Chapter 12

36 2 0
                                    

Urghh! Ang sarrrrrrrraaaaap! Sinangag, egg omellete and tuyo. Ang galing niya pa magluto. Ang ganda naman ng umaga ko. Inasikaso naman ni Liam si Sophia.


Biglang may kumakatok sa gate namin. Pagkasilip ko, yung pinsan kong si Jerry lang pala. Pinapasok ko, dito ko na rin pinakain. Pagkaupo ni Jerry sa mesa ay nakatitig na siya kay Liam.


"Grabe! Eto na yung sinasabi mong bago? Nagsasama na pala kayo." Tapos tumingin naman siya kay Liam. "Hello Carl, ako si Jerry. Nice meeting you." At napagkamalan niya pa si Liam na siya si Carl.


"Jekjek, Liam ang pangalan niya." Parang naguluhan naman si Jerry. Jek jek ang tawag ko kay Jerry.


"So di ko pa nakikita si Carl sa personal, pinalitan mo na. Grabe talaga! Ang tindi mo."


"Housemate niya lang ako rito, I'm not his new partner." Sagot ni Liam.


"Talaga? Nangailangan ka pala ng housemate Makmak?"


"Long story." sabi ni Liam. "Anyway, gusto mo ba ng juice or coffee?"


"Kape lang." Exit muna si Liam para magtimpla ng kape. "Bakla ba yan?" tanong sakin ni Jerry, binulungan niya pa ko para di marinig ni Liam.


"Di ko alam." Di ko sinabi na oo, baka rumami pa ang tanong niya. Madaldal pa naman tong si Jerry.


"Saan mo ba yan nakilala? At bakit may bandana sa ulo? May sling pa siya sa braso." Bulong pa niya. Haaay! Nakakairita pag mayroong matanong sa barkada.


"Mahabang storya." Sabi ko sa kanya.


"Siguro may ginawa kayong something wild na ikinapilay niya." Ibinulang niya ulit.


"Gago." bigla kong nasigaw yun.


Napalingon si Liam. "Sir, may bata." tinignan niya ko na parang may halong pagbabanta. Tumingin naman ako kay Sophia. Tinignan lang ako habang kumakain siya.


"Joke lang yun, nak." Sabi ko kay Sophia. Tumingin na ko kay Jerry. "Bakit ka ba andito?"


Nakabalik na si Liam sa lamesa.


"Wala naman. Dumaan muna ako rito bago ako umuwi ng Batangas mamaya."


"Oh. Bakit ka uuwi?"


"Tignan mo to, dati kang taga-doon, nakalimutan mo na kung anong mayroon ngayon." ah oo nga pala.


"Ano bang mayroon?" Nagtanong rin si Liam.


"Piyesta kasi sa may sa amin."


Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. "Piyesta?"


"Oo, bakit?"


"Gustong-gusto ko kasing maka-experience na nasa piyesta?"


"Sama tayo kuya Lam."


"May work pa si Daddy, diba, Sir?" Tingin na sakin ni Liam. Pero mukhang malungkot naman siya.


"Naka-leave ako."


"So pwede tayong sumama?" Nagliwanang ulit ang mukha niya.


"Wala kang pera, diba?"


Lumungkot ulit ang mukha niya. Pero lumiwanag ulit nang may naisip siya.


"Pwedeng pautang?"


(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now