Chapter 21-B

26 2 0
                                    

Nasa mall kami ngayong hapon. Kasama ko sina Jekjek, Liam, Nanay at Tatay, at ang anak kong si Sophia na akay akay ni nanay. Okay namang kausap si Liam simula kaninang umaga pero parang iba ngayon, parang malamig, parang malimit na lang rin niya akong pansinin at kausapin.


"Parang gusto kong mag-ice cream, tara, ice cream ta...." paanyaya sana ni Jekjek. Kaso naputol ang sasabihin niya nung dumating si Vincent. Nagulat rin ako sa pagdating niya, pero una kong tinignan si Liam sa kung ano ang magiging reaksiyon niya. Parang wala lang sa kanya.


Oh well, ano ba ang dapat kong iexpect sa kanya?


Nalaman lang naman ni Vince na andito kami kasi magkatext kami.


Pagod na raw sina Nanay at Tatay at gusto na raw nilang umuwi, pauwi na sana kami nang magsabi si Vince na gusto niya raw manood ng sine na kasama ako. Dinala na lang nina nanay si Sophia at doon na lang raw sila maglalaro. Gusto ko sanang sabihin kay Vince na iinvite niya rin sana sina Liam.


"Kami na lang ni Liam ang magdedate ngayon." Sabay akbay ni Jekjek kay Liam. Mukhang wala naman atang gagawin si Jekjek na ikaiinis ko. Pero mas okay sana kung kasama sila.


"Isama na lang kaya natin sila, Vince."


"Huwag na! Moment niyo yan. Ayaw naming istorbohin kayo, diba Liam?" Sabay singit ni Jekjek.


Tinignan ko si Liam, ineexpect na...ay! Wag na pala akong mageexpect. Pero sana..sana lang...huwag lang siyang mawala sa paningin ko. Kasi nga nag-aalala lang ako, kargo ko pa rin siya.

(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now