Chapter 11-A

35 2 0
                                    

Di ko na namalayan na nakadalawang malalaking bote na kami.


Sobrang saya niyang kausap. Walang single moment ang nasayang. Medyo nahihilo na ko. Samantalang siya eh parang matino pa rin siyang kausap. Pareho na kaming madaldal. Medyo inaantok na rin ako tapos pabagsak na mata ko.


"Pero seryoso, di ko alam ang tungkol sayo. Ayoko naman na nagpapatuloy sa bahay na di ko pa lubusang kakilala."


"Sabi ko sayo. It's complicated."


"Kung ikaw sa sitwasyon ko. Magpapapasok ka ba sa bahay mo ng taong di mo pa kilala?"


"Natanong mo ba sarili mo nung nakikipag-hook up ka at dinadala mo sila sa bahay mo?" May point siya. Ginagawa niyo rin ba yun? Ang magpapasok ng di mo kilala sa bahay niyo?


"Iba na to, araw-araw ka nang andito. Komportable pa ang anak ko sayo. Mahirap kaya na may kasama ka araw araw sa bahay na di mo pa talaga kilala?"


"You have a point." Uminom siya ng alak, takte, papiki nako. "Ok, I was a teacher from New York."


Napamulat ako ng sinabi niya yun. Kaya pala ang galing nyang magsalita sa ingles.


"But I have to leave my work because of my family kaya umuwi ako rito."


"Kung umuwi ka para sa kanila, bakit nagtatago ka? Sino ang pinagtataguan mo?"


"That's the point. I'm hiding to my family. They want me to do something that I really don't want to do. That is why I escaped before they force me."


"So pinili mo rito sa Pilipinas magtago?"


"I can't hide somewhere nice if I'm broke. My money is not that..."


"Punyetang english ah." Minsan talaga, makakapanakit ka sa sobrang irita.


"Pasensya. Katulad ng sinabi ko, hindi ako handa na tumakas kaya wala akong naipon. Kaya humingi ako ng tulong sa kaibigan ko na si Mich na nakatira sa Alabang."


"Ahh. Doon ka sana maglalagi..." bigla ko ngang naalala yung moment na hinatid ko siya sa Alabang pero pinigilan niya ko. (see Chapter 4) "pero bakit di ka natuloy?"


"Mich is a family friend, my family knows na siya lang ang takbuhan ko through ups and downs. So inexpect na nila na wala akong pupuntahan kundi siya lang, the reason why I stopped you driving to the house of my best friend because my brother was there."


Napanatag na rin ako kahit papano. Kasabay na rin ng utak ko na panatag na rin at parang gusto ko nang matulog.


"Ano ba yung gustong ipagawa sa iyo?" Wala na, napapikit nako.


"It's complicated and confidential." Iyon na lang ang narinig ko pagkatulog ko.

(to be continued.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now