Chapter 4: NOT A GOOD DAY

13 0 0
                                    

TEPI POV

Maingay. Medyo umaalingasaw ang amoy. Kainaman. Sayang ang napakaganda kong outfit. Tapos, walang gwapo? 

*taas kilay*

Wala akong choice kundi mag-stay dito. Hindi ko talaga ma-imagine ang magiging buhay ko sa school na'to. Ano nalang ang kinabukasang maghihintay sa akin. Kakayanin ba ng napakahina kong resistensya ang ganitong environment? Paano na ang mga magulang ko? Sino na ang mag-aahon sa kanila sa hirap? Paano na?

Habang nag-eemote ang lola mo, may tumapik sa likod ko. *Taas dalawa kilay*, may haplos ang pagtapik sa akin. Kinilabutan ako. Talagang di ko na 'to kaya. Anong klaseng school ba 'to! Dahan-dahan, nilingon ko ang nasa likuran ko.

1. . 2. . 3

Bulaga!



Ano't allowed ang pulubi dito sa school? Sosyal,  5 pesos na ang hinihingi.

"Ate! Ate! Maawa sa pulubi kung ayaw magka-ube!" sabi ng bata.

Tsupe!

Taray ko diba! Nagtinginan ulit lahat ng tao sa lakas ng boses ko. Pati yung guest speaker napatigil na naman. Yung mga malalaking mata nila, nakakatakot!  Wala tuloy akong choice kundi bawasan ang pambili ko ng bagong lotion.

"Oh! Eto, masaya kana?"

Tumakbo nalang bigla yung batang uhugin na hindi ko talaga maintindihan kung papaano nakapasok dito. 

Ngiti ng konti. Ngiting aso. Feeling mapagbigay. Feeling "I work a lot in the slums of Tondo, Manila and the life there is poor", Catriona, ikaw ba 'yan?

Haayyy!!

Ayos, nawala na ang tingin nila sa akin. Tamang alcohol muna.

Talaga ba? Dito ako mag-aaral? 

Tinitignan ko nalang ang paligid habang nakagasumot ang mukha ko. 

Hindi ko alam kung mamayang pag-uwi ko ay magagalit ako kina Momi o magmamakaawa nalang na lumipat ako ng ibang school. 

Dumagdag pa 'tong speaker na 'to na akala mo naman ay nagsasalita lang mag-isa. Energy! Hoo! Energy! Milo everyday!

"Welcome Freshmen! Everyone is expected to wear they're uniform. Those who do not abide the rules will have the punishment of community service for the whole day after class hours. After this orientation, you are going to meet your adviser. Please make sure to accomplish all the forms that will be given to you on your class!"



Ano? Ang bagong manicure kong mga kuko, bagong bagnat na buhok at bagong dress. Magwawalis lang  ng mga mabahong basura. Ewww!! Awkward magwalis ha, naka-heels ako. Saka, ang init naman masyado, sayang ang Kojie Xian. Paano babalik ba ako sa dati? Hindi ko matatanggap na ang beauty ko ay magkakaganito nalang. 

"Okay, you can now go back to your respective classes".

Binilisan ko ang lakad ko, tinago ko ng napakabangong buhok ko ang mukha ko. Here it comes, the real first day of school.

Pagdating namin sa classroom ay nakatayo na agad ang profesor. Hindi s'ya gumagalaw, medyo nagdalawang isip pa ang lahat kung teacher ba 'to o may nagpapakita lang na multo. 


"Good morning class, my name is Mrs. Waka waka and I am going to be your Chemistry Teacher for the whole semester".

Grabe! Waka waka? Saan nya nakuha apelyido nya. Mukhang minalas ang aming professor sa napangasawa n'ya. African ka girl?

"On my class, ayoko nang pa-anga-anga. Ang gusto ko snappy, mag-isip! Wala akong pakialam kung sino mang mga magulang n'yo pero sa subject ko, ako ang masusunod! Intyendes?" paliwanag ni Ma'am. 

"Bawal ang late! Kung alam mong mala-late ka, huwag ka nalang pumasok. Sa mga babae, bawal ang naka-make up. School 'to hindi parlor! Sa mga lalaki, ayoko nang nakabangs, kaya ikaw tutoy, ipatabas mo na 'yan!"

"Pwedeng magkopyahan sa subject ko!"

"Ha?!" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko. 


"Basta nakapikit!"

"Kada Lunes ay may dala akong ube halaya at mani, bawat isa ay kailangang bumili. Ito ay tulong n'yo na rin sa komunidad!" dagdag ni Ma'am. 

Komunidad? Ano't may komunidad, Ma'am? 

"So far, yun na muna! Wala pa akong maisip! Okay, narito na ang Information Sheet n'yo, pakipasa ng papel sa katabi."

"Isulat ang buong pangalan, apelyido muna bago unang pangalan. Wag pa-anga-anga, makinig sa instructions ko!"

Pagkatapos ng halos kalahating oras. 

"Okay, tapos na ang duty ko as your adviser. At this point, let's have our Chemistry Class. Pass your paper forward!"


Kainis! Eto agad ang bungad, CHEMISTRY. One of the worst subjects ko nung high school. Dahil hindi ko masaulo ang lintik na periodic table of elements na hindi ko alam kung paano ko maia-apply sa kagandahan ko. Dagdag pa ang teacher namin na kada kumukulog lang pumapasok sa school. Literally. Kaya kapag mainit ang panahon, tinatamad talaga akong pumasok ng school.

"Ms. Lokaday! Na napakapal ng make-up sa first day of school! You will seat on the last row. Dun sa dulo!"


Gosh! Ang beauty ko, panglikod lang. What?

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon