TEPI POV
I'm lost! Lost Valdez! Nanaginip ba ako? I really don't understand.
By the way, I'm Tepi, I was born with this intense beauty. Literally, intense! I'm the only daughter of Mr. Telesporo and Mrs. Pintakasi. 18 years old na ako. Sobrang puti. As in. Halos maubos na kaya ang inutang ni Nanay sa bangko para lang pumuti ako, thanks to Kojie Xian. Kung kailan maputi na ako saka ko pa nalaman na mayroon palang binebentang bulto-bulto nun sa palengke. Kainis! Mahaba ang hair ko, madalas ako nagpapa-rebond, 'di ko maintindihan pero parang walang nangyayari sa split ends ko. I really love pink, pink is the color of my bag, my headband na may malaking ribbon, my medyas, my shoes has a touch of pink, my uniform-tinitina ko ng pink, even my panty is red talaga pero kumupas kaya naging pink.
Ayaw na ayaw ni Momi na magagasgasan ang binti ko. They're getting me ready for Ms. Slapsoil 2020. Hindi ko alam kung ano 'yun pero English kaya feeling ko istariray 'yun.
Nung ipinanganak ako, nagulat ang mga magulang ko. Kasi sa wakas, nagkaanak na sila ng sobrang gandang katulad ko. Nagulat sila, di na nga nila ako nakuhang tignan dahil sobra ko raw ganda.
Laging galit sa akin ang momi ko, papaano di nya matanggap na sobrang ganda ko.
Hindi nila akalain na may bababang anghel sa lupa, medyo mabilis nga lang daw ang pagbaba ko, kaya medyo lumagapak.
Kilala ako dito sa barangay bilang si Ms. Flawless. Oh diba! Kasi kada maglalakad ako sa eskinita dito, lahat ng manginginom at tambay, umuuwi. Gusto na nga akong ihire ng Brgy. Chairman namin para maging Brgy. Gandang Tanod kasi simula raw ng ipinanganak ako, nabawasan ang kaso ng rape dito sa aming barangay. O diba, feeling ambassadress of goodwill lang ang lola nyo!
Mahilig akong mag-mall, d'yan lang kasi malapit lang sa amin. Suot ang aking short na kita ang panty kong pang-tuesday kahit friday na. Window shopping is one of my best hobbies. Malapit na, I think, Shop lifting na ang gusto kong isunod.
Nagtataka lang ako, kasi kada papasok ako sa mall, hindi ako kinakapaan ng guard, ayaw n'ya yatang mahawakan ang very sexy kong katawan.
Madalas akong gutumin ng mga magulang ko kasi naman, they want me to stay fit and sexy.
Masayahin ako, lalo na kapag bagong adjust ang braces ko, uso kaya to! Feeling mayaman lang ako.
Kada magjojogging ako, hinahabol ako ng mga aso. Siguro dahil kahit sila, nahuhumaling sa ganda ko.I also go to church, just to thank God for the beauty that he gave to me. Kaya lang di ako pinapapasok sa loob, mas bagay daw ang suot ko sa labas. Honestly, nagsisimba lang ako para magpa-cute sa mga gwapong sakristan. Inaakit ko sila, beautiful eyes mga 50 times. Akala tuloy nila may sakit ako. Tapos di ako umuupo, nakatayo lang. Then POSE!!!! While wearing my 7 inch tiger heels. Parang may pictorial sa misa, kaya nauunawaan ko na kung bakit kakaunti ang nagsisimba, nire-reserve kasi nila para sa fashion show ko.
Aside sa school and panghaharbat sa mall, and some adoration sa church, ano pa ang hobby ko?
The number one, Facebooking! Ang pagbo-book ng face. Charot!
I can almost spend a day just facing my computer and do this stuff.
I post fifty selfies a day. Kasi naman sa sobrang photogenic ko, kahit sa anong angle, GANDAAAA!!!
Guess what?May mga haters ako, meaning sobrang famous ng beauty ko. Madalas akong maka-recieve ng report sa notifications ko.
Marami akong likers and I'm proud to say na puro foreigners sila, puro arabo!
Gash! Di lang pang-nationwide and beauty ko!
Konting pakita lang ng cleavage ko. Booomm! 300 likes in 10 minutes. Pero cleavage lang 'yun.
Mahilig akong magpost. Nakuha ko nga ang title na selfie and status queen.
Mahal na mahal ako ng mga parents ko. They even created a modeling agency just to make me a model. Nakakainis lang kasi it takes a week para makuha ang mga shots. Pinapapangit daw nila kasi ako sa editing. Sobrang ganda raw kasi.
Taon-taon ako ang ibinobotong muse ng mga kaklase ko. Binabayaran ko sila para dun. At 'pag may nagkamali, ipabubugbog ko sa tatay ko.
Nagpapagawa pa ako ng flyers ko para lang ipagmalaki sa campus namin nung high school pa ako na nandito sa school nila ang gandang di nila inakala.
Ngayon, college na ako and I think mas magiging mahirap ang pagdadaanan ko. Napakarami na naman sigurong boys na mahuhumaling sa ganda ko. Haayyy!!
Mula sa pagkakatulog.
Bigla akong nagulat ng may biglang tumapik sa likod ko.
Itinunghay ko ang ulo ko.
"Miss, Isasara ko na 'tong room". Kailangan mo nang pumunta sa Gymnasium, nandun ang mga freshmen, may orientation kayo dun" sabi ng I think janitor dito.
Ba't di ako na-inform na may orientation?
Okay.Oo.
Alam ko.
Wag munang ipagdikdikan sa aking beautiful fes.
LATE nga pala ako!
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?