TEPI POV
Dahan-dahan.
May pumipigil sa aking mata sa pagmulat. Ano 'yun?
It's a morning star!
Tingin sa paligid.
Teka, nasaan ako?
Pagmulat ng mata ko ay nakahiga ako sa isang di pamilyar na kwarto. Nasaan ako? Bakit ako nandito?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at minasdan ang paligid. Infair, bongga ang room na'to. Sosyalen! Ang kwarto ay gawa sa salamin. Pagbangon mo ay makikita mo na ang napakagandang view ng isang syudad. Matataas na building sa labas at sa di kalayuan ay isang malawak na dagat. Manila Bay ba 'yun bes?
Malaki ang kama, kasya ang lima. Napakalambot ng kutson na para kang nakahiga sa ulap. Ang taray naman! Pwede si Charles dito, napakalikot pa naman nung matulog.
"Wow! May C.R sa loob ng room. Tignan nga natin" sabi ko.
"Ano 'to? Bahay na ba 'to? Bakit ang laki din. Ganito na yata kalaki ang bahay namin"
"Uy, ang daming mga pangpaganda dito ah. Anong basa dito? Chan-te-ka-i-le? Lo-re-el? Ki-e-hels?
"Ah ito alam ko'to. "Chin-Chan-Su!" Taray! Gumagamit pala ng chinchansu ang mayayaman?
Di ko na namalayan na pabalik-balik nalang ako sa kwarto at sa C.R.
Nang narealized ko na. .
"Teka, bakit nga ulit ako nandito?"
Nang may biglang pumasok na babae.
"Hi! I'm Mrs. Amapulo. The owner of the house. Kamusta ka? Maayos na ba ng pakiramdam mo?"
Natigilan ako. Kilala ko ang babaeng ito. Hindi ako pwedeng magkamali. S'ya yung endorser ng paborito kong sabon,
Ang "Kojie Xian"!
"Ah... Ah I'm sorry po pero bakit po ako nandito at sino po kayo?" tanong ko.
Kunwari hindi ko s'ya kilala pero ang totoo, palagi ko s'yang nakikita sa kahon ng ginagamit kong sabon. Though, nagbago na sila ng endorser, mas bata na. Pero infairness kay Mother, a young girl pa rin ang look.
"Ah, my son saw you yesterday. I think muntikan ka na daw maholdap and he saved you!" sagot ni Pretty mommy.
Saka lang biglang bumalik sa akin ang lahat ng alaala. Muntikan nang mahugasan ng ganda ng bahay na'to ang lahat ng alaala ko. Buti nalang at bumalik na ako sa katinuan.
"Oh! He.he.he! Oo nga po pala. So iniligtas po ako ng anak n'yo! Muntikan na nga po akong mamatay kahapon." sagot ko.
"Nag-aalala nga ako kahapon kung bakit nag-uwi ng babae ang anak ko. Never pa s'yang nagdala ng babae dito bukod sa'yo. Ang madalas ay his friends from his former school."
"Ah. He.he.he! Ganoon po ba? Mukhang napakabait naman po ng anak n'yo."
Nasa isip ko (at sana gwapo).
"But are you okay na?" tanong ni Pretty mudra.
"Ah yes po! He.he.he!"
Teka. Parang ang weird na ng tawa mo girl! Hiya ka? Meron ka pala n'yan?
"Come with me. I prepared a lunch. Let's eat together"
Shocks! Lunch? Sarap tulog ka te?
Kinabahan ako sa pa-let's eat together ni Mudra. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung papaano ako kikilos. Wait, kailangan ba pa-demure? Ganito ba mayayaman?
Pagbukas ng pinto. Bumungad sa akin ang "extra" na bahay nila. Ang laki bes! Parang mansyon ang datingan. Mga napapanood ko sa teleserye na binabago lang naman ang mga upuan tapos pwede na gamitin for a new show. Mapapakanta nalang ako ng "I'm gonna sweng from de shandelir! From the shandelir!"
Ang taray! Bongga ng hagdanan! Parang gusto kong magpababa taas lang dito palagi. Kasya sampung tao. Kaloka!
At ang lawak. Ang dami pang space! Mukhang milyones ang mga appliances.
"So we're here! Let's eat." pagyayaya n'ya.
Ano 'to fiestahan, girl? Isang mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain.
Uy, perpek! Steak! Sa amin kasi, Bi-steak lang ang afford lutuin ni Momi. Oh yummy! Ayun, may Krispy Pata! Is that fried chicken? Uy, may chocolate cake! Bongga! Mukhang makaka-quota ako today.
"Sige, kain ka!"
"Oh okay po. Salamat po sa pagkain! Hindi na po ako mahihiya ha?
"Yeah sure! Magpakabusog ka! Nakakatuwa ka naman."
Hindi ko na s'ya nahintay matapos magsalita. Nginasab ko na agad ang mga nakahaing pagkain. Sarap bes! Kailangan kong samantalahin at minsan lang 'to. Baka di na maulit.
Ang lutong ng krispy pata! Yung steak grabe ang lambot at sobrang malasa.
Habang enjoy na enjoy ako sa pagkain at puno pa ang laman sa bibig, bigla ko nalang naitanong,
"So nasaan po pala yung anak n'yo na nagligtas sa akin? Gusto ko pong magpasalamat sa kanya!" tanong ko.
"Ah, lumabas s'ya para pumunta sa kakilala kong stylist. Ewan ko ba dun, nabigla ako na bigla n'yang tinanong yung pangalan nung stylist. Walang luho sa katawan ang anak ko. Simple lang s'ya. Pero siguro ganoon na talaga ang mga kabataan ngayon, freshmen kasi s'ya. Baka nakikiuso na rin. Haayy! Lumalaki na talaga s'ya at tumatanda naman ako." sagot n'ya.
"Parang hindi naman po. Mukha nga lang po kayong nasa early 30's" sagot ko.
"Ah yeah, I'm 32 years old."
Muntikan na akong mabulunan.
Akala ko pa naman makakapang-uto ako, mali pala ang hinala ko. Mukhang naka-offend pa nga.
"It's fine. Haha. Parating na rin 'yun. Buti nalang at sabado ngayon no? At least, you don't have to worry na baka malate ka sa school."
Super na-eenjoy ko talaga yung food. Si Mommy naman, nakangiting nakatingin sa akin na parang kulang nalang ay sabihing busog na s'ya makita lang akong busog.
"Oh son, you're here na!"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung mukhang gutom na gutom kanina ay biglang natigilan sa pagkain. Kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan. Bakit ganun? Diba parang kanina lang, confident ka girl?
Dahan-dahan kong inilingon ang aking ulo at sinundan ang pinatutunguhan ng tingin ni pretty mommy.
Nanlaki ang aking mga mata at sabay sabing,
"Ikaw!?"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?