Chapter 35

28 2 0
                                    

Nakahiga na kami, nasa gitna si Sophia.


"Dad, story."


Bumangon ako at kumuha ng story book.


"Sinong princess ang gusto mong basahin?"


"Princess Magayon!"


Napatinging ako kay Sophia na parang nagtatanong, ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon.


"Ah. Princess Magayon." Napatingin ako kay Liam.


"Sino siya? May bagong labas na Disney princess?"


"Ahh.. hindi. Actually, it is one of many folk stories, it is a legend of Mt. Mayon. Favorite story ko na siya since bata pa lang ako."


"Anong kwento niya?"


"Well," napaupo siya sa kama. "Isang araw sa Albay, may isang napakagandang anak si Datu Makusog, iyon ay si Daragang Magayon. Nakahahalina ang kanyang ganda..."


Pinagpatuloy niya lang ang pagkukuwento. Halos hindi ko matanggal ang paningin ko sa kanya. Tinitignan ko lang siya habang nagkukwento. Ang ganda at ang linaw ng boses niya. Magaling siya magkuwento kahit walang kopyang binabasa.


Maya't-maya ay nakatulog na si Sophia na siya namang nakatapos rin sa pagkukwento ni Liam. Simple lang at maikli.


"Tulog na si Sophia." Sabi ko sa kanya habang tinititigan si Liam na inaayos ang kumot ni Sophia. Tinignan niya ko na parang hinuhukay na naman ang pinakailaliman ng mata ko na nagtatanong. Pero ngayon, hindi ako lilihis ng tingin. Gusto ko siyang titigan ng matagal. Pero parang may nararamdaman na ko sa loob ko na gusto ko na maging agresibo, Unti-unti ko nang nararamdaman na gusto ko nang lumapit sa kanya at gawin ang gusto kong gawin sa kanya. Nilapit ko na ang mukha ko sa mukha niya, kaunti na lang at matitikman ko na ang labi niya. Malapit na malapit na....


"Tulog na tayo? Nakakapagod ang biyahe." At bumalik naman ang diwa ko. Nakahiga na siya at balot na balot ng blanket. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. At least kaya niyang kontrolin ang boligs(libog) niya. Sana all.


Humiga na rin ako at natulog. Pero ngayon, parang masaya na ako. Sana palaging ganito.

(Chapters 36-40 wil be published next Sunday, Sept. 13.)

ALL ABOUT LIAMWhere stories live. Discover now