Chapter 26 - A

26 2 0
                                    

Nanonood na kami ng palaro sa tabing dagat. Kung sino-sino lang naman ang mga kalahok. Yung mga gustong makakuha ng premyo.


"Bago ang lahat ay nais naming magpasalamat kay Mr. Cydric Salonga sa pagdalo sa ating kasiyahan ngayong araw na ito."


Marami namang tumitingin sa kanya. May binulong naman si Cydric kay Liam, tapos napatawa naman ng bahadya si Liam, medyo nainis naman ako doon. Saglit, ano ang ibig sabihin nitong nararamdaman ko? Biglang may tumabi sakin...Ah, si Vince.


Nagdaan na ng maraming palaro at tuwang-tuwa ang mga manonood. Gusto ko nang umuwi dahil dumidilim ang langit at parang uulan. Iiwanan ko na sana si Vince non para umuwi kaso nakita ko si Cydric na hinihila si Liam para sa isa pa at huling laro.


"Sino ang gustong kumalaban kina Mr. Cydric para sa larong ito? Kailangan namin ng dalawa pang kalahok."


Di ko alam kung anong ginagawa ko, pero basta na lang ako sumugod. Hinatak ko si Vince at tinaas ang kamay ko, "Kaming dalawa!"


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now