy ako. Seeing the people inside makes me think again kung sasakay ba ako.

There's a smell of fresh fish and shrimp, may babaeng nagbe-breastfeed ng baby, may batang iyak nang iyak, may lalaking nakaupo na akala mo binayaran n'ya lahat ng space sa jeep, may mga natutulog na estudyante, Should I go?

BAHALA NA!

Mainit. Yung pawis ko ay parang ibinuhos na isang timbang tubig. Basang basa na rin ang panyo ko. Good thing, I have 100php on my wallet. I saw the other people na iaabot lang yung bayad then the driver will give the change. Okay,

"Excuse me! Here's my payment!"

??

Everyone's staring at me. Did I say something wrong? I'm nervous. Tama ba ang ginagawa ko?

"Toy, ang aga –aga naman ng 100php mo. Barya lang sa umaga", sambit ng driver.

"Ah ah, pasensya na kuya pero. . . "

"Para! Para! Pasakayin ang maganda!"

Biglang tumigil ang jeep. Sa sobrang lakas, medyo gumalaw ang lahat, mas nagka-space ang jeep.

Hanggang makita ko na sumasakay ang kaklase ko na naaksidente kahapon because of me.

Hindi pwede 'to. I have to hide.

"Toy, wala ka ba talagang barya? Kasi kung hindi bumaba ka na", sigaw ng driver.

Medyo malakas ang pa-music ni Kuyang Driver kaya ang nasabi ko nalang,

"Bayaran ko nalang kuya yung bagong sakay!"

Sobrang kaba ko nalang. I have no choice na, sobrang mala-late na ako sa school. Kuyang Driver gave me the change. Okay na siguro 'to. Pero paano kapag nagbayad itong babaeng classmate ko? What should I do?

"Ipod nang konti" sabi n'ya.

I have no choice but to hide my face. Hindi n'ya pwedeng malaman na ako ang nagbayad ng fair n'ya.

"Kuya, bababa na! Pasensya ka na kuya! Wala pala akong pambayad. Mapapatawad mo ba ang isang aping katulad ko?", sigaw n'ya.

"Okay na, Miss. May nagbayad na."

"Sino kuya? Sure ka? Sino, sabihin mo, kuya!" tanong n'ya.

"Secreett!"

"Itong si kuya talaga, baka naman sa ganda ko kaya ayaw mo na akong pagbayarin".

Nang bigla na lang s'yang sumigaw ng,

"Kung sino ka man, salamat at di mo pinagkaitan ang isang magandang aping katulad ko. Makakabayad din ako sa'yo in the future, muwahhh!"


I don't know pero there's this weird feeling akong naramdaman nung sinabi n'ya yun. I know marami pang mangyayari sa'kin with this over-confident girl.


BAHALA NA!

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon