Chapter 18-A

27 2 0
                                    

Mukhang okay naman na si Liam, sinubukan na rin naming tanggaling ang arm sling niya. Mukhang okay na rin ang braso niya kaya nakaligo na siya at nagbihis sa kwarto. Hinihintay namin siya na makalabas sa kwarto. Gusto niya pa raw magkaroon ng moment mag-isa kaya pinagbigyan na namin. Kinakabahan ako para kay Liam, baka mapahiya lang kami.


"Makmak, ready na ba siya? Malapit nang magstart."


Hindi naman excited si Jekjek at talagang naka-porma pa siya.


"Liam, ready ka -----"


"Ready na ko!" Nakangiti pa siya pag labas ng pinto. Nakatitig ako sa kanya. Iba ata ang awra ngayon.


"Ang gwapo mo sa suot mo, Liam." Ang sabi ng mama ko. Mukhang hindi naman, Gray v-neckline shirt with black leather jacket at black pants, gray na nike air rubber shoes, naka-ayos ang buhok. Hindi nakakasawang titigan, parang artista, ngayon pa lang proud na ko sa kanya, pero hindi talaga siya gwapo sa porma niya. HINDI TALAGA. Ang cute niya sa suot niya pero hindi siya gwapo. Urrgghhh... ano ba ito?


"Ayos! Mukha kang rakista sa suot mo. Ay teka...." Sabay lapit ni Jekjek kay Liam at hinubad niya ang army necklace na suot niya at isinuot niya kay Liam. "Sayo na yan, souvenir ko na para sayo." Aba naman. At eto namang si Liam, napangiti pa, parang gustong gusto ang nangyayari.


"Eto, parang bagay sayo. Suotin mo to." Pinasuot ko sa kanya ang bracelet na suot ko, black beads na bumagay sa kanya. Pero pagkasuot ko sa kanya nakatingin pa sakin sina mama, papa, at si Jekjek. "Lucky charm, maswerte raw yan." Napalunok na lang ako, sana maniwala sila. Di ko alam kung bakit ko pa yun ginawa.


"Salamat."


At least napangiti ko rin siya. 


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now