CARLO POV
"Ang sikip!"
My first reaction when I first saw the classroom. Siguro around forty kami.
Everyone looks very quiet pa. Well, first day of school so what do we expect diba?
Merong nagbabasa na kaagad kahit first day palang, maybe she wanted to graduate with flying colors.
Some are checking on their phones, taking selfies, makikilala mo na agad ang mga mabibigyan ng "Congeniality award". Sa gilid may mga nagtatakip ng mukha gamit ang panyo. Some are just looking around, looks like hinahanap nila ang orasan to check if recess na. Yeah, it sounds weird pero we still call it recess.
Todays' first subject is Chemistry, my favorite subject. I'm always excited kapag ito na subject namin nung high school. Super curious ako sa mga experiments na ginagawa namin before.
"Good morning, class!" I heard a familiar voice.
Ito na. Simula na. I'm going to experience the life of a college student.
"I just want everyone to know that I don't like lazy students in my class! If you're not interested, pwede na kayong lumabas at i-refund ang tuition fee n'yo. Yun ay kung refundable ba s'ya! HAHAHAHA.", malakas na sabi ng prof namin sa Chemistry.
"At this moment, I want you to introduce yourselves! Let's start with. . . "
I have never imagined in my life na mayroon pa palang ganitong portion sa college. I suck on this part! God, give me strength.
"Mr. Amapulo"
"Where's Mr. Amapulo?"
"Here Ma'am!", kinakabahang sabi ko.
"A a a, Oh hi, everyone! I'm Carlo Amapulo, I'm 16 and I live in Rosebridge Village".
At that time, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Yes, I'm an introvert. Everything that I'm saying from the very start is just playing in my mind.
After introducing myself, I noticed that all my classmates are murmuring.
"Okaay!! People, what's the problem ha? Ngayon lang nakakita ng nakatira sa village? Feeling n'yo? Yayaman na kayo porke may classmate kayo na natutulog sa ulap? Ano 'to heaven ang feeling? Ikaw, oo ikaw! Ngayon lang nakakita ng gwapo sa talambuhay? Hayaan mo, obvious naman." sabi ng Prof namin.
Kinabahan talaga ako. Grabe yung kabog ng puso ko nung unang beses akong pagsalitain in front of my new classmates.
At nagpatuloy ang "Introduce yourself" portion na feeling ko kaya lang ginagawa ay para maubos ang oras kasi she's not prepared yet for the first day of school.
"Haayyyy!"
"Hellooo!"
"Hellooo!"
"Hiii!"
"Im Erika, ang magpapatibok sa mga puso n'yo! Boom!"
"Hahahahaha"
"Helow mga aydol!, Kamustah nemen Fow kayoh dyen? I'm Rayken, jas col me Ken Vente nHuebeh!"
"Hahahahaha"
At nagpatuloy lang ang pagpapakilala ng lahat, everyone seems nice though medyo weird lang yung iba.
Until. .
"Hi, hindi ko na kailangan pang ipakilala ang sarili ko dahil feeling ko naman kilala n'yo na ang gandang ito. Sa mga lalaki, pakisulat nalang ng pangalan at bigyan n'yo ako ng time na pag-isipan kung sasagutin ko kayo o pababalikin sa sinapupunan ng ina n'yo. Sa mga babae, nganga na para sumahod ng nag-uumapaw kong kagandahan. Just call me, Tepi!" sabi ng isang babae sa likuran na sa lakas ng confidence ay napalingon ako.
Teka, diba s'ya yung??
Yung babae sa orientation kanina?
"Yess, I like the confidence Ms. Lokaday! Sana ganyan ka rin ka-confident sa klase ko at hindi puro pagmimix ng make up lang ang alam sa buhay!", sagot ni prof.
Hindi ko alam kung mao-overwhelm o mao-offend ako kung ako ang sinabihan ng ganoon.
Simula nung oras na 'yun hindi na nawala ang tingin ko ang babaeng 'to. She looks very familiar pero parang hindi. I don't know but there is this feeling na may connection. Okay, okay, nevermind.
"Okay, class! Ididikit ko nalang sa blackboard ang kokopyahin n'yo. Limang manila paper back to back! Babalik ako to check kung nakopya n'yo na at mayroon tayong quiz bukas, 100 items! Simulan na!" sabi ni prof.
"Ano? Kokopya agad?", "Potek wala akong bolpen!", "Inaantok ako", "Is she serious?", "Nakadroga ba si Ma'am?", "Limang piraso lang papel ng filler ko, ubos agad first day palang?", "Nakakatamad!"
Bulungan ng mga kaklase kong nabigla rin sa walang kupas na pagpapatahimik ng klase. Ang magpakopya. Teka, super liit naman ng handwriting nung sumulat.
"Kasi naman yung isa d'yan pabida! Feeling ko kaya umalis si Ma'am kasi naimbyerna sa babaeng nakalunok yata ng confidence", may isang sumigaw.
"Sinong pinariringgan mo?"
"Ay ako! Baka ako!"
"Bakit kasalanan ko bang pangit ka?"
"Aba, ang yabang nito ah"
"Pawww!" "Kaboom" "Kriiik" "Tugsss"
At dun na nga nagsimula ang first day of school ko. Ang inaakala kong magiging maayos ay nag-iba sa dahil sa babaeng ito.
Nang narinig ko ang mga yabag pabalik sa aming classroom.
"WAT IS HAPENENG!!!!!"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?