Maingay na ang paligid at halos nagkukundumahog na ang mga tao.
Kalat na rin sa paligd ang iba't ibang booth na pinaghandaan ng mga estudyante para sa nasabing Science Fair.
Marami ring mga stall kung saan pwede kang bumili ng pagkain at mga pagtatanghal na maya't maya ay masisilayan sa bawat sulok ng paaralan.
Isa sa mga pinakamasayang araw ng mga estudyante.
Ito ang mga araw na malaya sila sa sermon at biglaang pa-quiz ng mga teacher nila.
Panahon rin para patagong maglampungan ang mga magkasintahan na hindi ata naintindihan kung para saan ang selebrasyon na iyon.
Sa kabilang banda, maaga na namang gumising si Tepi than the usual. Halos hindi rin siya nakatulog kinagabihan hindi dahil kinakabahan s'ya sa mangyayari sa araw na ito kundi dahil hindi maalis sa kanyang isip ang mga nakita n'ya noong isang araw.
"Sana mali ako. Hindi naman siguro."
Samantala, si Carlo naman ay maraming nakapaligid na naghahanda rin para sa kanyang sasabakang kumpetisyon. Hindi n'ya ito hiningi pero kusang lumapit. Ngunit kataka-kataka na parang wala ito sa pokus at maya't maya na binibisita ang kanyang telepono at may kausap.
Maririnig na ang mga hiyawan ng mga estudyante sa labas sa mga aktibidad na kailangan nilang gawin. Napakasaya. Pati mga gurong mula binuksan ang school year na nakasibangot ay makikitang nakangiti at nakikipag-bonding sa mga estudyanteng halos isumpa sila sa isip.
1pm.
Isang oras na lang at magsisimula na ang pinakahihintay ng lahat.
Ang "Mr. and Ms. Science Fair" kung saan lalahukan ng lahat ng mga napiling mag-aaral mula sa iba't ibang kurso o disiplina.
Makikita na si Tepi na handang handa na sa patimpalak at nag-aantay na lamang na tawagin sila.
"Eto na 'to, Tepi! Wag kang kabahan, maganda ka! Ikaw ang pinakamaganda dito at ewan ko nalang kung hindi pa ikaw ang ipapanalo ng mga judges. Pero nasaan na ba yung lalaking 'yon? Magsisimula na." pagkausap nito sa kanyang sarili.
1:50pm
Nakaupo na ang lahat ng mga estudyante sa bulwagan at makikita ang kanilang pagkasabik na makita ang kanilang mga kamag-aral.
Wala pa rin si Carlo.
Pabalik-balik na si Mrs. Waka waka na kahit bawal ang adviser sa backstage ay pumupuslit pa rin para tignan ang kanyang mga pambato.
"Students! Are you ready!"
At maririnig ang malakas na pagsigaw ng mga estudyante at nagsimula nang isigaw ang kanilang mga kurso.
Hindi maka-pokus si Tepi dahil wala pa rin si Carlo.
"Paano na? Nag-back out na ba s'ya?" tanong nito sa kanyang sarili.
"Please welcome, the female candidates for the Ms. Science Fair!"
At isa-isa na ngang lumabas ang mga kandidata suot ang kanilang mga uniporme para magpakilala.
Naging maayos naman ito at naitawid ni Tepi kahit na alalang-alala s'ya kay Carlo.
"I know the girls are excited. Wag na nating patagalin pa. Here are the male candidates."
Nawawalan na s'ya ng pag-asa at mukhang iniwan na s'ya sa ere ng binata.
Nang,
Muli n'yang itinunghay ang kanyang ulo nang may mapansin s'ya na tila kagaya ng kanilang uniporme.
BINABASA MO ANG
MY INTENSE BEAUTY (COMPLETED)
RomanceGanda ka? Ang isang katanungang ang hirap sagutin. Si Tepi, isang high school fresh grad na binuhusan ng sangdamakmak na confidence ay naniniwala na angat ang kanyang ganda kumpara sa iba. Magising kaya s'ya sa katotohanan?