Chapter 31 - B

29 1 0
                                    

Magtatanghalian na nang makarating kami ng bahay. Nakita naming na kumakain na sila ng tanghalian, si Liam naman ay inaalalayan si Sophia. Nang Makita ni papa si mama ay hinatak niya si mama.


"Tikman mo itong niluto ni Liam. Napakasarap."


Tinikman ni mama ang pagkain na siyang nanlaki ang kanyang mga mata. "Ano ang tawag mo rito, anak?"


"Hamonadong manok po."


"Napakasarap, saan mo ito natutunan?"


"Ah. Ako lang po. Namiss ko po kasi ang mga luto ni ma. Isa ito sa mga paborito ko."


"Nasaan ba ang mama mo?"


"Patay na po noong nine years old po ako."


Napatigil ang nanay ko sa pagkain at nilapitan si Liam nang maramdaman naming na medyo malungkot na si Liam. Niyakap niya ito, "Di bale. Ituring mo rin kaming mga magulang mo."


"Salamat po."


"Paano naman ako?"


"Isipin mo na lang, ampon ka." At nagtawanan kaming lahat.


"Si ma naman." Patuloy lang ang tawanan namin. Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Liam at nagkangitian.


(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now