Chapter 15-B

29 2 0
                                    

Nakita ko sa mga larawan na nakasabit sa mga pader na kawayan ang paggraduate ng ate ko sa college, "Kakaalis lang last month ng kapatid mo para mag-abroad, sayang di na kayo nakapang-abot. Pero hinanap ka ng ate mo at tinitignan ka niya mula sa malayo. Pasalamat kay Jekjek at binabalitaan kami tungkol sayo." Sabi ni ma habang nakatitig siya sa akin.


"Bakit hindi ako nilapitan noon ni ate?"


"Nahiya siya, alam mo naman ang ate mo ma-pride, pero matagal ka na niyang pinatawad." May inabot siya sakin na pangalan niya sa facebook. "Eto ang pangalan niya sa facebook, I-add mo na lang siya. Alam niya ang facebook mo kaso di ka niya in-add kasi baka iignore mo lang raw request niya, pero matagal kana rin niyang gustong I-add."


"Pareho pala kami." Alam ko ang mga fb nila, kaso natatakot akong I-add sila, baka ma-ignore lang ako.


Ngayon ay gumaan na ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay natanggalan ako ng tinik sa puso ko.


"Ang ganda ng anak mo, Makmak."Tinitignan niya si Sophia na naglalaro sa tatay ko at kay Liam. "Pero hindi ka ba natatakot na baka bawiin si Sophia ng ina sayo balang-araw?"


Hindi ko na naisip iyon, ipinamigay niya sakin ito, bakit niya babawiin?


"Pero sino ba yung isa na kasama mo?" Tinuro naman niya si Liam.


"Mahabang kwento, ma. Hindi mo aakalain kung paano kami nagkakilala." Naalala ko kung paano kami nagkita at nagkasama, nakakatawa pa nga noong marunong pala siyang magtagalog, pina-ingles niya pa ko. Tapos, sa mga panahon na nagpapacute pa siya masunod lang ang gusto niya.


"Anak."


"Ano po yun, ma?."


"Ba't napapangiti ka?"

(Chapters 16-20 will be posted next Sunday, Aug. 16, 2020)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now