Kahit na halos hindi pa rin komportable si Tepi sa kanyang mga nakikita ay unti-unti nang nawawala ang kanyang mga takot. Dahan-dahan nang binabago ng mga taong nakapaligid sa kanya ang imahe na nasa isip n'ya noong una.
Ang kaisa-isang bagay na hindi n'ya matiis ay ang init at ang kanina pang kumakapit na mga lamok sa kanya.
"Mama! Ayoko na! (Tapik sa kanina pang pabalik-balik na lamok na hindi s'ya tinitigilan)"
"Dito lang ako sa lilim. Sayang ang Kojie Xian kung mabibilad lang ako sa initan." dagdag nito.
Pinagtatawanan na lang s'ya ng mga bata habang parang balugang hinahabol n'ya ang mga lamok na pilit na kumakagat sa kanya.
"Iha! Tama na 'yan. Baka kaya ka hinahabol ng mga lamok ay dahil hindi ka pa naliligo!" sambit ng isang matanda.
At dun na n'ya isa-isang inamoy ang kanyang kili-kili.
"Saan po ba pwedeng maligo?" tanong nito.
"Halika at sasamahan ka namin. Iho! Sumama ka na rin!" sabi ng matanda.
Naglakad ang mga ito kasama ang ilang mga batang may dalang mga kahoy na mahahaba.
Tirik pa rin ang araw kaya naman lahat na ng paraan para hindi matamaan ng araw ay ginawa ni Tepi. Samantalang ang halos lumiliwanag sa sikat ng araw na si Carlo ay hindi kakikitaan ng anumang pag-iwas dito.
Mga ilang kilometro rin ang kanilang nilakad. Maraming mga damuhang dinaanan. Mga palayang nagpamangha rin naman sa kanila na lumaki sa syudad.
"Taray naman pala dito! Sayang wala yung cellphone ko di man lang makapag-selfie!" sabi ni Tepi.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang isang daan pababa na puno ng mga naglalakihang mga bato. Kailangan nilang bumaba roon upang marating ang kanilang paroroonan.
Nauna ang mga kabataan na sanay na sanay at naglulundag pa pababa. Samantalang si Tepi ay nanginginig ang katawan.
Napansin ito ni Clark. Ang matandang kasama naman nila ay paulit-ulit na sinasabing sumunod na si Tepi.
Sa sobrang kaba ay napapikit na lamang si Tepi at hindi pa rin gumagalaw ang kanyang katawan.
Dito na hinawakan ni Carlo ang kanyang kanang kamay at inalalayan si Tepi pababa. Hindi na nakapagsalita pa si Tepi.
Inalalayan siyang mabuti ni Carlo pababa. Nakaramdam s'ya ng kakaibang damdamin. Hindi n'ya maintindihan ngunit parang naliligayahan s'ya sa kanilang ginagawa.
At dahil likas na maarte si Tepi. Lumabas pa rin ang mga nakaririnding mga pananalita nito.
"Uhm! Dahan-dahan! Ouch! Erey! Wait-wait!"
Ngunit kahit na ganoon ay hindi na nawala ang tingin nito sa binata.
Pagkababa ay agad ring natanaw ng mga ito ang isang napakagandang ilog. Tila isang paraiso.
Walang mga kabahayan kaya napakalinis at tila tinatawag na silang isa-isang lumusong dito.
Pero bigla na namang bumalik sa alaala ni Tepi ang mga napanood na pelikula.
"Wait. Diba ito yung eksena na pinaliguan muna sila tapos ipinakain sa piranha?" pabulong na sabi nito.
Kahit na mahina ang pagkakasabi ay narinig pa rin ito ni Carlo.
"What? Piranha? Seryoso ka ba? E ang ang babaw nga lang n'yan! Halika na!"
Hinila muli ni Carlo ang gulat na gulat pa ring si Tepi. Pagdampi ng tubig sa kanyang binti ay biglang nakalma si Tepi. Para s'yang inaakit ng tubig. Dumagdag pa ang lalong gumagwapo sa kanyang paningin na si Carlo.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?