Chapter 49

28 0 0
                                    

Naligo naman kami sa dagat at maya-maya'y nagbalak kaming pumunta sa isang isla katabi nito, hindi pa raw puwede ang 4 years old pababa kaso dahil kay Mich ay pinayagan kami. Hahaha, iba talaga pag may kasama kang may-ari. Kaya naghanda na kami ng life vest. Pagpunta namin sa mga bangka, maliliit pala ito, kasya lang ang apat na tao, kasama na doon ang mamangkero.


"I think we need Markus to join with us, para proof na consent ng parent. Besides, I am in hold of responsibility to the child since nag-approve ako ng kid." Sabi ni Mich.


"Okay lang na hindi kami kasama ni Sophia." Sabi ko naman.


"Sama ka na." Sabat ni Raffy, pero bumulong naman siya sakin. "Baka masolo pa yan si Liam. Sige ka." Sabi niya sabay turo kay Cydric. Bigla ako napaisip, tama siya.


"Sasama pala ako. Sige, tara na." Biglang pag-iba naman ng desisyon ko. Nagsuot na rin ako ng life vest at si Sophia.


"Sa kabilang bangka naman kami ni Cydric." Sabi naman ni Liam. Haaayyy! Bakit hindi na lang kami magkasama. Eto namang sina Raffy at Mich, parang ayaw maghiwalay kahit limang segundo lang.


"Liam, I forgot my phone pala sa car, okay lang kung kunin ko muna to update my Dad?"

"Okay lang. Hintayin kita rito." Sabi ni Liam, umalis na muna si Cydric at ang bodyguard.


"We'll go first para makapag set up na kami for the picnic." Sabi ni Mich. "Manong, you know the island ha? Take care of them. We'll wait sa Tatlong Bato" Tatlong Bato ang tawag sa isla na pupuntahan namin, maganda raw doon.


"Sandali, hindi ba pwedeng sabay na lang ang dalawang bangka natin papunta doon?" Tanong ko. Sabihan niyo kong praning pero pakielam niyo.


"Para less hassle. Mabilis rin naman babalik si Cydric. Let's go." Sagot ni Mich. Sumakay na kami sa bangka at unti unting lumalayo kay Liam pero tinititigan ko lang siya habang papalayo na ang sinasakyan naming bangka.


Makaraan ang 20 minutes ay nakarating na kami sa isla. Maganda at napakatahimik ang alon at huni ng mga ibon lang ang maririnig rito. Maraming mga puno kaya madali kami nakakita ng masisilungan mula sa init. Naglatag na kami ng tela at iilang pagkain para sa lunch namin, pagkatapos ay kumukuha ng larawan si Raffy na panay pose naman ni Mich. Si Sophia at ako naman ay tuloy sa pagligo sa dagat. Pero nakapansin ako na medyo matagal-tagal na kami sa isla pero wala pa rin sila. Sinilip ko ang phone ko kung may text si Liam pero wala palang signal rito. Pinuntahan ko sina Raffy para magtanong kung may signal ba sila. Wala rin raw. Baka on the way na raw sila. Pero bakit iba ang nararamdaman ko?


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now