Chapter 37 - GIVE ME STRENGTH

1 0 0
                                    

Muli na namang pumapara nang sasakyan ang tila inaantok pa na si Tepi. Hindi  pa rin s'ya mapakali sa mga nangyari kahapon. Isang palaisipan pa rin sa kanya kung paano haharapin ang kanyang mga kaklase, kaibigan, lalo na si Carlo na matatandaang umamin nang pagtingin sa kanya. 

Maswerte na lamang na biglang tumawag muli ang kanyang ina noong oras na halos ihain na silang dalawa sa kumukulong tubig kahapon kaya naman nakaligtas sila sa mga tanong ng ina ni Carlo. 

Pagdating sa school ay agad na dumiretso si Tepi sa isang C. R. upang tignan kung maayos ba ang kanyang sarili. Muli na naman n'yang pinahiran nang napakakapal na make up ang kanyang mukha. 

"Okay, Tepi! Walang nangyari! Hinga nang malalim. Mahaba pa ang araw! Makaka-survive din tayo!  Tiwala lang." sabi nito sa kanyang sarili. 

Agad na sumalubong sa kanya ang mga kaibigan na akala mo naman ay sampung taong mga hindi nagkita. 

"Baby, andyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap! Kamusta ang practice n'yo ni Rich Kid?" tanong ni Charles. 

"Oo nga bes, anyare? Naka-score ka ba? Dali sabihin mo! Excited na ako sa chika!" sabat naman ni Tepi. 

"May quiz ba tayo? Nakatulog ako kagabi e!"  

"Khino?!" sabay sabay na sabi ng magkakaibigan. 

"Ah sorry! Sorry! Nagtatanong lang naman!" sagot ni Khino. 

Samantalang kakatang tahimik lamang si Arden. 

"Okay! So tapos na ba ang mga tanong n'yo? Para malinaw, pumunta lang ako dun para sa mga kailangan namin tapusin for the pageant. Ayaw lang kasi namin na ma-disappoint si Mrs. Waka waka. Uulitin ko, nag-practice lang walang nangyari! Naintindihan n'yo? Hindi kami naghalikan o?! oh?! nagyakapan o nag-aminan na may gusto sa isa't isa."

Biglang natigilan si  Tepi na nanglalaki ang mga mata dahil mukhang nadulas na naman ang kanyang dila. 

Samantalang nanhimik rin ang kanyang mga kaibigan na halatang nagulat sa kanyang mga sinabi nang tuloy-tuloy na akala mo ay nililitis sa hukom. 

"Yung totoo, Tepifania?" tanong ni Arden na sa wakas ay nagsalita din. 

"Ah?! eh!" at napabuntong hininga na lang ito at tila nawalan na nang pag-asa na makakawala pa sa matanong na mga kaibigan. 

Gaya nang inaassahan. Sa ganito rin naman hahantong ang lahat. 

At huminga siyang muli nang malalim at saka sinabing, 

"Okay fine! Pero pwede bang wag naman dito. Baka may ibang makarinig."

At lumipat ang magkakaibigan sa isang bench malapit sa library na madalas rin nilang tambayan.

Dito na detalyadong ikinuwento ni Tepi ang lahat nang nangyari samantalang tutok na tutok na nakikinig ang kanyang mga kaibigan sa kanya. 

". . . at umamin s'ya na may gusto s'ya sa akin. Matagal na."


Matagal na katahimikan na naman. Lahat ay unti-unting pinagdudugtong-dugtong ang kanilang mga narinig. Samantalang si Tepi naman nanginginig pa rin dahil hindi s'ya sanay na nagkukwento ng mga ganoong mga bagay. 

Seryosong seryoso ang lahat sa kanilang pag-iisip at mukhang mga nagulat sa kanilang mga narinig. Nang, 

"Ano nga ulit yung sagot sa number 5 sa quiz kahapon sa Pol. . "

"SHUT UP!"

At muli na namang tila pinasakan nang papel ang bibig ni Khino na puro pala quiz ang nasa isip. 

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon