Chapter 55

29 1 0
                                    

"Nasaan ako?" Tanong ni Liam na parang wala pa sa ulirat. Sumunod naman si Cydric sa pagpasok.


"Andito sa isla kung saan kayo naligaw, kamusta ang pakiramdam mo?"


"Maayos na ko. Ano ba ang nangyari?"


"Natuklaw ka ng ahas." Sabi ni Cydric.


"Sina Sophia? Maayos lang ba sila?" Bakit iyon agad ang inaalala niya? Pero natutuwa ako kay Liam, mas inaalala niya ang anak ko kesa sa sarili niya.


"Wag kang mag-alala, maayos si Sophia, kasama niya si Mich." Sagot ko.


"Oh, Eto, tubig." Abot ni Cydric kay Liam. "Nagugutom ka ba?"


"Ginawan ka ni Manang Lisa ng sopas." Sabi ko, at sabay abot ng sopas ni Manang Lisa kay Liam.


"Lisa? Dr. Melissa Guancia?" Tanong ni Liam pagkakita niya kay Manang Lisa.


"Paano mo nalaman ang buo kong pangalan?" Buong pagtatakang tanong ni Manang Lisa na ako rin ay namangha dahil tama ang pagkakahula ni Liam.


"Kaya pala parang pamilyar kayo sa unang tingin. Nakekwento po kayo sa akin ni mama, at lagi niya pong pinapakita sakin ang mga larawan niyo. Ako po pala ang anak ni Elizabeth."


Napahinto saglit si Manang Lisa. "Si Ma. Elizabeth Guancia? Ang bunso kong kapatid." Napayakap siya kay Liam at napaluha.


"Kung andito si mama, magiging masaya siya dahil nagkakilala na tayo." Sobrang tuwa naman ni Liam.


"Kamusta na siya?" Tanong ni Manang Lisa.


"Wala na po siya." Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Liam. Ganun rin si Manang Lisa nang marinig niya iyon.


"Anong nangyari?"


Dahil doon ay mukhang kelangan nilang mag-usap na sila lang kaya iniwan na muna namin silang dalawa. Pero dahil doon ay unti-unti ko nang nakikilala si Liam.


(Chapters 56 - 60 will be published next Sunday, Oct. 11.)



ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now