Chapter 19 - THE SAD THING ABOUT DESTINY

1 0 0
                                    

 TEPI POV

Lunes na naman. And of course, late na naman ako dahil punuan na naman ang sakayan ng jeep. Maswerte pa rin naman ako dahil hindi ko pa naman naranasan na bumitin sa jeep. Hindi ko maimagine.

"Tepi! Anong nangyari sa'yo?"

"Bebe, kamusta ka? Nasaktan ka ba?"

"Uy, friend, kamusta? Tawag nang tawag ang nanay mo sa'min nung isang araw, nawawala ka daw? Saan ka galing? Halos mag-report na kami sa police, buti nalang at nakabalik ka din kinabukasan".

Mga tanong ng mga kaibigan ko na halatang nag-alala talaga sa'kin.

"Na-holdap ako!" sagot ko.

Sabay-sabay "What?!"

"Okay na ako guys, ayoko na magkwento about dun kasi gusto ko nalang kalimutan."

"Okay, pero holdap? Bakit nawala ka?" tanong ni Charles.

"May nagligtas sa akin!"

Sabay-sabay "Sino?!"

"Siya!"

Saktong lumalakad papasok ng canteen si Carlo. Parang kumikislap s'ya sa kagwapuhan, nag-iba nang sobra ang itsura n'ya at hindi na s'ya mukhang mahiyain.

Nagtakbuhan ang mga babae papalapit sa kanya. Lapitin naman na s'ya ng mga babae noon pa man pero grabe ngayon. Naghihiyawan ang mga makakati.

"Carlo! Carlo! Carlo!"

Ay! Mga botante ba kayo? Kaloka ang mga bruhang 'to na akala mo ay makakakuha ng ayuda kapag bumoto.

"Sino 'yan?" tanong ni Charles.

"Si Carlo!" sagot ko.

"Carlo? Sinong Carlo?" tanong ni Charles.

Sabay-sabay, "Ano?! Si Carlo?"

"Ay kaloka! Choir ba kayo? Kailangan talaga sabay sabay kayo?" sagot ko.

"Yung classmate natin na nagtratrabaho dun sa café, teka parang nung Biyernes lang 'yun ah!" sagot ni Boss Arden.

"Oo nga, saka teka, mukha na s'yang artista. Ang gwapoo! Teka, guys parang may gagawin yata ako." sagot ni Dappy.

At hindi rin nakapagpigil si Dappy at pumunta sa mga nagkakagulong babae.

"Patay na! Nabaliw na rin ata si Dappy" sabi ko.

"Teka, Tepi. Ibig mong sabihin s'ya ang nagligtas sa'yo? So nung niligtas ka n'ya bigla s'yang naging ganyan? Ay wait, makapagligtas nga din, baka bukas kamukha ko na si James Reid." sagot ni Boss Arden.

"Baliw! Oo, alam n'yo nagising na lang ako sa bahay nila kinabukasan, grabe ang yaman pala n'yan" sagot ko.

"Oh e bakit nasa café at nagmumukhang api at kawawa dun?" tanong ni Charles.

"Yan nga din ang tanong ko sa kanya nun kaso ang sagot n'ya "Its none of your business." sagot ko.

"E anong nangyari nung pagkagising mo kinabukasan? Magkatabi kayo? Ikaw, Tepi ha, masyado kang marupok, feeling ko kunwari ka lan,  nagtulog-tulugan ka lang!" sabi ni Charles.

"Gago! Ganito kasi 'yan. . . ."

At kinuwento ko na nga ang nangyari.

Sa hapon halos ang lahat ng klase namin kapag Lunes kaya naman tumatambay ang lahat sa Canteen habang nag-aantay.

Pagbalik sa classroom ay usap-usapan pa rin si Carlo na nung mga oras na 'yun ay prenteng nakaupo lang sa gilid.

Ibang-iba na s'ya ngayon. Noon, oo, napapansin ko na s'ya kasi gwapo talaga s'ya. Pero ngayon parang hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya. Pero isa lang ang nanatili, ang inis ko sa kanya. 

MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon