Nagmadaling tumayo si Tepi sa kanyang kinauupuan at nagpaalam sa kanyang mga kaibigan dahil alam n'yang sobrang magagalit si Mrs. Waka waka kapag hindi s'ya dumating sa tamang oras.
"Ano ba naman kasi 'tong si Mrs. Waka waka, panigurado yung sasabihin nito pwede namang ipabanggit nalang sa estudyante. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang pakay n'ya at palagi nalang s'yang nagpapatawag ng meeting." sabi ni Tepi.
Pagdating n'ya sa dating tagpuan, sa laboratory room ay nakita na n'yang nakaupo si Carlo.
Parang may malakas na hangin na dumampi sa kanyang katawan. Hindi n'ya maintidihan ngunit may damdaming naghuhumiyaw na hindi n'ya maintindihan. Natigilan s'ya habang nakatitig mula sa bintana ng silid sa binatang tahimik na nakaupo sa loob at nakaharap sa telepono nito.
Parang tila inaakit siya nito at nakaramdam siya ng pagkasabik sa lalaki. Kakikita lamang nila kahapon ngunit parang natuwa nang labis ang kanyang puso na makita muli ang binata.
Nang may pamilyar na tunog siyang narinig mula sa di kalayuan, tunog ng mga takong na akala mo ay lupa ang nilalakaran. Tama! Si Mrs. Waka waka na ang kapal-kapal na naman ng lipstick at akala mo ay sinuntok sa mukha sa kapal ng blush on.
"Oh Miss Lokaday! Anong tinatayo-tayo mo dyan? May nakakahawa ka bang sakit at ayaw mong pumasok sa loob? Oh baka naman, patago kang sumisilip kay Mr. Amapulo dyan! Ikaw ha! Wag kang mag-alala girl! Magsasawa ka sa kanya sa mga susunod na araw." sabi ni Mrs. Waka waka na akala mo naman ay napakalayo ng kausap.
"Hehe. . Hindi naman po, Ma'am. Mainit po kasi sa loob kaya nasa labas po muna ako." sagot ni Tepi.
"Mainet?! May aircon sa loob. Ano 'yan. May problema ba sa balat mo?" tanong ni Mrs. Waka waka.
"Wala naman po, Ma'am. Kanina po kasi medyo mainit kaya po lumabas ako. . hehe!" sagot ni Tepi.
"Aysos! Dahilan! Tigilan ako! Halika na at mauubos masyado ang oras ko. Daan pa ako ng parlor mamaya at magpapakulay ako ng buhok. Orange! Hahahaha!" pabirong sabi ni Mrs. Waka waka.
Napangiwi nalang si Tepi sa tuwang tuwang si Mrs. Waka waka. Kunwari natuwa s'ya sa mga biro nito.
Pagpasok sa loob ng silid. . .
"Okay. Katulad ng dati ayoko nang sayangin ang oras ko dahil marami pang akong gagawin at mahal ang bayad sa pagod at pawis ko. Ginto kaya 'to!" sabi ni Mrs. Waka waka.
"Gusto ko lang sabihin na nalalapit na ang Science Fair. May napaghandaan na ba kayo?" tanong ni Mrs. Waka waka.
"Ah Ma'am, akala po namin mag-stay pa kami sa isang hotel for a week para maghanda?" tanong ni Tepi.
"Ah yon ba? Uhm?!! Ahh!! Okay! Kasi paso na pala yung card na ginamit ko para sa pagbo-book kaya naman ayon, sorry guys! Mukhang hindi na 'yun matutuloy. Pero good news diba? Kasi wala na kayong babayaran sa akin. Talino ko talaga!" pagpapaliwanag ni Mrs. Waka waka na bahagyang kinabahan.
"So Ma'am, you mean, there's no need for us to prepare anything?" tanong ni Carlo.
Napanguso nalang si Mrs. Waka waka.
"Hindi naman porke wala nang pa-hotel e wala na rin kayong gagawin. There are ways! Mag-isip kayo! Kaya nga kayong dalawa ang pinili ko diba?" sabi ni Mrs. Waka waka.
"Dito nalang po sa school? Pero Ma'am, sumasabay lang kasi ako sa mga kaibigan ko pauwi. Paano po ako?" tanong ni Tepi.
Natahimik ang lahat. Tila nag-aantayan na magbigay ng solusyon sa problema.
"We can practice at our house."
Natigilan si Tepi. Tila nawindang naman si Mrs. Waka waka. Himala na nanggaling 'to kay Carlo.
"Su-sure ka? Hindi ba hassle sa'yo 'yun?" tanong ni Tepi.
"Ayaw mo ba?" tanong ni Carlo.
"Hindi naman sa ganon. Nagulat lang din kasi ako na sa'yo nanggaling 'yan!" sagot ni Tepi na pahina ang boses.
"We can start tomorrow if you want. I'm free." dagdag ni Carlo.
Sa unang pagkakataon ay tumingin nang diretso si Carlo kay Tepi.
Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Hindi nakagalaw si Tepi. Hindi n'ya alam kung papaano n'ya dudugtungan ang kanilang pag-uusap. Tila natutunaw na s'ya sa mga tingin ni Carlo. Ngayon lang s'ya natameme nang ganito.
At dahil dakilang tagabasag ng moment si Mrs. Waka waka. .
"Okay! Okay! Itigil na 'yang mga pasundot na landian na 'yan. Basta make sure lang na one week before the pageant. Ready na kayo! Alam n'yo na ang mga gagawin, okay? Baka kagatin na ako ng langgam dito. Masayang ang kutis porselanang di nasisinagan ng araw. O s'ya sige na at baka di na naman ako umabot sa cut off ng promo ng parlor. Kaloka kayo! Bye na!" sabi ni Mrs. Waka waka na ilang na ilang sa dalawang kanina pang parang di natitinag na magtitigan.
Biglang natauhan muli sa Tepi at ibinaling sa ibang direksyon ang kanyang tingin.
Ang kanina lang na buhay na buhay ay parang natutunaw sa kanyang kinauupuan. Napahawak na lamang s'ya sa kanyang dibdib.
Bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa mapungay na mga mata ni Carlo.
Tumayo ang binata.
"See you tomorrow!"
Para pa ring estatwa na naiwan si Tepi sa kanyang kinauupuan.
Nung mga oras na 'yun ay may isang bagay lang na naging malinaw na kay Tepi na gumugulo sa kanya nang mga ilang linggo na rin.
"Huy, ano ba 'yan?!" pagtapik nito sa kanyang dibdib sa kaliwang bahagi, sa pusong bahagi.
"Bakit ka ganyan? Bakit? Wag ka namang ganyan! Bakit s'ya pa? Ayokoo naaa!" sabi ni Tepi sa kanyang sarili.
Naiwan s'yang nakatulala pa rin sa kinauupuan. Pilit n'yang iniisip kung ano ang problema kahit ang linaw-linaw naman na sinasabi ng kanyang puso.
Nagmamahal na ito.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?