Inabot na ng umaga ang dalawa.
Nagmulat ng mata si Tepi. Sumilay sa kanya ang liwanag ng araw. Nang maramdaman na lang ang pagkakayakap n'ya kay Carlo at natauhan siya.
Mahigpit ang pagkakayakap n'ya kay Carlo na noo'y tulog na tulog pa rin na parang isang anghel.
Kahit na gulat na gulat ay dahan-dahan n'yang hinigit ang kanyang mga braso.
"Hayyy! Sa wakas" at nakahinga na s'ya nang malalim.
Pinagmasdan na lang n'ya ang mahimbing na mahimbing na natutulog na si Carlo.
"Infairness talaga. Ganyan ka pala kagwapo. Grabe, para kang anghel. Para kang kumikislap."
Mula sa pagkakatitig ay umayos na s'ya nang pagkakaupo. Nang maramdaman niya na parang lumuwag ang suot n'yang damit.
Kanyang kinapa ang unipormeng suot at napansin n'ya na tanggal ang tatlong butones pati na ang pagkakakabit ng kanyang palda.
Tila isang babaeng pinagsamantahalahan.
Nanlaki ang mga mata ni Tepi at tulad ng inaasahan,
"Ahhhhhhh! Rappeeeee!"
At narinig na naman ni Carlo ang mga salitang 'yun na unang mga salitang narinig n'ya mula kay Tepi.
"Tulong! Rappeee!"
Mula sa masarap na pagkakatulog ay nagising si Carlo.
"What?!"
At muli na naman nitong tinakpan ang bibig ni Tepi na mukhang wala na namang katapusan.
"Hmm! Hmm!" Bihshtandnwan mo askdo!
Wala paring makatatalo sa ngiping ibinigay nang Diyos.
At buong lakas na kinagat ni Tepi ang kamay ni Carlo na parang nakabusal sa kanyang bibig.
Pagkatapos kumawala ay agad nitong binuksan ang pinto at tumakbo.
"Tulungan n'yo ako! May tao ba dito?!!"
Tumakbo lang ito nang dire-diretso na kung saan saan nalang nagsuot. Walang malinaw na patutunguhan.
Ang nag-aalala rin namang si Carlo ay agad na sumunod at matulin ring tumakbo.
"Hey! Where are you?! It's dangerous out there!" sigaw nito.
"WALAA AKONGG PAKEEE!" malakas na sigaw ni Tepi.
Magubat na ang paligid. Hindi ganoon kapamilyar si Carlo sa mga daan patungo sa terminal ng sasakyan na binabaan ni Tepi noon. Kaya pala parang may mali sa kanilang dinaanan kahapon na hindi naman n'ya napansin dahil kay Tepi.
Heto sila ngayon. Naligaw.
"Hey! Stop!" sigaw nito.
At wala na s'yang narinig na tinig na sumagot. Dun na s'ya nagsimulang mabahala. Bigla s'yang natigilan. Baka ito na ang pagkakataon n'ya na makabawi sa ginawa sa kanya ni Tepi. Ang iwan ito na mawala sa magubat na lugar.
Pero kahit na anong gawin talaga ni Carlo ay hindi maalis sa kanyang konsensya ang mag-alala kaya nagpatuloy s'ya sa pagsunod kay Tepi.
Nakatulong ang pagkakahawi ng mga damo bilang palatandaan na doon dumaan si Tepi.
Nagpatuloy lang s'ya sa pagtakbo na parang wala nang katapusan.
"Hey! Where are you? Answer me! Delikado na dito." sigaw ni Carlo.
Wala pa ring sumasagot at nagpatuloy na lamang s'ya sa pagtakbo.
Hanggang sa may narinig na lang s'yang sumisigaw.
"Ahhhhhh!"
Si Tepi. Pamilyar na boses na kanyang sinundan kaagad. Parang isang tigreng nakahanap ng pagkain na sobrang bilis ng pagtakbo.
Hanggang. .
Makita n'ya si Tepi na nakatalikod at nakatayo sa malayo. Kumunot ang noo nito dahil tila wala namang nangyari dito.
Mula sa pagkakatitig sa dalaga ay napansin n'ya ang mga kabahayan. Marami ng tao at lahat ay nakatingin kay Tepi na sumigaw sa hindi na naman maintindihan na dahilan.
Ang kutis ng mga ito ay tila sinaunang Pilipino. Kulot ang mga buhok at ang ilan ay nakasuot ng bahag.
Tahimik at malinis ang lugar. Para silang napunta sa isang kakaibang komunidad.
Isang komunidad ng kapayapaan.
"Mga Aeta?"
Nasambit nalang ni Carlo sa kanyang sarili. Pero labis pa rin ang kanyang pagtataka dahil wala namang nakakatakot sa kung ano man ang nasa kanyang harapan.
At agad itong lumapit kay Tepi.
"Uhm, Are you okay? Bakit ka ba kasi sumigaw?" tanong ni Carlo.
Hindi gumagalaw si Tepi.
"Ah. . ah. . ah may. . may ahas!!" at tumuro ang mga daliri nito sa isang ahas tulog na hindi naman masyado gumagalaw at papalayo na rin sa kinatatayuan nila.
Napangiti nalang si Carlo.
"Ahas? Sige kunin ko!"
"Oo, please! Hindi na ako makahinga!"
At kunwaring kinuha ni Carlo ang ahas habang ipinikit na lang ni Tepi ang mata at hindi pa rin makagalaw.
"Got it!"
"Okay, Ilayo mo na please!"
Isang pagkakataon na ito para makabawi si Carlo.
"Eto na! Ang laki! Opps! It escaped!
At mula sa kanina pang hindi gumagalaw ay napaupo si Tepi at tinakpan ng mga kamay ang ulo na akala mo ay may earthquake drill.
Dahan-dahang lumapit si Carlo.
"Boomm!"
Ang gulat na gulat na si Tepi ay napaupo na lang sa damuhan.
"Nasaan na? Yung ahas?"
"You're over-reacting! Wala na! Kanina pa before I came near you!"
"So anong sinasabi mong nakuha mo yung ahas?"
At napangiti nalang si Carlo.
"Ahh ganon! Niloloko mo lang pala ako kanina pa! Eto bagay sa'yo!"
At nagbadya si Tepi na sasaktan nito si Carlo nang bigla nitong pinigilan ang mga kamay nito.
"Wait! It's not the right time to fight! The question is , Where are we now?" tanong ni Carlo.
At mula sa gigil na gigil na pagkakahawak nito sa braso ni Carlo ay natigilan si Tepi. At napalingon sa mga kabahayan sa kanyang likuran.
"Oo nga. . Nasaan na naman ako?"
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?