Chapter 30

29 2 0
                                    

Gumising ako ng maaga para pumunta ako ng grocery store at souvenir shop, bibili ako ng mga pangangailangan namin nina Sophia at Liam pabalik ng Maynila.


Di ko na pinuntahan si Liam sa kwarto na tinutulugan niya para gisingin, alam naman ng nanay ko kung ano ang mga dapat bilhin at kung anong magandang ipasalubong kaya siya na ang sumama sakin pagkatapos naming mag-almusal. Sa daan, ikikuwento ko na sa kanya kung ano ang ginawa ni Liam, na siya namang ikinahinga nang malalim ng nanay ko.


Tapos na kaming maggrocery at nasa souvenir shop na kami, tumitingin tingin ng mga pwedeng dalhin na pagkain. Napaisip ako bigla kung ano ng aba ang gusto ni Liam.


"Ano nga ba ang gusto ni Liam?" Napasabi ko sa sarili ko.


"Bakit di mo tawagan?" Narinig na pala ako ng nanay ko.


"Baka kasi tulog pa."


"Nagtext papa mo, sabi niya gising na rin daw ang dalawa."


"Wala akong number niya." Medyo nahihiya pa ko habang sinabi ko iyon.


"Eto," Inabot sakin ni ma ang cellphone niya. "Kunin mo ang number niya o tatawagan mo siya rito, ikaw na bahala."


"May number ka niya?"


"Oo, hiningi niya kasi number ko, kinakamusta niya sakin si Sophia sa pamamagitan ng text. Pati nga kami kinakamusta niya. Hay naku, nakakatawa ang batang iyon. Bihira ka lang makakita at makakilala ng ganung bata sa ganung edad. O siya, ibalik mon a lang sakin ang phone ko kung tapos kana. Pupunta muna ako sa mga biscuit."


Umalis muna si ma, iniwan niya ko rito na nag-iisip kung kukunin ko ang number niya o tatawagan ko na lang siya rito.


Kukunin ko na sana ang phone ko para kopyahin ang number niya, kaso di bale na lang. Tinawagan ko na lang siya rito sa phone ni ma.


<phone call>


"Yes po, tita." Ang lamig ng boses niya pag nasa phone, ang sarap pakinggan. "Tita?"


"Kamusta si Sophia?"


"Sir? Kasama ni Tito, nakikipaglaro."


"Nasaan ka?"


"Nagtutupi ako ng mga damit natin na ipapasok sa maleta at bag."


"Ah okay."


"Yun lang ba?"


"Ah kase....ano kase?" Medyo nahihiya na naman ako. "Nasa souvenir shop ako, naghahanap ng pagkaing maiuuwi sa bahay sa Maynila. Baka may gusto kang ipabili."


"Wala naman."


"Di mo bibigyan sina Mich o pamilya mo."


"Okay lang naman kung wala."


"Wala kang gusto?"


"Pwede rin naman kahit ano."


"Hindi ako tumatanggap ng "kahit ano".


"Hindi ko alam kung anong meron dyan. What if ikaw ang pumili ng sa tingin mong pinakamasarap."


"Ayoko nga, baka allergic ka pala sa mga pinamili ko, nasayang pa pera ko." May nakita akong biscocho at kinuha ko. "Gusto mo ba ng biscocho?"


"Anong biscocho?"


"Yung toasted bread na butter ang flavor with sugar bits." Binasa ko lang ang content.


"Sige. Okay yun."


"Mango tart?"


"Alam ko yan. Hindi ako fan ng mango. Caramel tart?"


"Meron, kukuha ako."


At nagtuloy-tuloy na nga ang usapan naming tungkol sa pagkain na bibilhin, buti na lang at unli si ma, medyo matagal ang naging usapan naming dalawa. Nung natapos na ay binaba ko na ang phone. Hinanap ko na ang mama ko. Nakita ko naman siya na nakikiapag-usap kay Vince.


"O, anak. Andito si Vince. Uuwi na raw kapatid niya sa Iloilo. Binibilhan niya ng mga ipapasalubong." Sabi ni nanay nang makita niya ako.


"Tita, okay lang ba kung kausapin ko lang si Makmak?" Tumingin sakin si mama pagkasabi ni Vince.


"O, sige. May bibilhin pa naman ako sa katabing tindahan. Hintayin na lang kita doon, anak." At umalis naman si Ma.


(Chapters 31-35 will be published next Sunday, Sept. 6, 2020)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now