CHAPTER 28: Mysterious Owners!!

13 1 0
                                    

Hellia POV :

Nakauwi na kame galing amusement park.. Pero sobrang nagtataka ako dahil buong biyahe wala ni isang nagsalita saamen.. Hindi kaya umamin den sina Julian kila ayesha.. The f*ck ibig sabihin pinagplanuhan pala yun..

Umakyat na ako at hindi sila pinansin
Naramdaman ko namang sumusunod saaken si nico, kaya mas lalo kong binilisan ang lakad. Pagdating sa pinto ay agad ko itong binuksan a pumasok nako at sinara ang pinto. Nahiga agad ako, tinatamad akong magligo ulit, nakakapagod.... Nakarinig nalang ako ng pagbukas at pagsara ng pinto at bahagya pang lumalim ang kabilang gilid ng kama..

"ahh, hell may tatanong lang sana ako.. " deretsong sabi nito saaken kaya napabangon ako at tinignan ito na nakaupo sa dulo ng kama habang pinagmamasdan ako agad akong umiwas ng tingin dito... F*ck
"nag enjoy ka ba kanina?!" tanong nito saaken kaya napatango nalang ako, nakita ko naman kung paano gumuhit sa bibig niya ang salitang 'yes' at ang pagtaas at baba ng kamay niya.. What the----

"anong ba yang ginagawa mo?!" iritang tanong ko dito.. Pero umiling lang ito at bumalik sa seryosong mukha...

"hell, may bibigay ako sayo" pagkasabing pagkasabi niya non ay inilabas niya ang box na kulay red na maliit.. Pagbukas nito bumungad saaken ang singsing na maliit at malaki obvious naman na sa babae ang maliit at sa lalaki ang malaki meron nakaukit sa panglalaki na '143h' sa pangbabae naman ay '143n',
Taka ko itong tinignan at tinanong na...

"what are this for?!" takang tanong ko..

"ahh just a gift" simpleng sagot nito.
At tinignan lang ako.. Kinuha ko nalang iyon para hindi na ito humaba nakita ko namang sinuot niya ang sakanya kaya sinuot ko naren ang akin pero hindi ko pa ito nasusuot ay may humawak na sa kamay ko at kinuha ang sing sing, sinuot niya ito saakin habang hawak hawak ang kamay ko. Binitiwan niya na iyon ng maisuot niya. Tinignan ko lang ito ng bored-look at nagtanong ng...

"anong ibig sabihin ng 143?!"takang tanong ko dito, gulat naman ako nitong tinignan pero mamaya ay naglabas ito ng isang malalim na buntong hininga na para bang mas mabuti pang hindi ko alam yun.. What the----..
I mean alam ko naman ang meaning ng h tsaka n, hindi naman ako ganun ka tanga para hindi malaman na 'hell' at 'nico' yun... Tsk

"hindi mo ba talaga alam?!" manghang tanong nito.. Tinignan ko lang ito ng seryoso kaya napatango nalang ito..kaya bumalik nako sa pagkakahiga "malalaman mo lang yun kapag minahal mo na ako" agad akong napatayo ng marinig ko bumulong ito, masayado itong mahina kaya hindi ko ito masiyadong narinig gulat akong tinignan nito..

"may sinasabi kaba?!" tanong ko rito habang tinataasan siya ng kilay, umiling lang ito at humiga na..

"you'll know the meaning, if you feel it" makahulugang sabi nito kaya tinignan ko ito ng pagtataka..

"what do you mean?!" iritang tanong ko rito dahil masiyado niya ng pinapahaba...haisttt
Nagkibit balikat lang ito at blanko akong tinignan. Padabog akong humiga..

Ayesha POV:

Nandito na kame sa dining at piling ko sobrang akward ngayon like duhhhh, lahat pala ng boys umamin saamin kahapon kaya ito sobrang tahimik pero sa kabila ng lahat ng yun kitang kita ko naman ang malaking ngiti ni jane at kevin sa isa't isa.. Lahh nakain ng mga toh. Parang may hindi kame alam ahhh..

"anong nginingiti ngiti niyo diyan?!" iritang tanong chloe sa dalawa.. Kaya nga eh hindi ba nila nafefeel na lahat kame dito tahimik.. Inaantok pa nga ako eh dahil halos 3 am nako nakatulog dahil sa mga pinagreresearch ko..

Pinagresearch kase ulit ako ni hell, pero hindi lang research ang ginawa ko syempre nanghack den, hinack ko ang website ng school para malaman ang sino ang may ari ng school?! Guess what?! Name lang nakita ko at mukhang nickname lang hindi ko nga rin alam kung may pamilya ba ito o wala at ang kaisang isang impormasiyon lang na nahagilap ko ay sila ang no.1 sa business world, kumbaga sila ang pinakamayaman sa buong mundo...

My Two Worlds(GANGSTER WORLD :S1) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon