Chapter 43

25 2 0
                                    

Maya't-maya ay tumawag na si Michelle sa phone niya at naghihintay sa amin sa kotse. Pagkababa namin sa ferris wheel ay dumiretso na kami sa parking lot. Nakatitig ulit si Michelle sa amin na naghihintay sa labas ng kotse kasama si Raffy.


"I know what you are thinking, Mich. Natipuhan lang ni Sophia na magsuot kami ng ganito." Sabi ni Liam habang tumitingin sa malayo. Parang nahihiya.


Hindi na nagsalita si Michelle. Pero wagas pa rin ang ngiti niya sa amin. Sumakay na kami sa kotse at nagsimula nang bumyahe.


Habang nasa biyahe ay patuloy rin ang pagtugtog ng music player.


Maya't-maya ay tumugtog ang isang kanta na siyang itinili ni Mich.


"Liaaaammm! Do you still remember this song? Di ba favorite mo ito? Sabi mo pa nga you are dreaming that someone will dance with you while this song is playing?"


"Mich." Sabay tingin ni Liam kay Mich na parang gusto niyang patahimikin.


"Okay, fine." Sumabay na lang si Mich sa kanta habang tinignan ko naman si Liam na nakapikit. Mukhang may iniimagine.


Ano kaya ang kantang to? Alam ko napakinggan ko na rin sa isa sa mga Disney movies na pinapanood ni Sophia.


Alamin ko na lang sa lyrics, di'ba ganun tlaga sa mga kanta, nasa huling lyrics ng chorus yung kanta?


"Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until, you learn to forgive"


Leaves ata ang title, iyon ang paulit-ulit na lyrics. Nilagay ko na sa Notes ko na app sa cellphone para di ko na makalimutan, pero pasimple lang para hindi nila mahalata, kunwari may tinetext.


Madilim na at nakatulog na rin si Sophia at nakarating na kami sa Tagaytay, nagtungo na kami sa isang bundok.


Maya't-maya ay nakita namin ang "Welcome to Athena's Haven Higland Resort."


Pagkarating namin sa resort ay tanaw ko na ang mga estatwa na parang nasa Greece ka. Dumaan kami sa Receptionist. "Hello Mam Mich." Inabot ang dalawang susi. "Nakaprepare na po ang mga rooms." Sunod ay tumingin ang Receptionist samin. "Hello po, Sir Allen."


"Kamukha lang." Sabay sabat ni Mich.


Dumiretso na kami at umakyat sa hagdan hanggang sa nakarating sa harap ng room # 2 "So here's your key, welcome to Athena's Haven. Feel the comfort as if you are in heaven." Nag-endorse pa si Mich sabay abot ng susi kay Liam. "If you need anything, we are just in room # 1 or call the room boy instead, they are available 24 hours. Just dial 0."


"Salamat." Sabi ko.


"Ah, anyway, magkekwentuhan muna kami ni Mich." Sabay sabi naman sakin ni Liam.


"Diba different ang kwento sa usap, girl?"


"Magkapareho lang yan. Tara sa garden." Sabay hatak naman ni Liam kay Mich.


Ang maganda kay Mich eh palaging nadudulas dahil sa pagkadaldal niya, kaya nasasabi niya tuloy ay puro katotohanan na madalas ay pinipigilan ni Liam. Hindi ko alam kung anong pag-uuspan nila. Pero sa pagkakakita ko kay Liam, mukhang seryoso iyon.



"Pre."


Napalingon ako dahil nagsalita si Raffy sakin.


"Umiinom ka?"


(To be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now