TEPI POV
Hindi ko maintindihan pero nung mga oras na 'yun parang bigla nalang akong nakaramdam ng paninibago.
Hindi ko na rin matandaan kung mga ilang oras kaming nagkatitigan. Mga titig na tila walang kahulugan pero ang sarap sa pakiramdam.
Gising! Gising! Mali 'to, Tepi. Hindi dapat 'to. Kailangan pa nating bumawi sa mokong na 'to.
Bumalik na kami sa classroom at naging usa-usapan din ang nangyari. Masisisi ko ba sila, e ako 'to, Si Tepi Lokaday, Ang babaeng palaging. .
Palaging. .
Natatapilok. Aw!
Malaki pa rin ang paninibago ko dito sa school na 'to.
Lumipas ang mga araw at unti-unti ko nang nakikilala ang aking mga kaklase. Hindi nalang si Hamber ang palagi kong kasama, nakabuo na ako ng grupo na alam ko ay sa halip na magdadala sa akin sa katiwasayan ay sisira ng aking buhay. Kaloka! Nakabuo ako ng isang grupo at tinawag namin 'tong. .
"The Friday Gang".
Alam n'yo kung bakit? Alam ko ang iniisip n'yo na dahil kada Biyernes ay gumigimik kami.
Pwes, nagkakamali kayo.
Kada Biyernes kaming ABSENT! Well, hindi naman madalas. Baka makahalata ang adviser namin na nakapangasawa ng foreigner ay baka ma-deport kami sa school. Nabuo ang grupo dahil palagi kaming nag-uusap kung ano ang idadahilan kay Mrs. Waka waka kung bakit kami absent, hindi kasi pwedeng lahat kami may LBM. Ika nga, isang grupo, sama-sama! Kahit sa pagliban sa klase!
Ang unang miyembro ng grupo, Si Kurdapya!
Alam ko, ang baho ng pangalan n'ya pero ang tawag namin sa kanya ay Dappy! Siya ang isa sa mga pinakinaiinisan ko nang bahagya dahil maganda s'ya. Natural ang ganda. Walang halong kemikal. Walang Salamat Dok! Maganda s'ya pero kinulang sa utak. Palaging nagmamakaawa ang magulang dahil palaging bumabagsak sa klase. Siya ang magandang ehemplo ng "Ganda lang, sa utak kinulang".
Ang pangalawang miyembro ay si Boss Arden.
Siya yung rapper sa grupo. Mahilig magsuot ng maluluwag na damit at palaging nakasaklob. Wala s'yang ginawa kundi magbida-bidahan sa klase. Magtataas ng kamay kahit hindi alam ang sagot. Pumapasa naman s'ya kasi lagi s'yang natatandaan ng teacher na nanghuhula lang ng grade.
Ang pangatlong miyembro, si Kino.
Si Kino yata ang pinakamatino sa aming lima. May itsura s'ya, kung di nga lang kaibigan ko 'to ay baka nilandi ko na 'to. Matangkad na payat pero magandang tignan. Katamtaman ang kulay. Siya ang kinokopyahan namin kapag may quiz na syempre, hindi kami nakapag-review. Ang nakakabilib dito kay Kino, kahit na palaging natutulog sa klase may naisasagot.
Ang pang-apat, si Charles.
Ang financer ng grupo. S'ya yung masarap kasama palagi kapag lumalabas kasi hindi mo na kailangan pang magtanong, kusa s'yang maglalabas ng pera at manlilibre. Sana all! S'ya yung masarap kagrupo kapag may project kasi lahat binibili nalang namin. Normal naman s'ya. Wala namang espesyal sa kanya bukod sa ayaw na ayaw n'yang nalulukot ang uniform n'ya. Madalas kaming mag-away dahil madalas akong yumayakap sa kanya. Alam mo na, "Papi! Bili mo ko nun!"
Hindi ko rin na matandaan kung paano kami nabuo. Basta habang tumatagal, naging magkakasama na lang kami sa lahat ng bagay.
Isang umaga.
"Ey, Boss Arden! Isang tira naman d'yan!" Sambit ko.
"Ay ikaw pa ba aking pinakamagandang d'yosa na niluwal ng lupa at naghasik ng walang katumbas na gandang di mo inakala!"
"Ang galing mo talang mang-badtrip, kainis ka! Gupitin ko 'yang damit mo e", sagot ko.
"Ey ey, may dala akong meryenda! Sino gusto ng sago't gulaman? May banana cue din dito, teka wala pa ba si Kino?" tanong ni Charles.
"Ah sorry guys, na-late ako, Nakatulog kasi ako. Don't worry guys! May isasagot tayo sa quiz bukas. Sagot ko kayo! Akin na 'yan gutom na gutom na ako", sambit ni Kino.
"Ikaw talaga bebe ko! Halika, matulog ka sa aking mga malalaking bulubundukin!", sigaw ko.
"Nge! Hahaha.", sabay sabay na sabi nila.
Bigla nalang naming napansin si Dappy na may kausap na lalaki sa tabi ng canteen.
"Mukhang magpapalit na naman si Dappy ng lalaki. Parang damit lang ang lalaki d'yan. Araw-araw pinapalitan!", sambit ni Boss Arden.
"Hay nako! Wala lang talaga akong choice kasi mag-iisa akong babae dito kaya naman isinama ko na 'yan sa grupo. Boplaks naman. Ganda ka lang girl!", sagot ko.
"Hayaan mo na Tepi, ganun ka din naman!" pang-aasar ni Charles.
"Papi!", sagot ko.
"Teka, Tepi! Diba 'yun yung. . . yung. . . yung. . . First kiss mo?", sambit ni Boss Arden.
"Uyyyyyyy!" sabay sabay na pang-aasar.
"Shut up guys! Wag nga kayong ganyan. Gwapo lang 'yan. Pero hindi 'yan pasok sa criteria. Mas gusto ko nang mabuhay kasama si Sir Atom, ang Atom Araullo ng buhay ko!"
"Huy, laki naman ng tanda nun sa'yo bebe. Baka ma-child abuse ka lang!", saka mukhang pinopormahan nun si Dappy!" sambit ni Charles.
"Che! Gagawa ako ng paraan para ma-blackmail 'yan si Dappy para mag-drop out na! Joke! Joke! Hahaha. Syempre kaibigan pa rin natin 'yan.
"Talaga lang Tepi, ha! Hindi mo talaga gusto 'yan si Rich Boy! Mukhang buhay ka na n'yan. Hihilata ka nalang!" sabi ni Boss Arden.
"Never! Never akong mahuhulog d'yan! Hinding hindi ko magugustuhan 'yan! Pasensyahan nalang! Promise! Peks man!"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?