Naging magandang karanasan para kina Tepi at Carlo ang nangyari. Dahil dito ay nagsimula na rin silang maging malapit sa isa't isa.
"Para naman tayong kriminal dito." bulong ni Tepi.
"What do you mean?" tanong ni Carlo.
"Tignan mo, nakasakay tayo dito tapos nakapaligid itong mga pulis. Pero infairness ha. May itsura yung dalawa sa dulo." Pagbibiro ni Tepi.
"Tss!"
"Anong tss! ka dyan! Ikaw talaga wala kang suporta sa akin. Bakit bawal ba?" tanong ni Tepi.
"Let's just be quiet." sabi ni Carlo.
"Kainis ka talaga! Hindi porke pinapansin na kita ngayon e gaganyan-ganyan ka na!" sabi ni Tepi.
Nagpatuloy lang ang asaran ng dalawa. Hindi nagpapatalo si Tepi.
"I said quiet!" napasigaw na lamang si Carlo.
Pinagtinginan s'ya ng mga nakapaligid na pulis sa kanilang sinasakyan.
"Oh sorry." sagot nito.
Sa gilid ay bumubungisngis si Tepi na tuwang tuwa sa kanyang nakita.
Isang oras din ang nakalipas bago narating ng mga ito ang tirahan ni Tepi.
"Miss, mukhang nag-aantay na yung mga parents mo sa baba. Oh pwede na rin bang parents natin?" sabi ng isang palabirong pulis.
Napangiwi nalang si Tepi sa kanyang narinig.
"Oho sir! Salamat ho sa inyong tulong. Bababa na ho ako! Mag-ingat ho kayo ha! Makakahanap din ho kayo ng babagay sa inyo!" at agad nitong binuksan ang pintuan at sumalubong ang kanyang mga magulang.
Mahihigpit na yakap ang kanyang natanggap. Napatingin nang malalim si Carlo at may kalungkutang naramdaman na hindi n'ya maintindihan.
Tila isang bagay na hindi n'ya mararanasan nang muli.
Ang mabuo ang kanyang pamilya.
Kinabukasan. . .
"Oy! Tepifania Lokaday! Anong nangyari sa 'yo? Ang tagal mong nawala!" sigaw ni Dappy.
"OA Girl! Tagal talaga e parang halos dalawang araw lang naman." sagot ni Tepi.
"Naks! Balita ko kasama mo yung si rich kid ah!" dagdag ni Charles.
"Ah so ito pala ang matatanggap ko sa pagbabalik ko. Gigisahin n'yo ako mga hinayupak kayo!" sabi ni Tepi.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Kino na parang inaantok pa.
"Buti pa 'tong si Baby Kino. Marunong makiramdam kayo talaga!" dagdag ni Tepi.
"Ah, I mean okay ka lang bang kasama mo nang dalawang araw si Rich Kid? Nasaktan ka ba? Ano may nangyari ba sa inyo? Kayo na ba? Alam na ba ng mga magulang niya? Oh baka naman buntis ka na? Tapos magkakaroon ng fixed marriage kasi di pumayag ang nanay mo na walang kasal bago lumobo ang tiyan mo!"
At natulala na lang ang lahat. Di nila inaasahan na manggagaling ito kay Kino.
"Ah. . hehe. .Kabarkada ka nga talaga namin." sagot ni Tepi.
"Pero realtak Tepi, anong nangyari? Balita namin napadpad daw kayo sa lugar ng mga Aeta ah!" tanong ni Arden.
"Ay grabe kaloka! Ganoon ba kabilis kumalat ang balita?" sabi ni Tepi.
"Oo, pinagchichismisan ng mga nanay namin kahapon kasi nga tinawagan daw sila ng nanay mo tapos ayun pagkakita sa'yo tumawag ulit at sinabi na ligtas na kayo." paliwanag ni Arden.
"Okay! Sige. Oo na. Pwede bang saka na lang ako magkukwento wala ako sa mood ngayon. Inaantok pa nga ako. Yan kasing si Carlo hindi man lang ako inalalayan sa pagtulog kahapon sa sasakyan pabalik sa amin. Hinayaan akong parang aso na pabalik-balik ang ulo ko habang tumutulo na ata ang laway ko." kwento ni Tepi.
"Ah so, wag na pala nating pag-usapan?" tanong ni Charles.
"Ah . . oo nga pala. . hehe. . sorry okay na. Kumain nalang tayo. Bebe Charles, libre mo ako! Please! Namimiss ko na ang pagiging galante mo!" pagmamakaawa ni Tepi.
"Ayon so lumabas din ang katotohanan. Eto na naman ang pananamantala 101." pagsabat ni Arden.
"Ay! Ikaw ba talaga 'yan Boss Arden? Baka nilalagnat ka? Teka nagpatingin ka na ba sa espiritista? Baka kailangan mong magpatawas?" pagbibiro ni Dappy.
"Shut up, Dappy! Wag mo'kong idamay sa pagiging bitter mo. Di ko kasalanan kung may kasama nang iba kaagad yung ex mo na kakahiwalay lang sa'yo!"
"Boooomm!" sabay sabay na sabi ng magkakagrupo.
At nagtawanan na lang ang mga ito. Kahit na madalas nag-aasaran ay hindi pa rin mawawala sa kanila ang pag-unawa sa pagkakaiba-iba ng bawat isa kaya kahit kailan ay hindi nabuwag ang grupo.
Umaga, alas diyes, halos lahat ng estudyante ay nasa canteen.
"Uhm. Excuse me! May I know kung kilala n'yo ba si Miss Tepifania Lokaday?" tanong ng isang estudyante na bigla na namang sumulpot sa eksena.
"It's me! Bakit? May naghahanap na naman ba sa ganda ko? Hindi talaga kayo mabubuhay na wala ako. Paano nalang pag nawala na ako? Ano na ang mangyayari sa eskwelahang ito?" sagot ni Tepi.
"Ah. . hehe. Hindi naman. Nautusan lang ako. Pinapatawag ka ni Mrs. Waka-waka."
"Oo nga pala!"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?