Chapter 15-A

28 2 0
                                    

"Ayos ka lang?" Maaraw at pinagpapawisan nako pero nanlalamig ako. Di pa ko makausap ng matino. May sinasabi ata si Liam pero hindi ko narinig.


"May sinasabi ka?"


"Malapit na raw tayo sabi ni Jekjek."


Grabe! May naitulong ang sinabi niya. Hindi naman ako pinakaba ng matindi.


Malapit na nga kami, Habang naglalakad na kami, may mga tao roon na nasa labas na nakatingin samin. Nakakailang tuloy tignan, nakikita ko na ang bahay namin, sa labas nagwawalis si mama, pero nang makita niya nako, parang hindi pa siya makapaniwala sa nakita niya. Nilapitan niya ko, paluha na siya, "Makmak. Ikaw na ba yan?" Napapaluha na rin ako sa paano ako tignan ni ma, ngayon ko lang narealize na sobrang namiss ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Linda, nasaan ang sala----" Napahinto lang ang kakalabas ng bahay na si tatay nang mapatingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan, wala akong makitang emosyon sa kanya. Nilapitan niya rin kami na parang susugurin. Napahinto na lang siya sa harap ko. Di ko alam ang sasabihin ko, hindi ko rin kung anong gagawin ko. Ni hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.


Sobrang lakas ng tibok ng puso ko...maya maya ay niyakap niya rin ako. "Kamusta, anak?" at humagulgol ako sa pag-iyak. Ang dating mabigat sa dibdib ko ay talaga namang nagpagaan na sakin ngayon.

(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now