Chapter 5

57 1 0
                                    

"Shut up! Wag ako. Mag-hotel ka, motel or pension house. Basta hindi pwede." "Nawalan ako ng pera. Please. Just for a week."


"A WEEK!!!!!!" Sa sobrang gulat ko, muntik nang magising si Sophia. "Please. Please. Please. I am begging. My life is in trouble and I have to fix it alone." Talagang nagmamakaawa siya sakin na parang nag-aamen pa ang mga kamay niya.


"No. Hindi kita kilala. Ngayon pa lang kita nakita. Kaya wala akong tiwala sa mga taong katulad mo." "I am kind. Di ako nangangagat or magnanakaw. I am not a killer. Believe me."


In-unlock ko ang compartment ko. "Baba." Sobrang nabadtrip nako sakanya. Punong-puno nako. Di ko na lang siya tinignan at nagmatigas nako. "Sir. I promise na hindi ako magiging pabigat sayo. I'll do the chores if you want ------" "BABAAA!!!" Sinigawan ko na siya na talagang nagulat at ikinatakot niya. Mukhang mahimbing ang tulog ng anak ko kaya di na siya nagising sa sigaw ko. Di ko na dapat siyang tignan. Pero sa peripheral vision ko, may tumulo nang luha sa kanya. "Thank you." Kalmado na lang siyang bumaba matapos sabihin niya yun na parang namamaos na.


Sinilip ko sa front mirror ko, mula sa mga ilaw ng mga sasakyan, nakikita ko kung anong ginagawa niya. Kinuha niya ang isang malaking maleta sa compartment at sinara. Nahirapan pa siyang suotin ang bag pack dahil sa arm sling niya. Naglalakad na siya na papilay-pilay habang bitbit ang malaking bag pack at maleta. At dahil may mga bitbit siya ay parang nagkanda-kuba na siya sa kakalakad at pilay pa.


Hindi! Wag kang maawa. Mag-drive na lang tayo. Ni-restart ko ang engine at umalis.Papalayo na ko sa kanya ay huling beses na kong sumilip sa kanya. Shit! Nakakaawa talaga siyang tignan. Helpless kumbaga. Yung tipong pinipilit niyang tumakbo pero ang bibigat ng mga dala niya.


Okay. Tama na. Focus sa pagdadrive. Kung ano man yun na tinatakbuhan niya, deserve niya yun kasi meron siyang kasalanan. So bakit ko siya patutuluyin sa bahay? Baka madamay pa ko sa kasalanan niya. Malay mong mamamatay tao pala siya.


Pero kung ano man ang hirap niya sa pagtakbo, dahil yun sa kapabayaan mo sa anak mo. (KONSENSYA??!) Oo, ako nga. Paano mo nagawang husgahan ang taong di mo pa lubos na kilala. (INIISIP KO LANG KALIGTASAN NG ANAK KO.) Talaga? Sana inisip mo yan bago mo nabitawan ang anak mo sa maraming tao. Iba tuloy ang nasagasaan at sumalo sa anak mo. (SCAM NILA YUN. PARA MAKAHINGI NG KAPALIT.) Oh? Diba umalis na siya nung nakita mo na ang anak mo sa Customer Care. Ikaw lang tong humabol sa kanya at nag-insist ng kapalit. Paano kung siya ang mabiktima sa daan. Wala siyang kalaban-laban dahil mahina pa siya. Nagsimula yun sa kapabayaan mo sa anak mo.


FUCK THAT! OO NA!!!!! BABALIKAN KO NA!!!!


(Chapter 6-10 will be published next week, Aug. 2, 2020.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now