Tulalang naglalakad si Tepi pauwi ng bahay mula sa isang tila panaginip na nangyari kinagabihan. Napagpasyahan n'yang lumiban na muna sa klase dahil bukod sa kulang sa tulog ay sadyang parang hindi pa n'ya kayang pumasok ng araw na iyon pagkatapos n'yang mapagtanto sa kanyang sarili ang isang desisyon na alam na kailangan n'yang pag-isipan. Hindi pa s'ya makakuha ng lakas ng loob na sagutin ang tanong ng binata.
Isang bagay na parang unti-unti nang kumakain sa puso n'ya.
"Susugal ba ako?"
Matatag s'ya pero noong oras na iyon ay hindi n'ya mapigilan ang pagluha dahil gulong gulo na s'ya sa kanyang nararamdaman. Malinaw na ito pero may takot pa rin.
Kinabukasan,
Araw ng Miyerkules, isang normal na araw para sa lahat ngunit ang unang araw ng practice nina Tepi para sa Mr. and Ms. Science Week. Maayos na ang kanyang pakiramdam. Mayroon pa ring kaba ngunit nakatulong na nagpahinga s'ya para maihanda n'ya ang kanyang sarili.
Di tulad ng dati ay hindi s'ya sinalubong ng kanyang mga kaibigan. Dumiretso s'ya sa gymnasium kung saan nandoon na rin ang kanilang mga makakalaban. Kinabahan s'ya nang makitang mukhang napakagaganda ng mga makakalaban n'ya at parang urong sulong s'ya kung maglakad. Parang lumalambot ang kanyang tuhod. Ang dating kay tigas na paninindigan ay parang natutunaw na ngayon. Urong sulong. Parang umaayaw na.
Nang maramdaman na lamang n'ya ang mga kamay na humatak sa kanya papasok.
Paglingon n'ya ay nakita n'ya ang seryosong si Carlo na parang wala nang pakialam kung ayaw ni Tepi. Wala na rin namang lumabas na mga salita sa kanyang bibig dahil paang napipi na naman s'ya sa ginawa ng binata.
Alas nwebe ng umaga.
"Good that everyone's here na. So nga pala mga beshy. We will be together like super together hanggang Friday for the practice. Bawal ang mga atichona at mga papampam. Here kailangan ng lola n'yo ng seryosong mga pipolets. Sa Monday na ito mga atechiwa at kyahh okay? I'm sure na ready na naman ang mga talent n'yo no kasi noong last month pa sinabi sa inyo na kayo ang napili at may talent kumelebu. Also, yung mga isusuot dapat okay na. So bago tayo magsimula, kailangan muna na malinaw sa lahat na pageant ito at hindi panahon para magkuhanan ng number at makipag-textmate. Kung ano lang ang sinabi ko 'yun lang din ang gagawin. Wag jolibee!" sabi ng trainor nila na mukhang isang estudyante din.
"Bakit Jolibee?" tanong ng isang lalaking kalahok.
"Bida bida! Ayan, ikaw ang example, nagsasalita pa ako diba? Wag pa-cool!" sagot nito.
At nagtawanan ang lahat.
"So ngayong araw, ang papractisin natin ay ang paglakad at ang mga magiging blockings n'yo. I-memorize okay? Wag pa-idiot idiot okay?! Intyendes?" dagdag pa nito.
Nasa isip ng iba, "Mukhang alam na namin kung kanino nakuha ni Mrs. Waka waka ang "Intyendes!"
At nagsimula na nga ang kanilang seryosong pagsasanay. Masaya ang lahat at mukha namang mabilis na nakukuha ang mga dapat gawin.
Ngunit heto ang dalawa na parang mga lutang na palaging nagkakamali.
"Hey! Hey! Yes ikaw girl? Mag-ano ba kayo nito ni Pogi ha? Bakit kayo palagi ang pamali-mali. Mga lutang ba kayo? Mapapatawad ko pa ito si Pogi e keshe nemen beke keme eng neketedhene! Ahhhh! I'm rooting for you baby! E ikaw, (pabulong) hindi na nga maganda, shonga pa. -Ikaw naman girl focus please. Kahit feeling mo dekorasyon kalang dito ay ayusin mo pa rin." sabi nito.
"Ahh sorry. Okay aayusin ko na. Sorry." sagot ni Tepi.
Dahil na rin sa nangyari ay tinawag na ang dalawa na "Mr. and Ms. Malag" ng mga kasama nito.
Mga ilang minuto pa ay nakuha na ni Tepi na kalimutan nang panandalian ang sakit na kanyang nararamdaman. Mga ngiti na ang makikita sa kanyang mga labi habang kausap ang mga kasamang kandidata. Mukhang makabubuo na naman s'ya ng mga bagong kaibigan rito. Mayroon na ring ilang mga binata ang lumalapit sa kanya.
Pero, sa bawat pagkakataon na may binatang lalapit sa kanya ay nakapagtatakang parang balewala lang si Carlo.
Mukhang balewala lang.
Pero labis na nasasaktan ang binata.
Parang dinudurog ang puso nito na nakikitang wala na s'yang magawa para iligtas ang dalaga sa mga lalaking nakapaligid dito.
Ang binata naman na noon pa ay kilalang may itsura ay pinaliligiran ng mga dalagang parang mga aninong nakakabit sa kanya. Mga nag-si-absent ang mga ito sa kanilang mga klase parang lang suportahan si Carlo.
Hindi makahanap ng tyempo. Malabo. May takot pa rin.
Kahit na napapalibutan ng mga babae aykay Tepi pa rin ang habol ng tingin ni Carlo.
Araw ng Biyernes, huling araw ng pag-eensayo.
Masaya pa rin ang lahat pati na rin si Tepi na napakalakas ng boses na nakikipagdaldalan sa mga kasamang kandidata.
Kalahating oras pa bago magsimula silang muli nang maaninagan ni Tepi si Carlo na nasa malayo at may kausap.
Bilang kilalang usisera ay nagpaalam ito sa kanyang mga kasama para pumunta sa c.r kunwari. Pero tahimik nitong sinundan si Carlo.
Sobrang curious n'ya na baka may babae na itong napupusuan at nag-iinit na ang kanyang batok na malaman.
"Wala."
"Para alam ko lang."
Pero parang nilalagutan na s'ya ng hininga sa mga sandaling papalapit s'ya kay Carlo. Dito na ba matatapos ang lahat? Wala na bang pag-amin na magaganap?
Marahan pa hanggang sa makita na n'ya mula sa isang sulok kung saan hindi s'ya makikita.
Napakunot ang kanyang noo at nanlaki ang kanyang mga mata.
Si Charles, na kaibigan n'ya ang kausap ng binata.
"Wait! What?!" sabi nito sa kanyang sarili.
"Bakla ba s'ya?"
"Hindi kaya?. . "
At bigla na itong nakipagkamay kay Charles at bumalik sa entablado kung saan sila nag-eensayo.
Sumunod rin naman kaagad si Tepi para walang makahalata kahit sa totoo lang ay wala namang may pakialam.
Isang malaking tanong na hindi na n'ya matanggal sa kanyang isip hanggang sa matapos ang araw.
"Okay! That's all for today mga beshieng chaka at mga baby ko. Sana ay marami kayong natutunan sa akin na madadala n'yo hanggang sa inyong himlayan! Char! Sa mga girls wag kalimutan ang balakang ha. Hay nako! Babaliin ko 'yan sa lunes kapag mas matigas pa sa kahoy 'yan! At sa mga baby boys ko, please wear tight pants. Super tight para naman maganda ang scenery sa baba. Hahaha. Charot ulit! Yun lang, See you all on Monday! May all the chenes and kumelebu be with you all!"
At nagpalakpakan na lang ang lahat at nagyakapan naman ang ilang mga babaeng akala mo naman ay napakatagal ng pinagsamahan at hindi na muling magkikita pa .
Samantalang si Tepi ay tulala pa rin at wala sa sarili.
"So all this time, si Charles pala?! What??"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?