Chapter 14-A

31 2 0
                                    

Nakarating na kami sa Nasugbu, Batangas. Akala ko uulan. Yun pala aaraw, pero palubog na rin. Nagtricycle na kami papunta doon since wala namang masyadong taxi rito at tanging tricycle lang ang makakadaan sa barangay na yun. Kung gaano kalapit na kami sa bahay, palakas nang palakas rin ang tibok ng puso ko.


Tatanggapin pa ba nila ako? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko at nangyari samin.


Pagkababa namin sa tricycle, kelangan pa namin lakarin ang looban. Para makita mo ang malawak na lupain na may mga bahay na mayroong iba pang bahay. Sa gitna, parang may bonfire.


Naglalakad na kami matapos bumaba sa may kalsada, kailangan pa naming dumaan sa looban para makita ang bahay. Nauna si Jekjek, sunod sina Sophia at Liam at panghuli ako. Marami na kaming nakikitang naglalakad sa labas, karamihan puro dalaga at binata at mga Jugels. Lalo na ang mga banderitas at mga bandila na makukulay. Napakaganda, may mga pagbabago rin matapos ang limang taon na paglisan ko rito. Sariwa pa nga ang alaala kung paano ako umalis sa lugar na ito.


(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now