Chapter 9 - A

36 2 0
                                    

"Sophia, Tito is here."


Gusto sana niyang surpresahin si Sophia, kaso mas nagulat siya. May tao sa katabi ni Sophia. Tinignan lang ni Sophia si Carl.


"Sophia, kiss your tito Carl." Sinabihan ko na si Sophia. Sumunod naman siya.


"Carl, si Liam pala. Bago kong housemate sa bahay. Dito muna siya ng isang linggo."


"Di ko alam na naghahanap ka ng housemate. If that so, sana ako na lang ang nag-occupy. Diba?" Imbes na ngitian si Liam, nangasim pa yung mukha niya at nakatingin pa sakin.


"Hi Liam, ako si Carl, boyfriend niya." Sabay turo sakin. Shit! Bigla akong nahiya.


Malamang, nagulat si Liam. Tinignan ko siya. WOW!!! hindi siya nabigla.


"I believe you are hungry, aren't you? I'll prepare the food." Nagmukha siyang professional sa sinabi niya. Tatayo na sana si Liam with all his effort kaso nag-insist si Carl.


"Nope, ok lang. May dala akong pagkain. Baked Macaroni, I know you are hungry. Am I right, Babe?" Sarcastic, yun lang ang masasabi ko.


"Babe, busog na kami."


"Ako na ang bahala sa mga pinggan. Go ahead, Sir. I guess both of you need to catch up." Tatayo na sana si Liam kaso pinigilan ko na siya.


"Ako na lang. Napagod ka kagabi."


"Wait! Last night?"Biglang sumabat si Carl. "Anong ginawa niyo?"


"Basta. Marami." Biglang cold ko.


"I guess, pwede ko rin namang malaman." Ayan na naman siya, nangungulit. Nakakairita ang mga ganyan.


"Ahm. Naglinis kasi ako ng bahay."


"Bakit sa gabi?"


"I guess di mo na kailangan alamin." Magsasalita sana si Liam nang inunahan ko na siya.


"Maghuhugas lang ako."


Pumunta na ko sa kusina at naghugas, sumunod naman si Carl.


"Sino siya?" Parang praning kung magsalita pero pabulong.


"Si Liam." Patuloy lang ako sa paghuhugas.


"Saan mo siya nakilala? Bakit andito siya sa bahay mo?"


"Sa mall, kahapon. Siya ang nakahanap at nagligtas kay Sophia."


"And so, bakit andito siya?"


"Nagkaroon lang ng problema sa bahay nila. Di siya makauwi."


"Bakit sayo? Wala ba siyang kamag-anak o kaibigan?"


"Basta yun pa lang ang alam ko."


"Bakit ka nagpapasok ng taong di mo kilala? Paano kung kriminal pala siya, or worse killer pala siya?"


"Eto na yung sukli ko sa kabaitang pinakita niya samin kahit di pa kami kilala. Niligtas niya ang anak ko sa panahong wala ako. Ngayon kung masama siyang tao, edi masama siya. Ayoko lang magkaroon ng utang na loob." Medyo napipikon na ko sa kanya kaya nataasan ko ng boses. Ayoko kasi ng sobrang matanong, yung tipong kelangan detalyado.


"And you expect me to believe that? Alright, we're done." Nakatingin pa siya sakin na parang may hinihintay na sagot. "So this is it? Hindi mo ko pipigilan? Hindi ka hihingi ng tawad?"


"Ahm." Nag-isip pa ko. "Dapat ba?" Iniwan niya ko na may kasamang malakas na hinga. Nagpaalam na siya kay Sophia at umalis na siya. Umalis siyang inis. (To be continued)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now