Chapter 2

123 3 0
                                    

Nasa mall ako ngayon, ATM??? PUCHA! NAWAWALA ANG ANAK KO!!! Di ko naman naisip na grabe karami ang mga tao ngayon dahil sa mall tour ng isang sobrang sikat na artista, at sale pa. Sobrang kaba ko ngayon, anlaki ng Mall of Asia, saan ako magsisimulang maghanap? Kaninang 3:45 pm kakatapos pa lang naming kumain nang nakasalubong namin ang partner ko na nangungulit sakin kasi di na raw ako nagpaparamdam. Naghahanap rin siya sa anak ko ngayon, naghiwalay kami sa paghahanap. Until now (5:55pm), wala pa kong updates. Sobrang lakas na ng tibok ng dibdib ko.


"Calling the attention of the parent of the little girl wearing white shirt with a unicorn print and pink skirt with Nike Air shoes. Please proceed to the customer care department."Naging kalmado ako nang konti nang marinig ko yung announcer nila. Pakiramdam ko ay iyon si Sophia dahil iyon ang suot niya. Nakita nila si Sophia, pero di ako sigurado kung siya yung tinutukoy nila. Tumakbo ako patungo sa customer care na nasa bandang north ng mall, (pero galing kaming south, paano siya napunta doon?)


Sa wakas...nasa CCD nako. Grabeng hingal at tagaktak ng pawis ko nang nakarating ako rito.Lumapit ako sa guard na nagbabantay ng pinto, "Ako yung ama nang nawawalang bata, saan siya?""Sa loob po."


Okkkkkkkkkaaaayyy. Awkward. Tinitigan ako ng guard na parang namumula.Pumasok na ko. Nakita ko si Sophia na naglalaro kasama ang lalaking nakatalikod, katabi niya ang nurse."SOPHIA!""PAPA!!"Tumakbo siya sakin na parang nasasabik. Niyakap niya ko ng sobra. Binuhat ko siya."Wait lang po, Sir." Bigla namang lumapit sakin ang isa sa mga representative na naka office girl. "Identification check lang po. Make sure lang po namin na kayo po ang daddy ng bata." Sweet ng voice niya, ang cute, pero wala akong pake."Saan niyo siya nakita?""Sir, meron pong nagdala sa kanya, siya po ang nagdala rito."


Lumapit samin ang lalaking parang nasa early adult ang age. Ang gwapo niya, una kong nakita ang mata niya. Deep-eyed at bilugan, bilugan ang mukha, blonde ang buhok, maputi, di payat, di rin mataba ang katawan at nasa 5'7 " ang tangkad, pero mas matangkad pa rin ako. Pero may bandana sa ulo at pipilay-pilay na naglakad na may arm sling pa sa kanyang kanan.


Tumingin siya kay Sophia, parang anghel kung tignan ko siya. "Sophia, Is he your father?" ang lalim ng boses, swabe kung magsalita."Yes, he is my father." Napangiti ang lalaki.


Nagulat ako. Ngayon ko lang narinig ang anak ko na nagsalita ng wikang ingles ng tuloy-tuloy, mukha nga siyang taga-ibang bansa.


Di ko alam, parang nastuck ako sa kakatitig sa kanya, nagsalita na pala siya. Huli ko nang marinig ng klaro nang tapos na siyang magsalita."Ano po yun?""I said that I am glad that you finally found your daughter.""Ah. Ok." yun lang nasabi ko. Di ko naman alam kung anong dapat na reply sa ganoong salita. Magaling naman ako sa English, pero wag lang ngayon. Speechless pa ko. 


Pero swabe siyang magsalita, kano nga to. Napatingin na lang siya sa office girl at nagsalita.

"I'll go ahead. Thank you for taking care of me. Don't worry, I'll be fine.""Thank you po for helping this dad to find his daughter, Sir. ""You are welcome."Umalis na siya na pipilay-pilay at nakalabas ng office kasama ang nurse, habang ako rito...tulala."Ano ang nangyari sa kanya?" Sabay turo sa lalaking pilay."Naaksidente siya." Kawawa naman pala siya, di kasi nag-iingat. "Nung muntik nang masagasaan yung bata, siya ang sumagip."


ARAAAYY!!!! Parang ako na yung pinapatamaan nung babae. Di sana nangyari sa kanya yun kung di ko napabayaan si Sophia. Pero kakaiba siya, kaya niyang magbuwis ng buhay para sa ibang tao. Bigla na lang nagsalita ang bata, "Papa, Kuya Lam." "Sino si Lam?"Sumingit ang babae, "Ah, Siya na po yung lalaking nakakita at nagligtas sa bata. Liam po ang pangalan niya."


Liam pala ang pangalan niya.


"Sama ko Kuya Lam." Nagulat naman ako kay Sophia, nahihiya siya sa ibang tao, kahit sa partner ko na si Carl, kaya di siya kumakausap kahit kanino, di siya nagsasalita sa ibang tao. Pero kay Liam, parang gusto niyang kasama. "Stranger yun, Nak. Wag kang sumama."


"Kuya Lam. Kuya Lam. KUYA LAM!!!!!! " HALA! Nagwawala na si Sophia. Hinahanap niya si Liam.Hahabulin ko ba siya?


(To be continued)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now