Chapter 50

26 0 0
                                    

Naghintay ako ng ilan pang minuto hanggang sa oras. Hindi na ko mapanatag. Pinuntahan ko na sina Raffy na ngayon ay magkasamang namamahinga sa sinisilungan naming puno.


"Hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Bumalik na kaya tayo doon." Sabi ko sa kanila.


"Let us wait one more hour, if umalis tayo, baka iyon rin ang pagdating nila. Magkasalisihan lang tayo." Sabi naman ni Mich na nakahiga pa rin at nagpapahinga.


"Pero isang oras na rin ang nakakalipas. Baka nga may nangyari na sa kanila." Sabi naman ni Raffy.


"Okay, let's go." Sabi naman ni Mich. Pagkaligpit namin ay pumunta na kami sa bangka at ang tao sa bangka na naghihintay lang samin.


Ilang minuto na rin ang biyahe pabalik pero halos gusto ko nang tumalon rito sa bangka at lumangoy hanggang sa makabalik sa resort. Marami ng mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Kung may nangyari ba sa kanila, o di kaya'y may ginagawa sila. Pero kelangan kong alisin ang huli. May tiwala ako kay Liam, siya na rin ang nagsabi na hindi siya mababaw na tao.


Yung totoo, hindi ako makausap sa ngayon dahil iba ang iniisip ko ngayon.


Maya't – maya ay nakarating na kami sa resort, wala yung bangka na dapat sasakyan nila. Dumiretso naman kami sa loob ng resort at hinanap sila. Ganoon rin sa kwarto namin. Iniisip ko, hindi kaya kinuha ni Cydric si Liam at dinala kung saan.


"Hinanap ko na sa loob at labas ng resort, wala sila kahit saan. Pero nakita ko ang van na naka-park, kay Cydric ata iyon." Sabi naman ni Raffy.


"Ibig sabihin, andito sila. Pero nasaan?" Sabi ko habang napapaisip.


Nakita naman kami ni Mich, "May nakakita sa kanila, nakasakay raw sila sa bangka, malamang andoon iyon sa isla na pinuntahan natin."


"Tara, balikan natin." Sabi ko.


"Ha? Baka magkasalisihan ulit tayo." Sabi naman ni Mich.


"But if their way is going to the island, dapat nakasalubong na natin sila, hindi naman sila iikot diba?" Napaisip ako, tama si Raffy, makikita namin sila kung iisang isla ang pupuntahan namin.


"Saang isla pa ba sila pupunta? Eh I just said to manong to bring them to Tatlong Bato." Sabi ni Mich.


"Did you mention that it is in the west? Remember it has Tatlong Bato in the north, too?" Tanong ni Raffy.


"Shocks! I didn't mention that!" Sabi ni Mich sabay tapik sa ulo niya.


"Saglit! Meron pang Tatlong Bato sa hilaga?" Sabi ko naman na parang naguguluhan.


"Yes. Possibly, doon sila pumunta." Sagot naman sa akin ni Raffy.


"Edi pumunta na tayo doon." Pinapatawag ko na yung manong na naghatid samin sa isla.


"We have a problem." Pigil sakin ni Raffy. Tumingin siya sakin na parang seryoso. "It is two hours travel."


"Edi tara na, baka abutan tayo ng gabi." Aktong aalis na sana ako kaso pinigilan ako nina Raffy.


"Bakit?"


"Wala pang nakakapunta doon, it is allegedly claimed that there's a tribe of cannibals in the island." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Raffy.


"Imposible. Imposible. Imposible." Halos napatulala ako at naninigas ang buong katawan.


"Mich, kindly look after Sophia, Marcus and I will go to Tatlong Bato."


"Pe-pe-pero baka may mangyari sa inyo. What if wala pala sila doon." Kinakabahan rin si Mich.


"That's why we have to go there to find out kung andoon sila. Besides, I will call your cousin to send some rescue team para may kasama kami." Sabi ni Raffy kay Mich, tumingin naman siya sakin. "Kindly wait and I will call her cousin."


"Matagal pa ba iyan? Okay lang kung ako lang."


"No. You better be calm. Their station is just two blocks away from here. Makakapunta agad sila."


Hindi ko alam kung dapat akong kumalma sa mga narinig ko. Kelangan ko siyang iligtas.


(Chapters 51-55 will be published next Sunday, Oct. 4.) 

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now