Chapter 46

27 2 0
                                    

Nakatulala pa rin siya sakin, halata sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala.


"Wala kang sasabihin?"


"Sorry, I just can't believe that it is happening right now. You just met me for less than a week and...."


"Liam."


"...and you don't know me yet. What if...."


"Liam."


"...you just feel that I am pathetic or a loner..."


"Liam." Ilang beses ko nang tinatawag ang pangalan niya, nag-eenglish na naman kasi. Pero ang cute niyang tignan kasi namumula siya.


"What if..." Ang daldal ni Liam, kaya para mapatigil ay hinalikan ko siya sa pisngi. Tumigil naman siya sa pagsasalita at napatitig lang sakin. May bigla namang may tumili sa kabilang balkonahe, alam ko na kung sino iyon. Malamang, sa kadaldalan ni Mich kanina ay hindi ko pa maaalala ang boses niya. Pero nagtatago sila para hindi naming makita.


Aktong naglalakad siya palayo patungo sa pinto.


"Saan ka pupunta?"


Walang lingon-lingon ay sumagot siya, "Magpapahangin."


"Andito tayo sa balkonahe, nakakapagpahangin naman tayo dito."


"Basta."


Haaayyy, siguro, wrong move ang ginawa ko kanina. Mali ang pag-amin ko. Tiyak na hindi niya nagustuhan at gusto niya nang lumayo. Tumalikod na lang ako at napatingin na lang ako sa dagat at naiinis sa sarili kung bakit hindi ko natiis na umamin.


Pero nararamdaman ko na naglalakad siya pabalik sakin at nasa likod ko, bigla niya kong hinalikan sa pisngi at napatingin sa kanya, pero tumingin tingin siya kung saan saan na parang nahihiya. Muli ay may tumili sa kabilang balkonahe. Samantalang ako ay nagulat sa ginawa niya at naguguluhan kung ano ang ibig sabihin ng ginawa niya.


"Babalik ako agad."


Habang naglalakad siya palabas ay nakatitig lang ako sa kanya. Pagkalabas niya ng pinto ay nakarinig ako ng malakas na tili sa labas, tili na parang kinikilig. Pero alam kong boses yun ni Mich. Malamang ay nakita niya ang buong pangyayari at sinundan niya si Liam. Samantalang ako rito ay nakatulala pa rin at hindi ko alam ang ibig sabiihin pero malakas ang kutob ko na gusto niya rin ako.


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now