Chapter 22

25 2 0
                                    

Nasa sinehan kami ni Vince, di ko alam kung bakit pero hindi ko naaappreciate ang movie, Avengers End Game. Sinusubaybayan ko naman ito. Pero di ko ma-sink in sa utak ko ang nangyayari.


Nagbanyo ako saglit, pagka-ihi ko, tinawagan ko si Jekjek.


"Jekjek, kamusta na kayo? Ano nang ginagawa niyo?"


"Huwag mo kaming alalahanin, masaya kami rito sa Cyberzone, naglalaro siya." sabi ni Jekjek.


"Pakausap ako sa kanya." Di ko alam pero parang wala akong tiwala kay Jekjek, kaso...


"Maingay na rito, Makmak. Di ko maintindihan." Bigla pang naputol ang linya.


Tinatawagan ko ulit siya, kaso hindi na siya sumasagot. Hindi ko naman macontact si Liam, eh paano? Hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang phone number niya. Hindi ko naman kasi hinihingi. Pero parang ngayon, kailangan ko na.


Bigla akong tinawagan ni Vince sa cellphone, "Don't miss the middle. Tara."


Bumalik nako sa kinauupuan ko. Parang wala lang nangyari, pero nag-iisip na ko kung ano na ang nangyayari sa kanya.


"Ang ganda ng movie, noh?"


"Ha?" Nagulat na lang ako na parang ang katabi ko pala ay si Liam, nakatingin na siya sakin....sa mata. Parang nagslow motion ang paligid. Parang sumaya na ko, naging kontento, kampante. Kaso bumalik na sa dati ang lahat, isang reyalidad, bigla ko na lang nakita si Vincent.


Nakisapmata pala ako. Sobrang kakaisip siguro kay Liam. Sobrang pag-aalala ko lang pala.


At doon, dinedma ko muna ang pag-iisip, Let's focus.


Natapos na namin ang panonood naming sine at kinontact ko na si Jekjek, umuwi na raw sila. Ni hindi na nila ako hinintay. Magaling rin.


"May gusto akong puntahan, sama ka?"

(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now