Chapter 42

25 1 0
                                    

Dahil sa naudlot ang pagbili ni Liam ng pagkain kanina ay naghanap na muna kami ng makakain, kalong-kalong ko si Sophia at hawak niya pa rin ang bag. Paglingon ko ay biglang nawala si Liam sa paningin ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko pero kinakabahan ako dahil sa hindi ko makita si Liam. Pupunta na ba ko sa customer service? Sa lost and found? Sa mga guwardiya? Paano na lang kung iniwan niya nako. Kung iniwan niya na kami. Paano na lang kung....


"Sir?" Napalingon ako sa likod. Pagkakita ko kay Lia ay niyakap ko siya agad.


"Saan ka nagpunta?" Dahil sa pag-alala ko ay nataasan ko siguro siya ng boses.


"Eto," Sabay abot sa akin ng footlong na kapareho ng sa kanya at may supot ng plastic, "binilhan na kita ng pagkain, tsaka yung plastic, fries ang loob niyan, para kay Sophia."


Dahil diyan ay gusto ko tuloy siyang yakapin pa. Pero baka lumayo na naman siya sakin.


"Ahy! Nakalimutan ko palang bumili ng drinks. Sandali! Bibili ako." Paalis na sana siya kaso hinawakan ko na ang kamay niya.


"Hep, hep, hep! San ka pupunta?" Pigil ko sa kanya.


"Bibili ng maiinom." Nagtataka naman siya.


"Mag-isa? Huwag na. Magsama na tayo."


"Ha?" Pagtatanong niya.


"Magsama tayong pumunta sa tindahan. Bakit?" Diretso ang tingin ko sa kanya.


"Ah, wala." Umiling-iling naman siya. "Tara."


Naglalakad na kami. "Ah, yung kamay ko po, sir."


"Anong meron sa kamay mo?" Sabay tingin ko sa kamay niya at sa mata niya.


"Hawak niyo pa rin po."


"Ano naman? Baka mawala ka na naman sa paningin ko. Magandang hawak kita para siguradong hindi ka mawawala sa tabi ko." Pagkasabi ko sa kanya ay kumindat naman ako sa kanya.


"Hindi naman ako mawawala sa...."


"Ssssshhh. Wag ka nang umangal." Sabat ko.


Naglakad lang kami para maghanap ng tindahan. Pagkahanap namin ay nakabili agad kami ng maiinom. Nagstay muna kami sa isang bench para makaupo at makapagpahinga ng konti at kumain. Sumandal ako sa pagkakaupo at in-extend ko ang kamay ko hanggang sa likod ni Liam. Habang ang kabilang kamay ko ay hawak ang footlong. Nasa gitna namin si Sophia. Hindi naman nakasandal si Liam. Ganun naman talaga siya umupo simula na magkakilala kami. Straight lang siyang umupo palagi. Pero ang mga dumadaan, kahit ang tindera na nabilhan namin ng maiinom ay tumitingin samin.


Tinititigan ko lang siyang kumain habang kumakain rin ako. Napansin niya siguro kaya kinausap niya si Sophia.


"Sophia, where do you want to go?"


"Horses."


"Saan yun?" Pagtataka ko. Nag-isip ng konti si Liam pero agad naman niyang nagets.


"Carousel." Sagot ni Liam. Ah okay. Kung sa bagay, hindi kami pwedeng sumakay sa mga extreme rides dahil kay Sophia. Pero makita ko lang si Sophia na masaya, okay na yun. Hindi na rin naman ako bata para sa mga ganito. Lalo na't nadagdagan ang kasiyahan ko dahil may isang taong umiintindi sakin at nagiging katuwang ko sa buhay ko. Pero naisip ko, okay nga lang ba na ganito lang kami? Wala akong karapatan na magselos kung may dumikit sa kanya na ibang tao katulad ni Cydric?


Sumakay kami sa carousel, bump car, at sa iba't-ibang mga rides na pwede para kay Sophia. Sobrang saya ni Sophia, sobrang saya namin.


Hanggang ang sumunod ay ferris wheel. Sumakay na kami at umandar na ito. Pagkarating namin sa taas ay napansin namin ang liwanag na parang ito ay hapon na. Nakatitig lang si Liam doon sa araw na parang papalubog na, habang ako, dahil sa napansin ko na hapon na ay tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Mag-aala singko na pala. Grabe! Hindi ko na namalayan ang oras. Hindi pa ba tapos sina Mich? Pero ayos lang, naging masaya naman si Sophia.


"Tignan mo yung araw, sir." Tinignan ko naman ang araw na papalubog na. "Pinangarap ko na tumira sa isang bundok, malamig, mataas, at tahimik, yung ako lang ang nakatira. Tapos aabangan ko lang ang sunset bawat araw."


Tinignan ko lang siya at tinignan ang sunset. Pinakinggan ko siya, pero kapag pangarap na ang pinag-uusapan, hindi ko na lang sineseryoso. Marami rin naman akong pangarap pero malayo pang magkatotoo. Hindi ko pa iniisip hanggang ngayon. Sa lahat ng pangarap, eto pa lang ang nagkatotoo. Ang magkaroon ng anak. Pero ngayon, parang balak pa sakin ilayo ito.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now